20: Please, stop compare...

783 1 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


From me:

How did you know na nandoroon ako? You’re my stupid stalker, huh!

I’m lying in bed now after what happened yesterday. I just woke up and haven’t taken care of myself yet, but my phone rang and I saw a text from Kerus. The questions that were on my mind before I went to sleep ay tinatanong ko na sa kaniya.

From Kerus:

Sa dami ng nangyayari dito sa lungsod natin. Isisingit ko pa sa oras ko ang pang-istalk sa ’yo?

I raised my eyebrow.

From me:

yes! kaya nandoon ka kaagad! indenial!

From Kerus:

Hey, excuse me. Saktong nasa mall ako and why don’t you check your live kagabi? Nagcaption ka ng location mo.

Nang makita ko ang live ko kagabi na naka-only me ngayon ay bigla akong napabangon sa kama dahil sa kakahiyan. Imbis na sumigaw dahil sa inis, sinapa ko na lang ang gamit na nasa paahan ko. Pero nang makita kong gitara ko ’yon, mabilis akong napabalikwas upang saluhin.

Napahinga ako nang malalim at muling inayos ang pagkakapatong sa aking kama. Bakit ba nandirito ito? Kolehiyo pa ako matapos kong gamitin ’to tapos bubungad sa akin ngayong umaga? Si Bridelle na naman ’to at hindi marunong maglagay sa maayos na lagayan.

From Kerus:

Tumayo ka na riyan. Katatapos lang namin mag-almusal ng pamilya mo, ikaw tulog pa. Buhay mayaman, ah?

I replied.

From me:

You, too! Ikaw nga ang aga-aga. Nanggugulo ka agad, e!

From Kerus:

Kung gumising kayo ay para kayong mayayaman! Ang dami ko nang natapos na gawain, kayo mga nakahilata pa rin diyan! Sige at magkulong na lang magdamag sa kwarto. Ewan ko na lang kung hindi magkandasakit iyang mga likod niyo!

I laughed softly. Nabaliw na naman siguro ang konsehal na ito. Kung makipag-usap sa akin ay parang hindi nakikipagmeeting kila dad.

Hindi na ako nagreply. Bumaba ako dala-dala ang aking cellphone. Pagdating ko sa kusina ay ako na lang ang hindi nag-aalmusal. Tahimik din ang buong bahay at ’yon ang hindi ko alam.

Patapos na ako sa pagkain nang tumunog na naman ang cellphone. Miss na miss ba ako ng lalaking ’to para hindi ako tantanan? Oo, may utang na loob ako sa kaniya dahil kagabi pero pagpahingahin niya naman ang isip ko!

But I stopped when I saw that it was someone else who texted. I immediately felt nervous when I saw his name.

Hacob:

Can we talk about our closure? I’m in a meeting right now and I can’t focus because I’m thinking about you. I’ll be free tonight and you don’t have to go out, I’ll just come to your house.

Satrikana Series #1: Heart's Desire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon