Pabagsak kong nilagay ang maleta ko sa compartment kaya masama akong tiningnan ni Kerus na abala sa pakikipag-usap sa tatay ko. Nakatingin din sa akin si dad kaya hindi nakita ang kaniyang reaksyon. Hindi ko siya pinansin. Umirap ako at nakasimangot na pumasok sa sasakyan. Siyempre padabog ko ring sinara ang car door.
"Antok ka pa rin, anak? Masama ang mood mo," puna ni dad sa akin kaya ngumiti ako sa kaniyang maayos ako.
Kerus didn't inform me early that we're going to Pampanga. I didn't reply to his text last night, but I wish he had mentioned when and what time we're leaving, so I could have gone to bed early. I woke up feeling bad and extremely tired, which is why my mood is ruined.
"O, siya, mag-ingat kayong dalawa, Ferenz!" Tinapik ni dad ang balikat ni Kerus. He looked at me. "Aerthaliz, i-text mo ako kung nandoon na kayo, huh? Siguraduhin mong tutulungan mo si Konsehal. Malaki ang tiwala ko sa 'yo, anak."
I just nodded. Hindi ko na sila tiningnan. Naramdaman ko na lang na pumasok na si Kerus sa driver seat. Hindi niya ako tiningnan at hindi iyon big deal sa akin.
"Kumain ka na?" he asked calmly.
Nag-umpisa na siyang magmaneho pero bago 'yon ay bumusina muna siya ng dalawang beses senyales kay dad na aalis na kami.
Hindi pa ako nag-aalmusal at wala akong balak sabihin 'yon sa kaniya. Kapag sinabi kong hindi, bibili siya ng pagkain? Kakain kami? Ng sabay? Tatanggapin ko ang pagkain na siya ang gumastos? Ayoko! Para ko na ring nilunok ang pride ko at baka isipin niya pang maayos kaming dalawa.
No. Never.
I didn't answer him. Sinandal ko na lamang ang aking ulo at pinikit ang mga mata. Nakabukas ang bintana kaya tumatama ang malamig na hangin sa aking mukha. Mabango talaga ang hangin kapag umaga. Sari-sari ang amoy. Lumalamang ang amoy dahon, damo at mga bulaklak ng halaman.
"Anong alam mo sa pagpapalay?" tanong niya muli matapos ang kinse minuto.
Napansin niya sigurong hindi ako makatulog.
"Wala, kumain lang," pabalang kong sagot at lihim na napaikot ng mga mata.
He glanced at me and raised an eyebrow. He didn't like the way I responded. If that's the case, then he shouldn't ask.
"Kumain ka. Ilang oras bago makapuntang Pampanga." Hindi ako sumagot kaya muli siyang sumulyap sa akin. "Kargo de konsensya ko pa kung magkasakit ka."
Wala pa rin akong naging tugon. Nangunot lang ang noo ko nang ihinto niya ang sasakyan niya sa harap ng isang fast food chain. Dito niya napiling kumain dahil sarado pa ang ibang resto.
"Let's go."
Nauna na siyang bumaba sa akin. Napaikot ako ng mga mata at sumunod. Ako ang magbabayad ng pagkain ko para hindi ko siya awayin. Subukan niyang pumapel, iinit talaga ang ulo ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Satrikana Series #1: Heart's Desire
RomanceSatrikana Series 01: Aerthaliz Satrikana. An ex-boyfriend could be described as a chapter from the past. No more feelings. No more care. Ang bobong lalaking who reminds of how to love painfully at ang lalaking bahagi ng nakaraan kung ano siya ngayon...