Desiderata, Shall we walk, I married a newspaperman, Air castles at Scents of apples. Ilan lamang ito sa mga essay at tula na ginawa ng mga manunulat nating Pilipino maliban sa desiderata, pero wala tayong pakialam tungkol sa kanila dahil ang pokus natin ngayon ay ang teacher ko na nagpakilala sa'kin sa mga obrang ito. Isa siya sa mga naging paborito kong teacher nitong college hindi ko alam kung bakit pero gusto ko lagi makinig sa kanya. Madami akong natututunan sa teacher kong ito ng kung anu-anong bagay. Siguro ganun nga talaga kapag matanda ka na marami ka nang naikwekwento sa mga kabataan na gustong makinig sa mga kwento kahit wala namang sense kagaya na lamang ng ginagawa ko ngayon nagkwekwento ako ng mga bagay na walang sense at hindi ko alam kung bakit ako nag-eenjoy na ikwento ito sa iyo kahit hindi naman iito kapupulutan ng aral. Sa katunayan nangyari nadin ang mga ganitong bagay sa akin lalo na kapag nabili ako ng mga librong magaganda ang cover at ang synopsis ng story nila pero kapag sinimulan ko ng basahin ang mismong story ay pangit naman ang kwento. Pero ayos lang yun sa akin dahil patas na tayo nakatagpo nadin kayo sa wakas ng isang walang kwentang writer na kagaya ko... Ating balikan ang guro ko at mukhang nawili talaga ako sa pagkwento sa inyo tungkol sa mga bagay na hindi naman talaga kasama sa kwentong ito. Gaya nga ng sinabi ko kanina masarap makinig sa mga kwento ng mga matatanda lalo na kung maganda talaga ang kwento ngunit may ilang matatanda din namang nakakainis ng pakinggan ang mga kwento nila dahil sa mga rasong ito
MGA RASON KUNG BAKIT PINAGSASAWAAN MINSAN ANG MGA KWENTO NG MGA MATATANDA:
1) dahil ang lagi nilang kinekwento sa kabataan na kahit alam na wala namang katotohanan ay mga alamat, pabula at kung anu-ano pang walang katotohanan na kwento
2) wala na silang ibang maikwento kundi puro ganun na lamang at paulit ulit na lagi.
Sino nga bang kabataan ang hindi tatamarin sa pakikinig sa mga kwento ng mga matatanda kung simula pa nung hindi pa sila marunong maglakad hanggang ngayong may sarili na silang barkada at sariling pagiisip ay ikinwekwento pa rin sa kanila ang tungkol sa mga alamat at pabula? Pero iba ang kwento ng teacher kong ito habang nasa kalagitnaan kami ng klase ay ikinwekwento nya sa amin ang tungkol sa lovelife nya nung kabataan pa nya pero kahit ayoko makinig sa mga istorya niyang iyon ay kailangan dahil lugi ako sa mga kaklase ko hindi ko sila pwedeng kalabanin lugi ako pero kapalit naman ng istorya nya ay mga kwentong may kinalaman din sa nakaaraan oo nakaraan pero hindi nakaraan ng ating bansa kundi nakaraan nya. Masasabi kong sya lang talaga ang nag-iisang guro na pwede talaga sa kanyang propesyon at hindi lang yan mahilig din syiyang magbigay ng mga trivia at kung magbigay naman sya ng test sa amin ay may kahirapan din minsan magulo minsan uhmm... matino? Pero siya talaga ang isa sa mga naging paborito kong teacher o professor nung mga panahong nag-aaral pa ako pero nag-aaral pa nga talaga ako. Hindi lang talaga halata na isa akong mag-aaral. Dahil naubusan na ako ng ikekwento sa inyo sa paksang ito tayo ngayon ay dadako sa kabilang uhmmm.... Paksa?!
BINABASA MO ANG
Typographical Errors
No FicciónIto ang kanyang kwento kung saan na may kinalaman sa mga pangyayari sa kanyang buhay sa mundo at walang kwentang school life. Nakapaloob dito ang mga bagay na nararanasan at nakikita nya sa paligid nya araw-araw. Isa itong inspirational para sa mga...