ASH/ZEFORAH POV
Kishanti Deuxsche, taga-ibang kontinente siya. Dito lamang siya nag-aaral dahil mas maganda ang education system dito sa Erynder.
"ZEFIIII NAKIKINIG KA BA?" Nagulat ako nang biglang sumigaw si Eyah.
"Sobrang lalim ng iniisip mo. May problema ba? Kanina ka pa rin nakatingin sa Campus Cheerleader natin" Banggit naman ni Ayah. As expected nandito na siya, nagsisimula na literal ang kwento. Pero palaisipan sa akin ngayon kung paano na masisimulan dahil wala naman akong ginawang kabalastugan nung una pa lamang. Sa Novel kasi ay si Zefi ang nagsisimula ng lahat. Weird right? Ewan ko sa author nito, may saltik sa utak.
"I just thought that she's very pretty" Pagdadahilan ko sa kambal. Hindi naman talaga maitatanggi ang ganda nitong si Kish. From her well defined jaw line, round shaped lips, cat eyes and short hair. Literal na chinita na mestiza. Kaya patay na patay sa kaniya ang mga male leads dahil baguhan dito sa kontinente.
"Ganyan din kami nung di ka pa dumadatingjsiwidnehwjxd" Hindi na naituloy ni Eyah ang sasabihin nang takpan na ni Ayah ang bibig niya.
"Watch your words! We all know that her admirers are watching every girls who's eyeing on her" Saad naman ni Ayah. Confirmed! Ako nalang yata ang hinihintay na pumasok dito para magsimula na ang gera este ang storya. Pero wala na sa plano ko ang manggulo, alam ko malaki ang magiging epekto nito sa storya pero ayoko pang mamatay.
"Nagsasabi lang naman ako ng totoo Ayah. Pero sige di nalang ako magtalk" Sabi nito at umaktong sini-zipper ang bibig. Tinignan ko ulit ang female lead at nakita kong nilapitan ito ng isang lalaki. Varsity Player. Dagger Divinagracia, 6th male lead ng kwento, bestfriend na hanggang dun lang.
"Malapit na sila makumpleto." Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi pero sa oras na makumpleto sila ay lalayo na ako.
"Tara sa gym! Magsisimula na ang tryouts!" Napalingon ako kay Eyah sa sinabi niyang yon. Sa pagkakaalala ko ay isa sa pangarap ni Zefi ang maging volleyball player. Hindi niya nga lang ito natupad dahil sa pagfocus niyang makuha si Zyril.
Sumunod na ako sa kambal. Marami parin ang sumusulyap sa akin kada madadaanan ko sila. Simula junior high school kasi ay pamilyar na ang mga nandito sa mukha ng isa't isa. Sadyang bago sa kanila na senior high school student eh ngayon palang mag-aaral.
"Bibihis lang ako Zefi, Eyah patulong ako" Paalam ni Ayah. Ako naman ay tumayo na lamang sa may gilid habang nagmamasid sa mga athletes. Zefi can you see this? Do you want us to join? I'm willing to grant your wish.
"U-uhmm, hi!" Nagulat ako sa nagsalita sa tabi ko. HOLY MOTHER OF COW! Kishanti Deuxsche.
"Kanina ka pa kasi napapansin ng mga kasama ko sa cafeteria. Ahh we're looking for some flyers in our squad, do you want to join---" Walang pasabi kong tinabi ito at pinalo ang bola na tatama sana sa ulo nito.
"OMG SORRY SHANTI!" Sabi naman nung nagspike kanina.
"No, it's ok! U-uhm t-thank you" Bakas parin sa mukha nito ang kaba. Mukha na siyang labanos kasi lalo siyang pumutla.
"Ok lang--" Magsasabi na sana ako nang may lumapit sa amin na matandang lalaki. Mga kasing edaran lang ito ni papa.
"Zeprus didn't tell that she have such a beautiful and talented daughter, nice to meet you young lady Zeforah Elyseen. I'm coach Yohan Arce, and I would like to invite you to join MU's volleyball girls." Nakangiting saad nito sa akin. OMG TOTOO BA TOH?! Zefi look! Without even trying, we got in!
"I gladly accept that sir! It's been my dream!" Hindi ko alam pero tuwang tuwa ako.
"U-uhmm Sir Yohan, I was about to invite her in our squad but it seems like she's an athletic type so I give up haha" Awkward na tawa ni Kish. Oo nga pala nandito pa pala toh.
"You mean, gusto mo akong isama sana sa cheer squad? OMG sorry!" Saad ko rito. Hanep na yan, iniiwasan ko nga siya tapos ganito pa mangyayari.
"Oh it's ok, it's just that I didn't thought that you would rather choose volleyball than cheering. But seems like, we will be cheering for you! Goodluck uhm Zeforah? By the way, I'm Kishanti Deuxsche, MU's cheerleader" Pagpapakilala nito sa akin.
"OMG! BATTLE OF THE BEAUTY BA ITO?!" Isang irit naman ang narinig ko. Hindi nga ako nagkamali, si Eyah ito. Nakabihis narin si Ayah sa tabi nito.
"Coach Yohan" Lumapit naman si Ayah sa amin. Nginitian nito si Coach Yohan kuno at ganun din naman ang ginawa nito.
"I found a great spiker in our team Ayesha. She's in front of you now" Malumanay na ngiti ang iginawad nito kay Ayah at nanlalaki naman ang matang tinignan ako ni Eyah.
"SH*T YOU WILL PLAY?! JUST LIKE AYAH? IHHHHH YOU'RE SO COOL! SO COOL!" Nagtititiling saad naman ni Eyah. Kaya naman nahihiya akong tumingin sa paligid namin. Kinginang yan, sa amin na naman ang atensyon.
"U-uhmm I guess I gotta go. Bye Zeforah and sir Yohan!" Kaway sa amin ni Kishanti at tinalikuran na ako.
"Ok so you're finally in! Maybe tomorrow you can start joining us, I'll send your uniform in your dorm." Sabi sa akin ni Coach Yohan at nagpaalam na rin. Pagkatapos noon ay nagring na ang bell.
---
Nasa loob na kami ng classroom ngayon at kakapasok lang din ng teacher namin.
"Issues, Politics and Governance. Good morning I'm Arsenal Arcega your teacher in this subject." Pambungad nito sa amin.
"You the girl with bangs, can you give us an issue?" Turo nito sa nasa unahan.
"U-uhm Abortion sir?" Alanganing sagot nito.
"Abortion, can anyone tell me about their perception about it? Yes the guy at the back." Napalingon ako sa likod ko nang mapansin kong dito nakatingin ang teacher namin.
"In this continent, it's illegal but I think we should legalize it since there's nothing wrong with it as long as both parties agreed with it." Pahayag nito sa aming guro. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nito. Legalize? Sure ka diyan teh?
"I can say that the beautiful girl in front of you is ready for rebuttals. Yes pretty girl, state what's on your mind" Napatingin ako sa unahan at pansin kong lahat sila ay nakatingin sa akin. Pasimple naman akong napatingin sa katabi ko. Napatawa naman ito.
"He's calling you Young Lady" tumatawa paring saad nito sa akin. Napatayo naman ako at tinignan ang aming guro, mata sa mata.
"Abortion is illegal and we shouldn't consider legalizing it. In other words, I'm against with it--" Naputol ang sasabihin ko nang magsalita ang lalaki sa likod ko.
"As a girl, if your in a tough situation and some guy impregnated you, would you still not consider it?" Tanong ng nasa likod ko.
"I still won't because it's illegal." Paglaban ko naman.
"That's not a problem if you are open minded." Madiing saad nito akin.
"So you're saying that I'm close minded just because I'm against with it? Sige nga, would you still consider it, knowing that there's a life inside that woman which will be killed?" Saad ko naman dito.
"Well our continent is overpopulated so why disagree with it, knowing that overpopulation is leading our continent to poverty." Saad na naman nito sa akin habang nakangisi.
"Law is law. Tinatag dito na illegal ang abortion so we people should consider and respect it." May diin na saad ko.
"So it's ok for you kung malugmok sa kahirapan ang bansa dahil sa illegal na abortion na yan? Or else dumami ang kaso ng teenage pregnancy?" Nang-aasar na sabi sa akin nito.
"Poverty is not our topic here. Stick with abortion mister. Kung pinupunto mo na gawin itong legal para sa mga nabuntis ng maaga, well you're being a coward." Saad ko naman dito.
A/N: Hot seat damnnn HAHAHAHAHAHA Enjoy Reading Atis! Love You All!
BINABASA MO ANG
REBORN: Survive As A Villain
General FictionI know that I'm reincarnated. The only problem is that... I'M REBORN AS A VILLAIN IN MY FAVORITE NOVEL! I don't hate her. In fact, majority of the readers love her! However, hindi ko pa natatapos ang libro. Ang huling chapter na nabasa ko bago maba...