17: My most cherished treasure

1K 2 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.





I am upset because Hacob still hasn't replied to me. It's been three days now. I also tried going to his house, but he is never there.

He always talks to Elara, so I asked my cousin. Elara told me the reason why Hacob is avoiding me. My boyfriend found out about my tutoring session with Aziz.

Oo, kasalanan ko dahil hindi ko agad sinabi sa kaniya pero kailangan bang paabutin muna ng tatlong araw? Pwede naman iyong pag-usapan at kung sasabihin niyang tigilan ko ang trabahong 'yon, agad akong bibitaw para sa kaniya. Hindi ako sanay na may sama siya ng loob sa akin kaya ganito ako kalamya at kusang naiinis sa sarili.

Para mawala ang pag-iisip ko ng kung ano-ano. Lumabas na lang ako ng bahay. Naglakad-lakad ako sa kakahuyan patungo sa maliit na sapa na tanging agos lang ang tubig ang maririnig.

Napaangat ako ng tingin dahil may nakita akong isang lalaki. Nakaupo siya kaharap ang sapa. Naghuhugas ng kamay.

Nilapitan ko 'to upang usisain. Hindi ko pa nakikita ang ginagawa niya, inangat niya agad ang tingin. Nang makita niya ang mukha ko ay nanlaki ang kaniyang mga mata. Namula ang kaniyang tainga at mabilis na napaatras.

"M-Ma'am, ano pong ginagawa niyo rito? Pinayagan po ba kayo ni mayor? Bawal po ang mga anak niya rito dahil may mga ligaw na ahas po rito."

Nangunot ang noo kong nakatingin sa kaniya. Tinagilid ko ng kaunti ang ulo ko para mas lalong makita ang kaniyang reaksyon. Bigla siyang nailang at nag-iwas ng tingin. Tila nahihirapan din siyang huminga.

"Crush mo ako, ano?" tanong ko.

Dahil napansin ko sa kaniya 'yon. Humakbang ako para ilublob ang paa sa tubig. Naramdaman ko agad ang lamig.

"Naku, ma'am! Ha! Ha!" peke siyang tumawa. Napakamot sa batok. "Bawal pong magkagusto sa amo sabi ni tatay!"

I faced him again kaya mabilis ulit siyang nag-iwas ng tingin. Yumuko pa siya para hindi ko makita ang kaniyang mukha. Nakasuot siya ng itim na short at longsleeve na kulay gray. Malinis pa ang damit niya. Hindi ko alam kung mag-uumpisa pa lang siya sa pagtatrabaho.

"Anong ginagawa mo rito?" I asked again.

Wala naman dapat siyang ikahiya dahil kasing-edad niya naman si Bridelle. Saka ang lambot-lambot ng pakikipag-usap ko sa kaniya. Hindi naman ako nananakot.

"Naghuhugas ng kamay, ma'am!" Tiningnan niya ako. "Pinalinis po kasi ni mayor 'yong garahe niyo."

Umahon na ako sa tubig.

"Nag-aaral ka?" tanong ko ulit.

"Ah, opo."

"Anong grade level?"

"Grade twelve po. Diyan lang po sa bayan."

Napatango-tango ako.

"Iyong matagal ng school diyan? Hindi ba private 'yon? Ang alam ko ay apat kayong pinag-aaral ng papa mo. Kaya ka ba pinagtatrabaho rito para pambayad sa tuition fee?"

Satrikana Series #1: Heart's Desire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon