Paano ko ba ulit uumpisahan to? Matapos ang mahabang pamamahinga ko saan ulit ako maguumpisa? Hay ansakit sakit sa ulo! Yan ang karaniwan kong problema sa paggawa ng mga naudlot kong gawain. Nakakainis man isipin pero wala tayong magagawa lalo na kung ang magulang natin ang nag utos. Isa sa mga bagay na pinakaayaw kong gawin ay sumunod sa utos. Nasubukan mo na ba magbilang ng utos ng tao sa'yo? Siguro kung titignan natin sa statistics sa buong buhay ng isang individual person na nabubuhay ng 65+ nasa lampas milyon na ang naiutos sa atin. Pero karamihan sa mga utos na iyon ay pinagsawaan na natin mula pa ng pagkabata. Isang halimbawa nun ay ang matulog ng maaga. Yan ang karaniwang utos sa'tin ng mga magulang natin simula ng magkaroon tayo ng kamalayan. Siguro ang iba kahit may sarili ng buhay pinapakialaman pa'rin sila ng magulang nila hanggang sa pagtulog. Sayo sinasabi pa ba yan sayo ng magulang mo? Kung oo siguro magulang mo may pagka stage parent side. Hindi ko pa talaga naranasan na magkaroon ng stage parent pero mahirap nga ba magkaroon ng stage parent? Base sa nakikita ko may positive effects ang pagkakaroon ng stage parent at mayroon din ito syempreng negative effects.
POSITIVE EFFECTS OF HAVING A STAGE PARENT
1. You'll be more recognizable
2. you'll gain more self-esteem
3. You'll both have 1 and 2
NEGATIVE EFFECTS OF HAVING A STAGE PARENT
1. You are recognizable because everytime there is a little drop of sweat there will always be a possibility that your parent will wipe it out for you even at the time of your performance.
2. You'll gain more self-esteem in fighting but not on performing because you'll get pissed on other people teasing you mama's/papa's boy/girl and you'll pick a fight with them.
3. There will be a discrimination in your personality.
Oh di ba! Ang ganda sana magkaroon ng stage parent pero magmumukha ka namang katawatawa sa paningin ng ibang tao. Pero yun ay sa paningin ko lamang. ewan ko sa ibang tao. Bakit nga ba nauso at nagkaroon ng mga stage parent? Sino ba nagpasimula nito at kung meron man bakit hindi siya isinulat sa kasaysayan? Andami ntalaga ngayon na bagay ang pumapasok sa isip ko. Halimbawa nalang ay kung sino ang nag pasimula ng mga korning jokes at bigla silang nagsulputang parang kabute? Masyado marami ang tanong sa isip ko ngunit bakit wala akong mahanap na sagot? Uso ngayon sa maraming tao ang ''Bakit hindi ka crush ng crush mo?" Bakit nga ba? Wala akong alam sa kwento na yan pero bakit nga ba hindi ka crush ng crush mo ? Sino ba kasi nagpauso ng salitang CRUSH na yan? Anu bang naisipan ng tao na yun at tinawag yun na crush sa dami ng terminologies sa english crush pa ang naisipan.
Let's define CRUSH!
Ayon sa Webster's New English Dictionary (Compact Edition) na nakalatag sa la mesa ko kunwari ay "to press between two opposite bodies; to squeeze;to break by pressure; to bruise; to ruin; to quell" Kung ang ibig sabihin ng Crush sa dictionary na binasa ko ay pagdurog ibig sabihin ba nito na sila din ang may kasalanan sa mga break-up relationships na nagaganap ngayon sa mundo?
Sobrang daming bagay sa mundo ang di maintindihan ng mga maliliit nating utak na maliit na nga ang utak natin 30% lamang nun ang kaya nating gamitin o ang nagagamit natin at iilan lang sa'tin ang gumagamit ng common sense. Bakit nga ba mahirap sa'ting mga pinoy gumamit ng common sense? Inaamin ko minsan di ako gumagamit ng common sense. Base sa observation ko kung bakit hindi natin nagagamit ng maayos ang common sense natin ay dahil sa masyado tayong umaasa sa makabagong teknolohiya at nahahaluan na ng pagiging kumplikado ng mundo? Maraming tao ang nagpapaapekto sa pagiging kumplikado ng mundo at bakit nga ba? Karamihan kasi sa ating mga tao mundo ang tinitignan at minsan lang tumingin sa buhay lalo na ang mga taong mahihirap. Tumitingin lang ang karamihan sa mga bagay na materyal na nakikita sa mundo at hindi sa buhay na nakikita nila na higit pa sa mga bagay na nakikita lamang ng mga mata. Hindi ko sila masisisi dahil isa din ako sa kanila ngayon nangangailangan ako ngayon ng pagkain at pera upang maibsan itong gutom ko na mula pa kaninang umaga ay wala pang kain.
BINABASA MO ANG
Typographical Errors
Non-FictionIto ang kanyang kwento kung saan na may kinalaman sa mga pangyayari sa kanyang buhay sa mundo at walang kwentang school life. Nakapaloob dito ang mga bagay na nararanasan at nakikita nya sa paligid nya araw-araw. Isa itong inspirational para sa mga...