FILIPINO@ENGLISH

223 7 10
                                    

        Isa akong taong ayoko gumawa ng mga kabanata at gawing kumplikado ang mga ginagawa kong bagay at naiiba ako sa ibang manunulat . Dahil kung ang ibang manunulat ay iniisip pa kung ano ang dapat nilang isulat ako naman ay sige type lang sa kung ano man ang pwede kong itype o di kaya isulat dahil sa oras na magtype ako tuloy tuloy lang ang pagpasok ng ideya sa isip ko. Sa katunayan nga kahit ano nalang ang itinatype ko para sa akin ang importante lang ay maiparating ko kung ano man ang nasa isip ko kahit ang karamihan ay wala namang kwenta at kapupulutan ng aral. pansin mo naman mula pa kanina puro non-sense ang mga nababasa mo. Kahit isang bagay na nabasa mo ay maaaring walang kinalaman sa kung anumang meron ka. Ganung uri ako ng manunulat dahil ayokong habulin ang kung anuman ang maisip ko sapagkat mahihirapan akong habulin ito. kahit nga sa simpleng pagsusulat ay hirap na ako gumawa ng isang komposisyon. 

                                                                                             -0-

              Wala akong kaalaman sa tamang proseso ng pagsusulat at para sa akin hindi na din yun importante. Dahil ang importante lamang sa akin ay maipahayag ko ang kung anumang gusto kong ihayag. Sa katunayan sa mga nabasa kong essay(kahit wala pa akong nabasa) tungkol dito ay importante ang mga ganitong proseso. Pero paano ko malalaman ang mga ito kung hindi naman sa amin naituro ng guro namin? Sa totoo lang mayroon talaga kaming  subject para dyan ngunit sa pagiging mapahangas ng court judge naming teacher sa Filipino ang subject naming "PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK" ay naging "PAGBASA, PAGSULAT AT PAGSAULO TUNGO SA PANANALIKSIK" at kaya ko naman natawag na court judge ang guro namin ay sa kadahilanang kung ano ang sinabi nya ay di kana makakaapela kahit kuhanin mo pa ang pinaka magaling na abogadong kilala mo. Siguro  dapat di ko yun tinawag na court judge siguro dapat ang tawag ko sa kanya supreme justice. Grabe sya maghatol sa kanyang mga estudyante at isa na ako sa mga nahatulan nya. Kung makapaglagay sya ng 5 sa class card ng kanyang estudyante ay walang humpay at sa tuwing darating sya sa klase mistulang nabalutan ng maitim na enerhiya ang buong silid aralan at hindi ka basta basta makakatayo sa iyong kinauupuan. Kapag nasa loob ka ng classroom magmimistulang isang kulungang walang pintuang palabas. Minsan nga sinubukan kong mag cutting classes sa kanya ngunit sa sobrang lakas ng itim nyang kapangyarihan hindi ko nagawang makatayo o di kaya ay makapagsalita. May ilang beses nga na nagkaharap kami dahil nakaupo ako sa harapan ng kanyang mesa sobra ang takot ko ng mga panahon na iyon. Para bang kakainin ka niya ng buhay at kung ihahalintulad natin ito sa mga video games parang sa simula pa lang ng laro mo boss na agad na hindi maubos ubos ang buhay ang kalaban mo. Halos maihi na ako sa kinakaupuan ko nung mga panahon na iyon ng bigla syang umalis sa kwarto. pakiramdam ko talaga nun parang ako ang nasa unahan ng pila sa mga taong bibitayin. Ngunit nung pagalis naman nya sa classroom namin ay syang luwag ng paghinga ko. Nga pala itago nalang natin ang guro kong iyon sa pangalang binibining Dalisay.

                                                                                    -0-

                  Iba naman ang karanasang inabot ko sa subject na English at ang ikinaganda nito kaysa sa  Filipino ay hindi nadagdagan ang pangalan ng description ng subject na ito ngunit may ikinaayawan ako sa subject na ito. Walang humpay na pagsusulat, sulat dito sulat doon halos wala na nga kaming ginawa sa subject na ito kundi sulat lang ng sulat. Isa pang pagkakaiba nito sa Filipino ay ang teacher namin kung sa Filipino para kang nakakulong sa isang maximum security dito naman ay para kang nag-abroad ng walang passport at visa. Dahil mauubusan ka ng salita dito kaka-english kulang na nga lang ay ang singilin ka sa bawat tagalog word na sabihin mo. Pero masaya naman syang teacher dahil kapag di mo sya nakausap in english magpeperform ka sa harap ng stage. Oh di ba parang showtime lang kahit ano ang gawin mo ayos lang. May mga pagkakataong talagang tamad lang ako gumawa ng kahit ano at timing pinagawa kami ng term paper kung kailan sobrang tinatamad talaga akong gumawa. Sa katunayan nga ang pinagawa sa akin ay yung pinakadulo yung tinatawag na recommendation. Pero kahit ganun lang ang pinapagawa sa akin ay nahirapan ako kung paano ko iyon gagawin. Pero hindi iyon ang problema dahil ang naging problema ko ay nagkapalit pa kami ng kagrupo ko ng gawain kaya ang simpleng problema ko ay lumaki ako ang gumawa ng plot, characters, settings at kung anu-ano pa na may kinalaman sa term paper namin. Pero hindi pa yun ang pinaka pnroblema ko dahil nasira pa ang PC na ginagamit ko habang ginagawa ko ang mga iyon pero hindi padin iyon ang pinoproblema ko dahil ang pinaka pinoproblema ko ay kung paano talaga nakagawa ng tao ang butiki. Kahit hanggang ngayon habang ginagawa ko ito ay pinoproblema ko padin kung paano nakagawa ang butiki ng tao! BTW itago nalang natn sa pangalang miss FOREIGNER ang English teacher naming iyon.

Typographical ErrorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon