KABANATA 12

32 1 2
                                    

KABANATA 12

Tell me. I'm just dreaming, right??

But we don't have anything to end? We haven't started yet... Tears keeps falling from my eyes.

Kahit nanginginig ay sinikap kong magtipa ng sasabihin sa kaniya.

To : rics
— why??
— is there something wrong??
— what did I do?

I am so desperate for answers! Fuck! I never thought this would hurt so bad kahit hindi naman naging kami.

All of a sudden?? Why??

Sobrang dami kong tanong sa isip. Gusto ko ng sagot sa lahat ng tanong ko. Gulong gulo ang isip ko sa sinabi niyang iyon. It's not just a simple fucking message! It hurts me a lot and I don't know what to do.

The fact na wala pa kaming nasisimulan. Well, meron kahit papaano. We've been talking to each other for months, tapos bigla siyang magme-message ng ganito?

Gustong gusto kong malaman ang dahilan. Bakit bigla nalang nagkaganoon? Okay pa naman kami kanina, ah... Masaya naman kami noong mga nakaraang araw. Hindi ko naman siya nililimitahan sa mga ginagawa niya. In fact, sinusuportahan ko pa siya. That's how I love a person, e.

I will support him sa kung ano mang magiging desisyon niya sa buhay, but not this kind of decision. Sa desisyong ginawa niya, involve ako doon. Alam kong may dahilan ito. Hindi naman niya ito sasabihin kung wala itong dahilan.

Nakaka ilang message na ako sa kaniya ay wala pa rin akong natatanggap na reply. Kaya naman hindi ko na ito natiis at tinawagan ko na ito.

Hindi niya rin ito sinasagot.

Ano? Gano'n nalang 'yon? Parang wala lang nangyari? Parang pinadaan lang sa buhay ko gano'n ba?

Ang umiiyak na tinig ay naging hagulgol. Habang tumatagal ay mas lalong masakit dahil mas lalong nagsi-sink in sa akin ang mga sinabi niya. Inayos ko ang sarili ko.

One last call.

Nag-ring iyon at ilang segunda lang ang nakakalipas ay sinagot niya iyon. Bigla akong nanigaw sa pwesto ko. Parang nakalimutan ko kung paano magsalita nang sagutin niya iyon.

Ano, Aleah? Akala ko ba marami kang tanong na gusto mong masagot? Talk. Pagka-usap ko sa aking sarili.

"H-Hello..." kahit nanginginig at tuloy ang pagpatak ng luha galing sa aking mga mata ay pinilit kong ikalma ang sarili ko. I need to calm down right now so, we could talk properly.

Hindi siya sumagot. Tanging paghinga niya lang ang naririnig ko sa kabilang linya. Batid ko'y naka-uwi na siya dahil tahimik na sa kaniyang paligid.

Nang hindi pa rin siya sumagt ay hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"W-Why? I-Is there something wrong? May nagawa ba akong mali o may nagawa ba akong hindi mo nagustuhan? Tell me, please h'wag namang ganito." pagmamaka-awa ko.

Fuck! Hindi ko na makilala ang sarili kong boses sa sobrang tindi ng damdamin ko habang sinasabi ang mga salitang iyon. I'm hopeless!

"It's not, it's me—" alam ko na ang sasabihin niya so, I cut him off.

"Don't give me that, it's not you, it's me bullshit, fuck!" Sigaw ko dahil hindi ko na kayang kontrolin ang sariling emosyon ko. I'm so fucked up right now!

Gusto kong magalit. Gusto kong sumigaw. Gusto kong manakit. Pero at the same time, gusto kong magmaka-awa. Mag-sorry kahit hindi ko alam kung may kasalanan ba akong nagawa basta manatili lang siya. Iyon lang naman ang gusto ko, e. Na may isang taong mamahalin ko at mananatili sa tabi ko habang buhay, pero bakit naman ganito iyong binigay sa akin ng tadhana?

Mali bang tanungin ko ang tadhana bakit ganito ang ibinigay niya sa akin? Mali ba kung sisisihin ko ang tadhana dahil sa nangyayari sa akin, sa amin ngayon? Pero baka gano'n lang talaga?

"I'm sorry..." tanging nasabi niya.

"Anong magagawa niyang sorry mo? Ha?! Rics?! Hindi mo man lang naisip ang mararamdaman ko! Hindi mo man lang naisip na masasaktan ako sa sasabihin mo!" punong puno na ng frustration ang aking nararamdaman.

Natahimik siya sa kabilang linya.

"Okay naman tayo kanina, ah? Okay naman tayo noong mga nakaraang araw, ah? In fact, we enjoyed our time together. O baka ako lang ang nag-e-enjoy?" matabang kong saad.

"It's not like that. I enjoyed being with you, too, of course!" I could almost see his panicking face as he said those words.

"Bakit gano'n nalang 'yong sinabi mo bigla? Bakit parang ang daling sabihin sa 'yo ng mga ganoong salita?" nanghihina kong tanong. I keep crying and crying! I don't care if he can hear my sobs, I just want to let all the pain out!

"I don't know... gulong gulo ako, Aleah..." ramdam na ramdam ko ang panghihina niya.

"Kung gulong gulo ka na, pwede ka namang magsabi sa akin at pakikinggan kita. Handa naman akong makinig sa 'yo. Hindi naman ako ibang taong huhusgahan ang buong pagkatao mo. Buong buo kong ibibigay sa'yo ang tainga ko para pakinggan ka at ang balikat ko para kapag gusto mong umiyak, you can lean on it and cry all you want. Handa akong magbigay ng oras para sa 'yo, Rics." tumigil ako nang marinig ko ang mahihinang hikbi niya.

"Pagod ka na? Pwede kang magpahinga. H'wag mong limitahan ang sarili mo sa mga bagay na kailangan mo. Nagkamali ka? Pwede mo namang i-tama iyan at gawing mas better ang sarili mo sa susunod, e. I'm always here for you, Rics. Always remember, na kahit talikuran ka man lahat ng mundo o lahat ng taong inaasahan mong hindi ka kailan man tatalikuran, laging mong iisipin na narito pa ako sa mundo na hinding hindi ka tatalikuran ano man ang mangyari." I let out all of the words that my heart says. My heart was beating so fast. It's only for him. It happened only to him.

"I just need a break..." mahina niyang saad.

"You can take a break. I won't force you to get up. If you are really tired then, rest. You deserve it." I smiled a little kahit hindi naman niya ako nakikita.

May mga mumunting luha pa rin na lumalabas galing sa aking mga mata.

Sandali kaming nanahimik na dalawa.

"You know what?"

———

Dear HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon