CHAPTER 19 - AWAKEN

373 16 0
                                    

AYAH POV

It's been three days already but no signs of progress for Zefi. We are not losing hope though since the doctor already said that she's stable. Pero pagkatapos non ay hindi parin nagigising si Zefi.

"Tita uwi muna po kami ni Ayah! Balikan lang po namin si Zefi mamaya" Paalam ni Eyah sa Mommy ni Zef. Sa tatlong araw na tulog si Zef ay halos kami ang nag-aasikaso sa kaniya. Boys are not allowed kapag wala si Tito kaya nasa labas lang sila at naghihintay sa pagdating ni Tito gaya ngayon.

"TITA!" Nagulat kami nang biglang bumukas ang pinto.

"Ay kabayo ka Zyrus! Anu ka bang bata ka! Kumatok ka!" Saway sa kaniya ni Tita Aurorah.

"Ano ka ba tita, ayos yan para magising yang tanga sa kama. Hoy tanga ang baho mo na, gising na!" Biglang sabi ni Zyrus at pumunta pa sa kama ni Zef para alugin ito.

"Hands off her." Isang malamig na tinig ang umalingawngaw sa loob ng silid, nandito na naman sila.

Bago kami umalis ay tinignan ko muna ulit si Zef. Langhiya ang ganda parin kahit tulog. Yung totoo tita, pinaglihi mo toh sa AI noh? Grabe haba ng pilikmata niya, pati labi hugis puso. Dumagdag din sa attractiveness niya yung chubby cheeks niya na nagpapakita na healthy siya. Kahit sino siguro magugustuhan toh eh.

"Where's my hussy?" Tanong naman ni Tita at doon lumabas si Tito.

"Yes wife? Don't worry, those who hurt her are still paying for their sin. Their pain will not end unless our princess wakes up" Saad ni tito. Kinilabutan ako literal doon!

"Gago ano toh last supper? Ayah dito muna tayo, sakto may pang chibog na for one week!" Biglang saad naman ni Eyah matapos makita ang kaniya-kaniyang dala ng mga lalaki.

Si Vixsion Muller na may dalang sampung sakong bigas na magkakapatong. Limang box ng mga delata naman kay Radjier Xeloda. Habang si Arkiel Muller naman ay nasa benteng eco bag ng hygiene kit. Si Alecaine Dion na may dala-dalang mga stuff toys. Flowers naman ang dala ni Zero Fonacier, nagmistulang flower shop tuloy ang kwarto ni Zef. Pero ang ikinagulat ko ay nandito si Dagger Divinagracia na may dalang halaman? Oo literal na halaman.

"It's therapeutic." Saad nito nang mapansin na nakatingin ako sa dala-dala niya. Pero may kulang pa.

"Young Master Zyril, we finished paying for the other rooms." Rinig ko nang may pumasok sa kwarto na assistant yata ni Young Master Zyril.

"R-rooms? Don't tell me, OMYGOSH! WHAT THE FUCK DI PAPAKABOG MANOK KO!" Biglang sigaw ni Eyah. Siniko ko naman ito para tumahimik. We know that these men are courting Zefi. May kanya-kanya kaming manok at itong tangang Eyah bubukohin pa yata kami.

"I bought each room here in 4th floor. I planned to buy the hospital but I got scolded by my dad so " Kibit balikat na ani nito na animo'y barya lang sa kaniya kada room dito. Gago eh nasa sampung libo nga yung isang oras dito eh!

"Thanks for the offerings but what do you think about us? A peasant to not afford those things?" Iritang sabi ni tito. Uh oh!

"Hussy! Young Masters, I appreciate your gift for my unica hija but I think it's too much? Mukha na tayong magdodonate sa evacuation center nito eh" Nahihiyang sabi naman ni Tita.

"Ayan mga bida-bida ang gago, buti pa ako sarili lang ang dala. Diba Tita?" Nakangiti namang saad ni Zyrus habang yayakap pa sana kay tita nang binato siya ng delata sa paa ni Radjier.

"WTF Dude? Peace tayo ok? Peace---HOLY SHIT ZYRIL KALMA!" Napasigaw naman ng wala sa oras si Zyrus nang magkasa si Zyril ng baril. Hilig nito magkasa ng baril, paputukin mo na kaya?

"Everyone calm down! Naririnig kayo ni Zef--She's not breathing." Ramdam ang lamig ng kwarto nang banggitin ni Dok Arkiel Muller ang mga katagang iyon.

Maya-maya pa ay nagsipasukan ang mga doktor at nurse sa loob ng kwarto at pinalabas kaming lahat. Tanaw namin sa pintuan kung paano nila agapan si Zef.

"FUCK! Call all the best doctors in each continent and send them here. NOW." Nangilabot kami sa boses ni Young Master Zyril. Kita namin ang dilim sa mga mata niya.

---

THIRD PERSON POV

Lahat ng mga taong nakasaksi sa 4th floor ay hindi na halos huminga nang makita ang nag-aagaw buhay na babae. Ang buong akala ng lahat ay dahil lamang sa kumalat na lason sa katawan ng dalaga, ngunit hindi nila alam na may iba pang dahilan ng pag-aagaw buhay ng dalaga.

"Bakit nakikita ko ang sarili ko?" Saad ng isang dalagang puno ng pagtataka ang mga mata. Sinubukan nitong hawakan ang katawan ngunit halos higupin ito ng katawang tinangka nitong hawakan.

"Hindi! Ayoko bumalik! Si Ashley? Nasaan si Ashley?" Saad nito habang humahakbang patalikod dahil sa pwersa na humihila rito pabalik sa tunay nitong katawan. Zeforah Elyseen, ang tunay na may-ari ng katawan.

"Tinatawag na rin si Ashley ng tunay niyang katawan. That girl, she's just in coma. Anytime ay maaari na siyang bumalik doon lalo na at hindi pa naman pala siya patay." Sagot ng isang babae na ngayon ay nasa harapan niya.

"Surprise eh? Don't worry they can't see us. That body is pulling both you and Ashley. It only means one thing. It's either you are the real owner or Ashley is the real one. It can't recognize who's who." Makahuluhugng saad ng babae na nakapagpataka kay Zeforah.

"A-anong ibig mong sabihin? Ayos na ako na makitang maayos ako, maayos ang katawan ko at m-mahal ng taong mahal ko. Ngayon bakit niyo ako ibabalik?! Pahihirapan niyo na naman ba ako ha?!" Puno ng hinanakit na daing ni Zeforah.

"Hindi ako, o kami ang nagpapabalik sa iyo. Ang mismong sumulat ng libro ang nagtatama ng lahat. Wala na sa daloy ang kwento at nasisira na nito ang batas sa pagitan ng tao at ng mga tauhan sa libro." Madiing saad naman ng babae.

Maya-maya pa ay isang malakas na pwersa ang tila humihila kay Zeforah pabalik sa tunay nitong katawan.

"HUWAG!" Huling sigaw nito bago maglaho.

Ang pagtunog muli sa monitor ng dalaga ang narinig na naghatid ng ginhawa sa lahat. Doon ay nagmulat na ng tuluyan ang mga mata ng dalagang hinihintay ng lahat na magising. Ngunit sino? Sino ang namamalagi sa katawan nito gayong hindi nito matukoy kung sino ang tunay na may-ari nito.

"Welcome back" Makabuluhang saad ng babae na hindi nakikita ng lahat sa silid na iyon.


A/N: Who came back? Enjoy Reading Atis! Love You All!

REBORN: Survive As A VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon