EH PINOY EH

46 1 1
                                    

Bakit nga ba ang hilig ng mga pinoy mambatikos? Yan din ang tanong ko sa sarili ko. Nagawa ko lang talaga ang... ang... ang... libro? na ito? Dahil sa hilig ko mambatikos at mamintas ng tao. Sa katunayan ang laman ng bagay na ito ay pamimintas lamang sa mga guro ko. Hindi ko talaga nagustuhan ang karamihan sa kanila at sa iba naman ay napagkatuwaan ko lang. Ngunit bakit nga ba ang hilig natin mamintas pero kapag tayo ang pinpintas tayo pa ang mabilis umalma? Ano nga ba ang pork barrel? lalagyan ba yun ng baboy at tinawag yun na pork barrel? Sa panahon natin ngayon wala ng ibang laman ang balita kundi pork barrel! pork barrel! at pork barrel! ayos lang naman sa'kin kung ang pork barrel ay nakakain eh kaya nga lang hindi eh ano sya... kaban sya ng bayan. Bukod sa mapamintas tayo, mapagyabang din tayo sa mga taong nakakasalamuha natin. Nagkaroon lang tayo ng bagong gamit nagyayabang na tayo at kung minsan pa nga ay nawawala nadin ang pagka makabayan natin dahil sa pagkakaroon ng colonial mentality o ang pagtangkilik ng mga produktong galing ibang bansa. Dahil dito nagiging mayabang tayo at nagkakaroon ito ng malaking tendency na hilahin natin ang kapwa nating piipino na maging mababa. Kaya instead that we're raising our morale as Filipinos we're just wasting our time because we keep on degrading our nativity and nationality pero sa tingin ko ang nativity at nationality ay iisa lang.

Nauuso sa panahon ngayon ang mga produktong tinatawag na cellphone. Madaming uri ng cellphone may ginagamitan ng keypad, touchscreen at ang latest sa phone technology ang air shuffle na kung saan parang hahawiin lng o dadaanan lamang ng iyong kamay ang screen at di mo na kailangan ilapat ito sa screen. Nauso ang mga bagay na tinatawag na cellphone sa kasagsagan ng digmaan pandaigdig bilang uhmmm... Hindi ko maalala na eh. Ang mga sundalo ang mga unang tao na gumamit ng mga cellphone at nung panahong ding yun ay hindi pa uso ang text kaya nung panahong din yun di pa uso ang crush sa text atbp. na may kinalaman sa pagtetext. Ginagamit ng mga sundalong nasa digmaan ang mga cellphone na iyon kung anung kalagayan nila at hanggang dun na lamang po ang kasaysayan dahil madami pa po akong ikwekwento.

Sa kasalukuyang panahon ang cellphone ay ginagamit na para sa mga business meeting updates, pang FB, panliligaw at hindi mawawala jan ang pagkuha sa kodigo sa NAT at MOCK exams sa school. Maraming bagay na ang naitulong ng cellphone sa ating pang araw-araw na buhay kahit ang iba ay hindi nabanggit. Maraming modelo nadin ng cellpbone nito at brand ang nagsulputan mula sa cellphone na 3210 ng nokia hanggang sa I-phone ng apple. Dahil sa pagsulputan ng mabilis ng mga bagong model ng cellphone madami ding model ang mabilis na nalalaos sa masa at dahil dito pati ang mga holdaper sa kanto nagiging mapili nadin.

MGA BATAYAN NG MGA KAWATAN SA PAGNANAKAW NG MGA CELLPHONE:

A. Dapat bagong labas na model ng cellphone

B. Kailangan touchscreen at kung may keypad naman may salpakan ng memory card

C. Bawal magnakaw ng 3210 na nokia

Gawa ng mga cellphone pati ang mga kawatan nagkakaroon ng standard sa pagnanakaw ng cellphone. Masyadong malaki ang naging impluwensya sa ating mga tao ng mga cellphone. Dahil pati ang mga cheap at mababahong kawatan ay nagkakaroon na ng standard sa pagnanakaw. Naalala ko ang karanasan ko noon ninakawan ako ng cellphone at may kasama ako noon sa kasama ko isang lumang model nv samsung at akin ay isang bagong model. Habang nasa daan hinarangan kami ng isang malaking lalaki tinitigan kami ng saglit at pinadaan ang kasama ko habang ako ang ninakawan. Sa pangyayaring yun nalaman ko na may standard na ang mga kawatan sa pagnanakaw.

Ngunit bakit sa kung ano ang bilis ng teknolohiya yun naman ang bagal ng pagresponde ng mga nasa kapangyarihan sa mga kasong hindi matapos tapos at karamihan nito ay tungkol pa sa pulitika?

Typographical ErrorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon