"Kaya ka sinasabihang tanga ni sir kasi pati spelling ng surname mo, nalilito ka!" rinig kong sabi ni Reian sa kaniyang kasama.
Parehas naman silang tanga dahil nitong mga nakaraang araw lang ay usap-usapan na nangabit ito. Tanga nga.
Marami naman akong kilalang babaeng kumakabit sa relasyon but bro-she's freaking beautiful, matalino at sikat sa school. No comment ako sa ugali dahil halata naman agad. Sinayang niya ang sarili niya sa lalaking basagulero pero payat naman.
"Kerus, nasa amphitheater si Izha!" tawag ng kaibigan kong si Gelo.
"We? Baka pinagloloko mo lang ako?" pagdududa ko.
"Gago, subukan mo kasi!"
Napangiwi siya nang may dumaang guro sa kaniyang tabi. Sinamaan siya ng tingin ng guro at hindi na sinita pa.
"Pahamak 'to!" bulyaw niya sa akin.
"Tangina, ikaw mura nang mura diyan, e!"
We're high school student, fourth year. Simula nang tumuntong ako ng high school ay kaibigan ko na si Gelo. At si Izha? She's my ultimate crush. Katulad ni Gelo, first year high school palang ako ay crush ko na siya. Bihira ko lang siyang makita dahil magulo kung saan siya palagi namamalagi. Minsan sa library, cafe at gymnasium. Ewan ko ba, minsan ko lang siyang masaktuhan kaya ngayon ay sobra akong sabik makita siya.
Nagpaunahan kami ni Gelo papunta sa amphitheater. Humawak kaming dalawa sa railings at nilibot ang tingin sa mga estudiyanteng mga nakaupo sa bleachers.
"Hindi ko makita! Namimikon ka ba?" mayabang kong sinuntok ang balikat niya.
"Idilat mo kasi 'yang mga mata mo! Iyon, oh!"
Inakbayan niya ako at tinuro si Izha. Agad ko siyang nakita. Nakaupo siya sa bleachers at gumuguhit ng hindi ko mawari. Agad na sumilay ang ngiti sa aking mga labi.
"Ang ganda niya talaga, Gelo!"
"Bading!"
Sinapak niya ako ng mahina.
"Humanap ka na kasi ng crush mo hindi iyong bitter ka rito!" singhal ko.
Hindi siya nakasagot dahil may napansin kaming dalawa. Ang stage ay nasa pinakagitna at baba. Napapalibutan ng mga bleachers. May babae roong nakatayo, kita ng dalawang mga mata ko kung paano niya batuhin ang isang lalaki ng cartolina.
BINABASA MO ANG
Satrikana Series #1: Heart's Desire
RomanceSatrikana Series 01: Aerthaliz Satrikana. An ex-boyfriend could be described as a chapter from the past. No more feelings. No more care. Ang bobong lalaking who reminds of how to love painfully at ang lalaking bahagi ng nakaraan kung ano siya ngayon...