10: Celeste Eiza Satrikana

358 5 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



From unknown number:

Hey, are you Aerthaliz Satrikana? Who graduated with a degree in Bachelor of Secondary Education Major in English? Someone recommended you to me as a tutor for my son. He’s in high school. Is it okay po? I’m looking for a tutor for my child pero masyadong maselan ang asawa ko. He really wants a trustworthy tutor. Since I know you and there are people who know you so I chose you.

Ngumuso ako habang nakatitig sa cellphone ko. Ilang minuto na akong ganito habang paulit-ulit na binabasa ang mensahe.

Sinong nagrecommend sa akin? Bakit alam ni dad ang tungkol dito? At sinabi niya pa sa akin na huwag kong tanggihan dahil kilalang pamilya ang humihingi ng pabor sa akin. Ang pinakatanong ko sa lahat, paano nito nalaman ang course na pinili ko?

Noong kolehiyo, hindi ko ipinagyayabang o iniuugnay ang kurso na kinuha ko, ngunit talagang gusto ko ito. Ito ay dahil gusto ng tatay ko na sundan ko ang kanyang yapak. May iniwang kaisipan sa akin na hindi ko maaaring tuparin ang aking mga pangarap dahil lahat ng desisyon sa aking buhay ay nakaayos na. Ayos na ng tatay ko ang lahat. Mula noon, nawalan ako ng gana lalo na nang ipagbawal sa akin ng tatay ko na sumailalim sa board exam, kaya hanggang ngayon, narito pa rin ako sa bahay. Naging alipin niya. Sunud-sunuran. Kung nasaan siya, nandoon din ako. Pinag-aaralan ang mga ginagawa niya.

This texter is Ysreal Arison Ferenz, Kerus’ sister. Kerus knows about the issue regarding my course, so I don’t know why he recommended me to his sister. Ever since college, he has been supportive of everything I wanted to do. Is he doing this to somehow help me pursue my dreams in life?

Pakialamero. Issue ng pangarap ko. Issue ng pamilya ko.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga. Hindi ako makatanggi dahil nangialam na si dad. Gusto ko sanang umayaw sa maayos na paraan. Umiiwas ako kay Kerus at ngayon naman ay mapapalapit ako sa isang kabilang sa pamilya niya? Nakatatawa.

Nag-ayos na ako ng sarili dahil pupunta ako sa bahay nina Celeste. Ang kapal ng mukha ng pinsan kong ’yon dahil siya na nga ang nanghihiram ng night dress ko, ako pa ang pupunta sa kanila. Kung hindi ko lang alam na abala siya sa paghahanda ay hindi ko aaprubahan ang kaniyang kagustuhan.

Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko si Aecus. Nakasuot lamang siya ng pambahay at magulo ang buhok. Mukhang wala siyang pasok sa trabaho.

“Saan ang punta mo?” tanong niya nang makita ako.

“Kay Celeste,” aniko.

Maglalakad na sana ako nang bigla muli siyang nagsalita.

“Wala ka bang ikukwento sa akin?”

I faced him again. Nakita kong nakataas ang isa niyang kilay at naniningkit ang mga mata.

“Huh?”

“Tungkol sa pagpunta niyo ni Konsehal Ferenz sa rice field. Wala bang nangyari?”

Satrikana Series #1: Heart's Desire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon