SCIENCE@SOCIAL DIMENSIONS

52 3 2
                                    

  Mahirap talaga maging buhay estudyante lalo na kapag ang estudyanteng iyon ay tamad. Umamin kayo kung hindi ay kotong kayo sa akin! hindi lamang kasi sa eskwelahan ka nagkakaproblema kundi pati sa labas din lalo na sa pribado mong buhay at dahil sa hindi ko layuning paiyakin ang magbabasa nito kung meron man at ang layunin ko lamang ay maghayag ng mga walang kwentang bagay na naranasan ko sa mundong ito bilang tao at estudyante ay dumako na tayo sa totoong topic na nakalagay sa itaas ng page na ito.

                                                                             -0-

   Kung sa Filipino at English nakapunta ako sa abroad at isang kulungan sa subject naman na ito ay parang napunta ako ng di inaasahan sa isang kawali na may tumitilamsik na isang mantika. Oo totoo ang mga sinabi kong iyon. Sa oras na pumasok ang teacher namin sa loob ng classroom parang lagi siyang hindi masaya at nakasimangot. Ngunit sa aking palagay mas nakakatakot at terror padin si binibining Dalisay. Isa pa palang description para sa teacher naming ito ay katulad din sya ni ma'am Foreigner sa dami ng nalalaman nya tungkol sa english. Karamihan pa nga sa mga classmates ko ay nakanganga na lang sa klase nya dahil sa mga terminologies na nalalaman nya. oha? saan ka pa witch na may pagkahalintulad pa kay binibining Dalisay at ma'am Foreigner. Ngunit kung anumang takot ng mga classmate ko sa kanya kabaliktaran nun ang akin lagi akong nagrerecite sa subject nya. Balik tayo sa usapang kawali at kumkulong mantika o kung ano man iyon. Kaya ko nabanggit ang ganung bagay sapagkat tuwing may reporting lagi ka nyang ginigisa para kang isinasahog sa pinrito yung tipo bang ikaw yung bawang at sibuyas tapos gigisahin ka! Pero sa kabutihang palad hindi ako napunta sa mga ganung eksena nung mga panahong nag-report ako sa subject nya hindi sya palatanong sa'kin. Magaling daw kasi akong magreport wala syang maitanong sa'kin. Dapat ganun ang isang tagapagulat hindi nagbibigay ng pagkakataon na makapagtanong at dapat straight to the point. Kaya lang di ako sure kung straight to the point nga ako nag-report nun kasi ginagambala talaga ako ng butiki e. Oo nga pala ang subject ng guro namin ay social dimensions at eto pa pala ang isang gumagambala sa akin kung lalaki ba sya o uhmmmm.... i can't spill it out hahaha basta yun itago nalang natin sya sa pangalang mr.?

                                                                                  -0-

         Ngayong nakilala na natin ang ilan maliban sa isa tayo ngayon ay dadako sa masayang mundo ng siyensya. Ang totoo not so masayang mundo ng siyensya, kaya ko naman nasabi yung salitang maganda dahil napakaganda ng aming teacher dun kahit wala kang gana pag-aralan ang subject na yun gaganahan ka parin gawa nya. Pero sabi lang yun ng iba kasi para sa akin di mahalaga kung may inspirasyon ka sa subject dahil para sa akin masaya ang isang subject kapag walang halong MATHEMATICS pero ayos lang kung may MATH na...

[M]eryenda

[A]gahan

[T]anghalian

[H]apunan

dahil para sa akin ang MATH ay ganun puro kainan lang. Ang totoo nagustuhan ko ang science dahil about ito sa nature. Wala man sa mukha ko pero ang totoo ay nature lover ako kahit mahilig ako manghampas ng pusa, magtapon ng basura sa hindi basurahan at magkalat ng kung anu-ano sa paligid. Wag kana umangal nature lover talaga ako, kaya ko nga hinahampas yung mga pusa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanila eh... Kung ayaw mo pa maniwala eto ang patunay HINDI KO KAYANG PUMATAY NG ISANG MALIIT NA IPIS!!!! Sana kahit manlang dyan maniwala ka na isa nga akong nature lover. Naalala ko pa dati takot ako sa mga langgam kahit madikitan lang sila ng dulo ng tsinelas ko iniiwasan ko mangyari ang ganung bagay. Sa sobrang pagiging nature lover ko andami ko talagang minahal na sobrang mga hayop at insekto. Dahil sa sobrang pagmamahal kong iyon lahat sila namatay maliban talaga sa ipis na hindi ko talaga magawang patayin . Ngunit isang araw may gumimbal sa aking pagkahilig sa science ng malaman kong may MATH ang CHEMISTRY at PHYSICS. Sa mga pagkakataong iyon ay napanghinaan ako ng loob pero sa PHYSICS lang dahil naging madali lang para sa akin ang chemistry [cue:crowd applause] Nahirapan talaga ako ng sobra sa PHYSICS halos isinumpa ko ang teacher ko nun nung highschool at nagawa pa nya ako bigyan ng failing grade kahit ginawa ko naman ang lahat ng requirements na kailangan nya. Pero actually wala talaga akong ginawa noon sa subject na iyon. Pero ngayon wala na akong pakialam sa kanya dahil andito na ang bago kong magandang teacher sa science na itatago natin sa pangalang ms. beauty and the brain at ang physics teacher ko nung highschool bilang majinbuu.

                                                                     I LOVE SCIENCE!!!

Typographical ErrorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon