A BARBER'S STORY?

49 2 0
                                    

    Wala talaga akong alam tungkol sa mga kwentuhang barbero dahil sa dalawang dahilan.

DALAWANG DAHILAN BAKIT WALANG ALAM SI AYEL SA MGA KWENTONG BARBERO:

1. Wala siyang pakialam sa mga kwentong barbero 

2. Takot siyang pumunta sa mga barbershop

  Ngunit dahil napagusapan nalang din naman ang tungkol sa mga barbero at ito ang title ng part ng libro kong ito ibabahagi ko na lamang sa inyo kung paano mo nga ba malalamang naging barbero ang isang tao o ama sa kanyang past life kung totoo ngang merong past life. Karaniwan na dito ay yung mga tatay na kapag walang magawa sa buhay ay ang buhok ng kanilang mga anak na lalaki ang napagdidiskitahan.

tatay:(may pa-whistle whistle na nalalaman)

napansin ni tatay yung buhok ni anak na lalaki na medyo kumapal

tatay:nak kunin mo nga yung gunting sa lagayan nya

sumunod ang musmos na bata

anak: eto na po itay

pinaupo ng tatay ang kanyang anak sa harap ng salamin at sinimulan ang seremonyas para sa paggupit ng buhok ng anak at dahil sa pangyayaring iyon ay wala ng nagawa ang anak kundi magpaalam sa kanyang mahal na buhok.

 Mayroon pang isang halimbawa ng mga tao o tatay na naging barbero sa past life nila at ito naman ay yung mga taong laging napagdidiskitahan yung buhok ng ibang tao. Mayroon akong isang kaibigan na lagi niyang pinapansin ang buhok ko tuwing magkikita kami. Hindi ko alam sa kanya kung bakit lagi niyang trip ang buhok ko. Siguro pinapangarap nya maging buhok at ang nasa isip nya ay sana naging buhok na lamang sya dahil lagi nyang hinihimas ang buhok ko. Pero ano nga ba ang meron sa buhok ng mga anak na lalaki at kahit panot na ay trip padin nilang magpagupit? Sila ba ay pasimpleng nagpapakalbo? O sadyang wala lang mapagtripan sa kanilang buhay? Isa akong taong takot magupitan ang buhok hindi sa kadahilanang parang nababawasan ang pagkatao kundi sadyang takot lang ako sa gunting. Hindi ko alam kung bakit ako takot sa gunting kung ako ba yung takot o sadyang takot lang ang buhok ko magupitan. Sa katunayan nga kakapagupit ko lang kahapon pero kapag tumingin ako sa salamin o di kaya pag nakita nyo ako parang hindi ako nagpagupit.

                                                                              -0-

Ano ba talagang meron sa mga kwentong barbero at wiling wili ang mga taong nagpupuntahan sa barbershop na makinig sa mga barbero dun? Siguro karamihan ng mga nagiging barbero ay mga taong story teller talaga o di kaya ay pumalpak sa pagiging writer siguro kung hindi magiging mabenta itong kwento ko kahit dito manlang ay baka pagiging barbero din ang abutin ko. Sobrang mapaglaro talaga ng tadhana. Biruin mo kung sino pa itong mga makwento at maraming nalalaman ay sya pa itong nagiging barbero pero narinig ko sa ibang tao na ang mga barbero daw ay ang  mga taong magaling gumawa ng kwento. Dahil sa mga narinig kong mga bagay parang ayoko na ituloy tong kwentong ito tungkol sa mga barbero at baka magmukha akong barbero sa paningin nyo. 

Typographical ErrorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon