9: He kissed you

371 7 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Matapos kong makipag-usap kay Hacob sa telepeno ay tumayo ako mula sa kama. Humikab ako at pumunta sa balkonahe. Binaba ko ang aking mga braso mula sa pagkakaunat bago pumunta sa halamang mayroon ng bulaklak. Hinawakan ko ito at sinuri. Sa isang taon ay isang beses lang siyang mamulaklak. Ang nakakainis pa ay isang piraso lamang.

"Ang bigat!"

Mabilis napunta ang tingin ko sa ibaba nang marinig ko ang boses ni Kerus. Halos manlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwala. Akala ko ang huli naming pagkikita ay sa mall! Ilang araw na rin ang nakalipas at nandirito na naman siya sa bahay?!

Nilibot ko ang aking paningin. Si dad ay nagpupukpok ng kahoy. Ang hardinero ay naglalagari. Si Kerus ay nagbubuhat. Sina mom at Bridelle ay nagpipintura ng mga paso. Para silang naggegeneral cleaning and gardening.

My cellphone rang so I went inside the room. I saw a text from Celeste so I immediately read it.

From Celeste:

papunta ako sa bahay niyo, aerthaliz. ang walanghiya mong boyfriend ay nautusan pa ako.

I furrowed my brow. I faced the mirror to look at my face. I also combed my long ash gray hair. I was supposed to take a shower earlier, but I got busy talking to Hacob, so until now, I'm still wearing my silk sleepwear.

Lumabas ako ng bahay. Nakuha ko agad ang atensyon nina mom at Bridelle.

"Saan ka pupunta, ate?"

Sa tanong ni Bridelle, nakuha ko ang atensyon ni Kerus. Hindi na nag-atubling tingnan ako ni dad at ng aming hardinero.

"Sa labas lang, may idinaan si Celeste," sagot ko.

She looked at my chest. "Ng walang bra?"

Agad kong nilagay ang dalawang kamay ko sa dibdib ko nang maramdaman ko ring wala akong bra. Tiningnan ko si Kerus, bago niya inilihis ang tingin niya sa akin ay nakita ko pa ang ngisi niya. Bastos talaga!

I rolled my eyes. I entered our house again. Nang may makita akong towel, kinuha ko 'to para ipangtakip sa dibdib ko.

Lumabas muli ako at dire-diretsong naglakad patungong gate. Sakto namang kararating lang ng isang kotse sa harapan ko. Lumabas agad si Celeste na may hawak na bulaklak. Hindi ko siya tiningnan dahil nakatingin ako sa lalaking nasa driver seat.

Who's this? Celeste's boyfriend?

Nakita ko rin sa likod ng kotse nitong may sticker na nakadikit sa salamin. Which is baby on board.

"Sino 'yan?" I asked.

"Classmate ko, bakit?" simple niyang sagot.

I laughed. "Akala ko boyfriend mo."

She laughed, too. "Ako? Magkakaboyfriend? Kung mayroon, hindi ako naiirita at naiinggit sa relasyon niyo ni Kuya Hacob!"

Pagalit niyang binigay sa akin ang bulaklak kaya natawa ako. Kinuha ko ito at inamoy. May nakita akong card kaya binasa ko ang nakasulat.

Satrikana Series #1: Heart's Desire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon