8: Who's your date?

351 3 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



We also returned to Manila after Kerus managed dad’s rice field. I didn’t learn anything from him. I avoid him because of our arguments. I don’t want him to have questions because I’m afraid of feeling weak and not having any answers for him.

As long as I can avoid him, I will.

Pagkauwi ko ay sama-sama na naman kaming magpapamilyang nagdinner. Iba nga lang ngayon dahil inimbita ni dad si Kerus na rito na magdinner. Hindi siya nakatanggi dahil matamis ang ngiti sa kaniya ng tatay ko.

“What new things have you learned, Aerthaliz?” dad asked me, tukoy sa pag-alis namin ng konsehal.

Hindi agad ako nakasagot lalo na’t napunta ang tingin sa akin ni Aecus, Bridgette at Bridelle. Hinihintay ba nila ang sagot ko o hinihintay nila ang reaksyon ko sa paulit-ulit na tanong ni dad?

They know I’m pressured by what dad wants, but until now, I’m still not ready and I don’t want to either.

“Yes, dad,” alinlangan kong sagot.

Dahil doon ay nag-angat ng tingin si Kerus. Seryoso ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Napansin niyang wala akong maisagot kaya ngumisi siya ng kaunti.

“Yes?” nagtatakang tanong ni dad na parang ang layo ng sagot ko.

Napagtanto kong malayo nga kaya muli akong sumagot.

“I mean, yes. Marami akong natutunan. Pinaliwanag sa akin ni Kerus at Tatay Chico kung paano ang pagtatanim ng rice field, magmamanage at kung ano-ano pa.”

Sa totoo lang ay wala akong alam. I lied.

“That’s good,” he gave me a small smile so I nodded.

Bumalik ako sa pagkain. Hindi ako makakain nang maayos dahil iyon ang unang beses kong nagsinungaling. Nangunot ang noo ko dahil nakita kong nakatitig si Bridgette sa akin. Pakiramdaman ko alam niyang nagsisinungaling ako.

I ignored her. I just kept myself busy until I heard Bridgette’s angry response to dad. Mukhang may pinagtatalunan na naman sila at hindi ko narinig iyon.

“Dapat nga ay hindi na ako umaattend sa ganito, e,” she answered. “Kaya lang naman ako nandito dahil ang sabi niyo ay uuwi si Aerthaliz.”

Binagsak niya ang mga kubyertos.

Muli siyang nagsalita. “Sa dami naming magkakapatid, ako talaga ang nakukuha niyong punahin. Sana hindi dinner ang tinext niyo sa akin. Your text should have been come home for dinner because if you’re not here, wala akong maiinsulto.”

Tiningnan si mom si Kerus at pilit pinipigilan ang pangyayari.

”Anak, maupo ka muna. We have visitor. Bakit hindi muna natin tapusin ang dinner?” malambing na amo ni mom dito.

“I’m done eating,” she stood up. “Saka, mom. Dapat si mayor ang sinasabihan niyo niyan. Nagpapakatatay sa lungsod pero sa anak, hindi ma-apply.”

Satrikana Series #1: Heart's Desire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon