KABANATA 11
Hindi na ako nakipag talo pa dahil tumawag na ang coach nila sa kaniya para sabihing kailangan na niya magpunta at na-change ang schedule nila dahil sa masamang klima.
Pagkatapos namin magpaalam sa isa't isa ay bumaba na ako para mag breakfast. Hindi naman nagtagal ay natapos na akong kumain at iniisip ko kung ano ang susunod kong gagawin.
Tapos ko naman na lahat ng mga school works ko. Pati ang mga reading ko ay tapos ko na ring basahin. Siguro ay babasahin ko ulit iyon mamaya para ma-refresh ang utak ko dahil baka mamaya ay pagdating sa recitation ay hindi ako makasagot dahil nakalimutan ko na ang mga binasa at inaral ko.
My day went smoothly. Iyon nga lang ay ilang oras na akong hindi nakakatanggap ng text o chat man lang sa kaniya. Pero alam ko naman na busy siya so, hindi ko siya dapat istorbohin.
Habang nakahiga ako sa kama at nag-iisip kung ano ang gagawin ay bigla akong napabangon sa naisip kong gawin!
Agad akong bumaba patungong kitchen at nagsimula na akong ihanda lahat ng ingredients na gagamitin ko.
I'm going to bake my cookie recipe at tatanungin ko siy mamaya kung ano ang address niya para maipa-deliver ko sa kaniya ang cookies na ni-bake ko para sa kaniya.
Gagawa rin ako ng sobra para sa sarili ko para kung sakaling wala ako sa mood kumain ng rice ay ito nalang ang kakainin ko with matching gatas pa!
Malakas pa rin ang ulan sa labas. I wonder kung nasaan na siya ngayon at kung ano ang ginagawa niya. Sana ay hindi siya nagpapa-ulan dahil kung oo ay baka masampolan ko siya, charot!!
While baking the cookies, I was silently praying that he'll text me or chat me but, hanaggang sa matapos ako ay hindi iyon dumating.
Pinaubaya ko na kila manang ang mga cookies na ginawa ko. Sabi ko naman ay mag bake sila kung gusto nila at ilagay nalang sa refrigerator ang cookie dough na natira para pwede pa siyang i-bake ulit.
Dahil wala na naman akong magawa at ang dami na namang pumapasok sa isip ko. Parang hindi maganda sa akin ang pagiging mag-isa, kung ano ano kasi ang nasa isip ko. Hindi ko pa naman ito kayang kontrolin at magpadalos dalos sa desisyon ko kasi I have to think other person's feelings kahit na minsan sila ang hindi umiintindi sa akin.
Somehow the overthinking put me to sleep. Pagkagising ko ay wala pa rin akong natatanggap na message o tawag man lang mula sa kaniya.
Tamad tuloy akong bumangon para kumuha ng cookies. Hindi na ako nakakain ng tanghalian dahil nakatulog na ako at hindi rin naman ako ginising ni manang.
Pagbaba ko ay sinalubong ako ni Manang "Aleah, tinatawag kita upang mananghalian kanina, ngunit mukhang masarap ang tulog mo kaya hindi ko na itinuloy ang paggising ko sa 'yo." aniya at seryosong nakatingin sa akin.
"Ayos lang po, manang. Napasarap din po talaga ang tulog ko kanina." nakangiti kong sabi at naglakad na patungong kusina para mag bake ng cookies.
Hindi ko pa bini-bake 'yong cookies na ibibigay ko sa kaniya para fresh pa kapag pina-deliver ko.
Habang nasa oven ang mga ito ay nagtimpla na ako ng gatas.
"Manang, ate Sabel. Mag miryenda po muna tayo. Marami naman po ang isinalang ko sa oven na cookies." Aya ko sa kanila. Mukha kase silang mga pagod. Inutos kase sa kanila nila mommy na linisan ang backyard dahil pupunta ang mga amiga ni mommy sa bahay, kasama nila sa pag-uwi galing business trip.
Maya maya lang ay nagsalo-salo na kami sa miryenda. Napuno ng tawanan at kwentuhan ang aming salu-salo.
Somehow, it helps me to forget my worries for a short period of time.
"Aleah, kailan ka ba magb-boyfriend. You are not getting any younger. H'wag mong limitahan ang sarili mo. Ako noon, masyado akong naniwalang manloloko ang lahat ng lalaki, kaya ngayon ay wala akong katuwang sa buhay. Takot na takot kasi ako noon. Baka masaktan ako, baka hindi rin naman kami ang para sa isa't isa." Ate Sabel suddenly spoke.
Natahimik naman kami at nakinig sa kaniya. Pati si manang ay nakatutok ang buong atensyon sa kaniya. Para bang ngayon niya lang ito sinabi. "Pero habang tumatagal, na-realized ko na part pala talaga ng pagmamahal ang masaktan. Hindi ka tunay na nagmamahal kung hindi ka makakaranas ng sakit. Kambal 'yan sila, ang pagmamahal at ang sakit na nararamdaman." Ngumiti siya na para bang may bumabalik sa kaniyang mga alaala.
"Oo nga ano, ate Sabel? Ngayon ko lang napansin na ikaw lang pala ang walang partner sa lahat dito, maliban sa akin of course." awkward akong ngumiti.
Well, I admire someone now...
"Dahil masyado kong binulag ang sarili ko noon matapos ang experience ko sa una at huli kong naka-relasyon. Masydo kong ikinulong ang sarili ko sa mga naiisip ko, sa mga pinaniniwalaan ko. Kaya ngayon, sinasabi ko ito sa 'yo. Upang hindi ka magsisi sa huli. Palayain mo ang sarili mo. Hayaan mo ang sarili mong maging malaya sa pagpili ng mamahalin mo." ngumiti siya ngunit halatang halata sa mukha niya ang pagkalungkot.
"I know, ate Sabel. I'm not limiting myself from love. Sadya sigurong hindi pa dumadating ang the one." tumawa ako ng kaunti. Well, he's right there, nagt-training for their upcoming game.
"Tama si Sabel, Aleah. Matagal ko na rin sinasabihan ang batang ito noon palang ngunit, hindi ito nakikinig sa akin. Mukhang ngayon niya lang naintindihan ang lahat. Ang tanda tanda mo na, Sabel." Biglang nagsalita si manang. Nagtawanan kami sa huli niyang sinabi.
Sininghalan naman ni ate Sabel si Manang. "Ikaw, Manaang porket tinatrato ka ng tama ganyan ka na?" mas lalo akong natawa dahil sa itsura ni ate Sabel na animong aping api
kay Manang.That was a great snack time. Pag akyat ko sa kwarto ko ay chineck ko kaagad ang cellphone ko upang makita kung nakatanggap na ba ako ng message sa kaniya o tawag.
Meron akong natanggap, ngunit hindi ito ang inaasahan kong matatanggap ko.
From : rics
— let's end this, I'm sorry...———
BINABASA MO ANG
Dear Heaven
RomansaDear Heaven, "Have you ever thought of falling in love for the first time in your life?" It's the best feeling, right? It makes you wonder how will you meet him, how will you express your sincere love for him. But, what if you found him on the inte...