RIZAL @ POLITICAL SCIENCE

60 2 1
                                    

      "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan" Iyan ang mga bagay na unang napasok sa isip ng tao kapag narinig ang pangalan ng pambansang bayani ng ating lahi. Si Jose Protacio Rizal Mercado Alonzo y. Realonda pero hindi ako sigurado kung tama nga ang pagbanggit ko sa kanyang pangalan at siguradong ikahihiya ako ng mga naging teacher ko sa subject na history dahil pagbanggit lamang sa pangalan ng buong pangalan ng pambansang bayani natin ay hindi ko pa mabanggit ng tama kung sakaling nababasa nila ito. Pero hindi talaga tayo ngayon nakatuon sa buhay ni Rizal dahil alam kong lahat kayo ay nababagot sa subject na history wag kayo magalala pareparehas lang tayo. Ang pagtutuunan natin ngayon ng pansin ay ang guro ko sa subject na ito. YES MAKAKABAWI NADIN AKO SA KANYA! Naguguluhan ako sa kanya kung paano ko sya ituturing. Hahangaan ko ba sya o kaiinisan? Ah basta kayo na bahala sa buhay ko tungkol sa kanya. Naaaliw ako sa kanya bilang teacher ko dahil magaling ata sya magpatino ng estudyante? Hindi talaga ako sigurado kung magaling sya magpatino o magaling syang mangasar ng estudyante. Naaasar talaga ako sa kanya hindi dahil sa masungit sya kundi dahil mahilig sya maniga ng mga estudyante. Naalala ko pa nung nagparecite sya ng  sa aking mga kababata na tulang ginawa daw ni Pepe nung sya ay 8 years old palang daw sya. Sa sobrang pressure naming lahat may masamang bagay na umakyat sa kokote nya. Ngunit dahil sa naikwento lang talaga sa akin ang mga bagay na ito at isa akong tamad hindi ko na ikwekwento kung paano at isa pa hindi ko rin naman alam ang masamang balak nyang iyon. Inaaamin ko magaling sya pagdating sa mga topic sa subject namin na iyon pero ang kinaiinisan ko sa kanya mahilig talaga syang maniga ng mga estudyante nya. Isang beses nga kamuntikan na akong di makapaqsok sa subject nya gawa ng late lang ako eh. Sa palagay nyo ano ba dapat ituring ko sa kanya katakutan o kagiliwan ko?  Ang hirap naman mamili sa dalawa.

                                                                     -0-

   Ang  hirap talaga maging manunulat lalo na kung pawala-wala yung mga diwang napapasok sa isipan mo. Inaamin ko talaga sa sarili ko na isa talaga akong tamad na tao ayokong nagsusulat o nag-iisip pero hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ako ngayon nagawa ng mga kwentong gaya nito wala namang kapupulutan ng aral at puro pamimintas lang sa mga naging teacher ko ang laman. Magkagayon pa man ineenjoy ko ang paglikha ko sa akdang ito na puro senseless stories at hindi din talaga kainspire inspire. Pero wala akong pakialam sa mga kritiko ko talaga because as a writer the most important thing is to think freely hindi mo kailangang maghanap ng pangalan ng character sa ibang libro o di kaya sa ibang lugar ang importante nasasabi mo kung ano ang iyong nararamdaman. SEGWAY KO LANG!

                                                                   -0-

      Sa ngayon hindi ko na alam kung paano ko pa sya idedescribe sa loob ng classroom sa oras ng Rizal kaya naman ay lalabas tayo ng classroom at tutungo tayo sa likuran ng school. Ginawa nyang cooking class ang subject naming iyon bilang finals namin. Nagluto kami ng iba't ibang putaheng kinaen ni Rizal nung sya pa ay nabubuhay. Nang dumating ang araw ng pagluluto excited ata ang lahat? Ewan hindi ko alam pero upang gawing masaya ang kwento ipagpalagay natin na excited nga ang lahat. Nung mga panahong pagdating nya sa klase namin ay sumigaw ang kaklase kong papangalanan nalang nating si "BOY ARATILIS" na andyan na si PANOT! Hindi ko alam kung mayroong nakarinig sa kanila pero ako aminado akong narinig ko sya alangan kaharap ko sya nung isinigaw nya yun. Nung una ay pinalampas lamang ng teacher namin ang isinigaw nya ngunit yung mga sumunod na pangyayari ay hindi sya makapagpigil  at pinakain nya si BOY ARATILIS ng aratilis at ng dahon nito. Dahil sa karamihan ng kwentong iyon ay nakalimutan ko na kahit gusto ko silang lagyan ng dialogue (Hindi ko alam kung tama ang spelling) ay hindi ko na lamang lalagyan ito.

                                                                    -0-

      Dahil sa naubusan na ako ng ikwekwento ko sa kanya tungkol sa subject nyang iyon ay dito naman tayo sa isa pa nyang subject ang political science. Hindi lamang sya sa Rizal magaling magturo kundi pati sa subject na ito. Sa subject nyang ito malakas sya makapagbigay ng mga questionaire o mga tanong. May isang tanong sya na ginawa at dapat ay masagutan namin at ang tanong lang naman para gawing exaggerated ay: What is article 2 of the 1987 constitution? Oh diba andali lang ng pinagagawa sa amin ilalathala lang naman namin ang nakasaad sa article 2 of 1987 Philippine constitution. Pero ang isa sa mga naging dahilan kaya ko sya nagustuhan bilang teacher ay dahil isang bigayan lang ng grades pero hanggang ngayon hindi ko pa nakukuha yung card ko sa kanya. Itago nalang natin sya sa pangalang mr. Balot

Typographical ErrorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon