Isa sa mga favorite kong subject ang PE o ang PHYSICAL EDUCATION at hindi ko alam kung bakit kahit ayoko talaga ng subject na yun. Siguro at sa tingin ko kaya ko nagustuhan ang subject na iyon ay dahil sa iyon lang ang nag-iisang subject kung saan nakakuha ako ng 1.0 sa class card ko. Oo nakakuha ako ng ganung score sa totoo nga lang tinuturing ko iyon na winning moment para sa akin kasi hindi pa ako nakakuha ng flat 1 sa buong buhay ko at take note wala pa akong ginagawang kahit ano sa subject na iyon pero paano nga ako makakagawa sa subject na iyon kung wala naman talaga kaming ginagawa sa subject na iyon. Sa maniwala kayo o sa hindi lagi syang wala sa klase namin o di kaya ay nag-oovertime sa klase namin pero isang beses nya lang iyon ginawa kung hindi man sya absent ay gugutumin nya muna kami pero di ako sigurado kung kami o baka ako lang talaga yung ginugutom nya bago nya simulan ang klase na wala din naman kaming ginagawa. Oha! Napakagaling nyang teacher para sa'kin sarap nyang kutusan ng madaming ulit. Nga pala kapag napadpad ka sa department nila also called PE Department kung yun nga talaga ang tawag sa department nila ay makakakita ka ng mga...
PANSAMANTALA KO PONG PINUPUTOL ANG INYONG PAGBABASA PARA MAGBIGAY NG ILANG PAALALA:
TENENENEN The following passages contains some sexual languages not suitable for young readers parental guidance depends on you.
nagbabakatang kuyukot ng mga lalaki. Nung mga panahon na pumasok nga kami dun pakiramdam ko parang hindi nga yun isang Physical Education Department eh sa tingin ko isa yung SE department o Sex Education Department dahil sa mga nagbabakatang bagay. Nakakatakot talaga sa loob ng PE dept. hindi lang sa pakiramdam na parang pwedeng makuha ang kabanalan mo anytime kundi dahil din sa dami ng mga naglipananang aswang sa lugar na iyon. Oo parang halos inaaswang ka sa loob ng department na iyon dahil sa dami ng mga bakla. Mayroon akong malaking takot sa mga bakla at nagsimula ito noong ako ay hayskul pa lamang at hindi ko na iyon ikwekwento dahil tuwing naaalala ko ang bagay na iyon kinikilabutan padin ako at sa aking pagtulog ay ako ay binabangungot. Marami pa sana akong gustong ikwento sa inyo tungkol sa PE department kaya lang tinamad na ako ikwento ang mga bagay na iyon. Oo nga pala bago tayo magkalimutan ang pangalan ng aking teacher sa PE ay mr. Felix Bacat.
-0-
Dahil sa sobrang pagmamahal ko sa nature napagdesisyonan kong bigyan ng part 2 ang subject na Science. Para kasi sa akin hindi ko pa lahat nailalahad ang pagkahilig ko sa nature. kaya eto na ang sequel, continuation, karugtong, kabahagi ng subject kong Science....
-0-
Uhmmm... di ko alam kung saan ko uumpisahan ang part 2 ng sequel ng subject na ito pero isa lang talaga ang nasisiguro ko sa inyong lahat sa sobrang pagmamahal ko sa kalikasan natin hindi ko talaga kayang pumatay ng ipis. Nasubukan ko ng pag-aralan ang iba't-ibang uri ng insekto at hayop pero sa mga kinagiliwan kong pagaralan sa lahat ay ang mga surot. Gumawa ako ng masinsinang pananaliksik tungkol sa mga surot kung paano sila nabubuhay at kung bakit laganap sila sa mga upuan sa mga eskwelahan. Sa totoo lang dati wala talaga akong pakialam sa mga surot na iyan hindi ko rin pinoproblema kung may kagatin man silang pwet sa mga classroom sa mga school until one time it piqued my interest about them. Kinagat ako sa pwet ng surot magmula ng mangyari ang bagay na iyon ay hindi na ako tumigil na pag-aralan at saliksikin ang tungkol sa mga surot. hanggang sa mga oras na ito ay pinagaaralan ko padin sila dahil hindi ko talaga malaman kung bakit nila gustong mangagat ng mga pwet. Sa katunayan nga nakagawa ako ng madaming hypothesis kung bakit nila yun ginagawa ang ilan sa mga yun ay ang mga sumusunod
MGA ILANG POSIBILIDAD KUNG BAKIT NANGANGAGAT NG PWET ANG SUROT:
1) Nagpoprotesta sila sa pagdami ng populasyon ng bansa
2)Sinusuportahan nila ang RH bill na ngayon ay batas na daw at dapat law na at hindi na bill
3)Nabahuan lang sa pwet ng tao
4)Trip lang nila mangagat ng pwet
5)Sadyang umaapaw na ang pwet sa mga pampublikong paaralan
Yan ang ilan sa mga hypothesis na nahinuha ko mula sa pagaaral ko sa kanila ilan din sa mga hayop na napagaralan ko ay ang relationship ng kalapati at daga. Oo at sabay ko silang inalagaan may pagkakataon nga na wala na akong paglalagyan sa kanila e kaya pinagsabay ko sila sa isang kulungan at naisip ko rin na pagaralan na din sila pero para maging epektib ang isang research ay nagdagdag ako ng ilang species naglagay ako ng pusa sa kulungan nila at ng pagkain ng kalapati and voila sa ilang saglit lang ay natapos agad ang isang research. Napagalaman ko sa research kong iyon ang mga sumusunod:
1) Ang mga species o organismo na iyon ang perfect representation ng isang FOOD CHAIN
2)kinakain ng kalapati ang anumang buto na ilagay mo sa kainan nya
3)kinakain ng daga ang kalapati
4)kinakain ng pusa ang daga
5)Kung alam mong perfect representation sila ng isang food chain wag mo silang ilalagay sa isang kulungan
Hindi lamang ang mga hayop ang nasubukan kong alagaan pati din mga bato nasubukan ko ng alagaan at sa lahat ng naalagaan ko ang bato ang pinakamura at may bonus ka pa gaya ng:
1)hindi ka na maglilinis ng bahay dahil hindi ito dumudumi
2)hindi mo na ito kailangang pakainin
3)yun na ang lahat
Sayang at hindi lahat ng aking nalalaman ay maibabahagi ko sapagkat may mga natitira pang mga subject na dapat kong pagtuunan din ng pansin dahil baka magtampo sila sa'kin.
BINABASA MO ANG
Typographical Errors
Non-FictionIto ang kanyang kwento kung saan na may kinalaman sa mga pangyayari sa kanyang buhay sa mundo at walang kwentang school life. Nakapaloob dito ang mga bagay na nararanasan at nakikita nya sa paligid nya araw-araw. Isa itong inspirational para sa mga...