KABANATA 14
Napag-pasyahan ko na bumaba na pagkalipas ng ilang oras na pagmu-mukmok sa kwarto. Naghilamos muna ako bago bumaba para hindi nila mahalatang umiyak ako. Ngayon ako nagpapasalamat na kahit gano'n ang hagulgol ko kanina ay hindi halata na namamaga ang mga mata ko. Idagdag mo pa ang salamin na suot ko kaya naman kampante akong bumaba para kumain.
Wala ulit sila mommy at daddy dito sa bahay dahil bumisita sila sa mga branches ng restaurants nila. They always do monthly visit sa mga branches.
Pagkababa ko ay wala ang mga tao sa baba, palagay ko ay mga nagpapahinga dahil sunday ngayon. Mabuti naman kung gano'n dahil bukod sa hindi nila makikita ang itsura ko ay makakapag-pahinga rin sila kahit papaano. Alam ko naman na magagaan lang ang trabaho nila rito sa bahay lalo na ang mga babae naming helpers, dahil hindi ito hinahayaan nila mommy at daddy na mabibigat ang gawin.
Lagi nilang sinasabi na dapat mga lalaki ang nagbubuhat ng mga mabibigat na bagay at ang babae ay ang mga gawaing kaya nilang gawin base sa kakayahan nila. Ewan ko rin ba kila mommy, basta ako, naniniwala ako na kung anong kayang gawin ng lalaki ay kaya rin naming gawing mga babae.
Enough with this na nga. Kumuha na ako agad ng plato at nagsimula na maghain ng mga kakainin ko. Ininit ko lang yung natirang adobo. That's my comfort food na kahit paulit-ulit kong kainin ay hindi ako mananawa.
Everything feel so dry right now. That's when I realized that I broke down while eating. Tears keeps on falling from my eyes. Mabuti na lamang talaga na ako lang mag-isa rito.
I didn't teach myself to question you, but what did I do to deserve this kind of pain?
Am I not worth the risk?
Am I being to much for loving him?
Gano'n nalang ba kadali lahat ng bagay pagdating sa akin?
After eating. I didn't even finish my food pero umakyat na ako sa kwarto ko dahil hindi ko na talaga kayang pigilan pa ang mga luha ko, dahilan para mawalan ako ng ganang kumain.
I can't keep this to myself anymore.
"Hello?"
"Carmella..." pagtawag ko sa kaniya habang pinipigilan ang mga hikbing gustong kumawala.
Naramdaman kong nag-panic siya. "Bakit? Anong nangyari sa 'yo?! Bakit ka umiiyak?" sunod-sunod na tanong niya at halata ang pag-aalala.
Hindi ako makasagot. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan, kung paano ko sasabihin sa kaniya lahat na hindi ako umiiyak.
"Okay, Aleah. Kalma ka muna, okay? Inhale, exhale." aniya at naramdaman ko pang ginawa niya iyon. "Sabihin mo sa 'kin, anong problema?" malumanay ngunit ramdam mo pa rin ang pag-aalala niya.
There, I told Carmella everything.
"Aleah naman... Nasaan 'yang gagong 'yan?" she is furious I can sense it. "Tangina naman! Bakit ka niya kinausap pa kung may nagugustuhan naman palang iba?!" sambit niya.
"A-Ako naman ang unang kumausap sa kaniya, e." ani ko habang patuloy pa rin sa paghikbi.
I stopped crying now. Kahit papaano ay kumalma ako nang mailabas ko lahat kay Mella.
"Kahit pa! He should've ignored you in the first place and what?! Four months na kayong nag-uusap and you didn't even bother telling me?" naiinis na sambit niya. "Pero I know it's your personal life and I don't have the right to control you but, Aleah—" I cut her off.
"I know and I'm sorry for not telling you. It's just that, I'm not ready to tell you about it during that time. Hindi ko naman akalain na hahantong lang pala kami sa ganito pagkatapos ng lahat." ani ko at ang sakit ay nararamdaman ko pa rin.
"It's okay with me, Ale. It's just that, I treasure and love you so much na kapag nasasaktan ka ay nasasaktan din ako. I know you love him but, please heal yourself. I'm willing to be your shoulder whenever you need one. I don't want you to feel that you're alone and you are not worthy of anything in this world. You are enough, Aleah. Sadyang may mga tao lang talagang hindi marunong ma-kontento or worst, hindi talaga para sa atin ang taong 'yon." seryosong sambit niya.
"I know and thank you for that. I can't imagine kung ano ako ngayon kung wala akong maka-usap na kaibigan katulad mo tungkol sa mga bagay na ito. Siguro ay nababaliw na ako ngayon." she's my childhood friend, my sister and she knows everything about me, we know everything about each other.
Narinig kong bumunting hininga siya. "Alam mo, lumabas tayo. You need some fresh air." aya niya sa akin.
Pumayag naman ako syempre. Baka kailangan ko na rin talaga ng sariwang hangin at magandang tanawin para makapag-isip-isip tungkol sa bagay na ganito.
Nagpahatid nalang kami kay Manong sa Community park dahil panniguradong wala masyadong tao roon ngayon.
Binigyan ako ni Carmella ng ice cream at naupo na rin sa tabi ko.
"You know what, Aleah. Hindi natin deserve masaktan pero it's part of loving someone. Gaya nga ng sabi mo sa 'kin, hindi lahat ng tao o bagay gusto natin makukuha natin. Lagi ko 'yang tinatatak sa isip ko." sambit niya habang nakatingin sa tanawin.
"Pero alam mo ba ang isa pa na laging nasa isip ko? If that person is for you then, it will always find its way to go back to you even if the world separated you both from each other again and again." dagdag niya pa.
"Maybe you're right. May mga tao talaga na pinapadaan lang sa atin para ma-experience natin ang mga bagay na gusto natin na maransan." wala sa sariling ani ko.
"Kung hindi talaga kami para sa isa't-isa then, I hope he will find the girl he will love unconditionally and be with her through ups and downs." dagdag ko pa.
But on the other hand... I also thought, "Or maybe hindi pa namin oras ngayon and we need to grow as an individual para kapag nagkita kami ulit, the stars and destiny will finally align to us."
—
BINABASA MO ANG
Dear Heaven
RomanceDear Heaven, "Have you ever thought of falling in love for the first time in your life?" It's the best feeling, right? It makes you wonder how will you meet him, how will you express your sincere love for him. But, what if you found him on the inte...