24: Friendship

317 2 0
                                    

“Bakit si Miss Satrikana pinayagan magtake ng exam kahit late siya? Akala ko ba bawal ang late?” taas-kilay na tanong ni Reian

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“Bakit si Miss Satrikana pinayagan magtake ng exam kahit late siya? Akala ko ba bawal ang late?” taas-kilay na tanong ni Reian.

Nagpunas ako ng pawis at tinignan siya dahil sa kaniyang parinig. Nilipat ko ang tingin sa professor namin. Tumaas ang isang kilay nito at matalim na tiningnan ang kaklase ko.

“What did you say, Miss Davis?” seryoso ang boses ng guro. “Hindi mo ba narinig na valid reason ang sinabi niya?” she shook her head, halatang dismayado. “First semester pa lang pinapakita mo na agad ang ugali mo. Hindi ka makalalamang sa ganiyang way mo, hija.”

I suddenly felt embarrassed and sensed the unfairness because it seemed Reian was right. I was late and couldn’t take the exam. I was late to class because the principal asked me to help sweep the trash in the hallway earlier. Our school has visitors today. It would be embarrassing if the place was dirty. And it’s even more embarrassing dahil mismong principal pa namin ang naglilinis.

“Paano naman kaming sobrang aga gumising, ma’am?” hirit na naman ni Reian.

Kinalibat siya ng kaibigan niya upang patigilan pero tila wala itong narinig. Nakikipagpalitan ng talas ng tingin sa professor.

“Just take the exam or I will fail you? Bastos,” ubos pasensyang ani ng guro.

Hindi na nakasabat si Reian pero bago siya umupo ay tinarayan niya ako. Hindi kami magkaklase nina Adi at Reagan kaya nahihirapan akong makipagkaibigan. Ngayong may taong galit sa akin, mas lalo yata akong naiilang.

But this Izha is my classmate. We took the same course. I don’t know Reian but her face looks familiar. It seems like she was my schoolmate in high school.

I looked at Izha to see how beautiful and gentle her face was. One of the reasons why many men liked her. I’ve heard that she’s also kind. Siguro maganda ang reputasyon niya sa lahat.

Nang magbreak time ay sinundo ako ni Adi. Galing pa siya sa ibang department. Alam niyang wala akong magiging kaibigan kaya rito agad siya dumiretso.

“Kaklase mo si Reian?” seryoso niyang tanong.

“Oo.”

”Bully ’yan noong high school e,” mataray niyang pahayag.

“Ewan ko. Pero kanina nakipagsagutan siya sa guro.”

“Hindi na bago. Palasagot naman talaga ’yon.”

“May problema ka roon, Adeline?”

Napahinto kami ni Adi sa paglalakad dahil may nagsalita sa likuran namin. Sakto lang ang lapit at nakasunod lamang sila. Pare-parehas sila ng reaksyon, masasama ang tingin at hinuhusgahan kami sa isip. Pito sila ngayon na parang kinompronta kaming dalawa ng kaibigan ko. Tumitingin din ang ibang estudiyante kapag napapadaan. Halata kasi sa mga mukha nila na may nagaganap na tensyon.

Ngumiti si Adi ng matamis at parang nahiya.

“Hindi naman ’yon ang ibig kong sabihi—”

Natawa ng peke si Reian. Hindi makapaniwala. Tinaas niya ang isang kilay at nagsalita.

Satrikana Series #1: Heart's Desire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon