ASH/ZEFORAH POV
Badtrip! Nabutas pa yung gulong ng motor! Ang ending ito kami naghihintay ng rescue.
"Ano? Nakatawag ka na ba?" Tanong ko kay Elvi. Wala pala kasi akong cellphone, hanep na yan only child pero walang cellphone.
"Young lady, wala po akong mahanap na telephone or store malapit dito. Ilap po kasi talaga tong lugar na toh sa mga ganun" Paliwanag nito sa akin. Right, since nasa bukana na kami ng Land of Muller, expected na hindi gaanong merno ang lugar na ito. Mas focus kasi rito ang education.
"Nasa bukana nalang din naman tayo, lakarin na nati--AY PUTRAGIS KANG ANIMAL KA!" Gago tumumba ako. Kung sino ba namang hayop ang bobomba sa daan at mananagi.
"Y-YOUNG LADY! Ayos lang po ba kayo? Hala may s-sugat po tuhod niyo!" Natataranta namang sabi ni Elvi at dinaluhan ako. Napansin ko ring bumaba yung nakasagasa sa akin.
"Stupid lady. Here, get this card, that's my payment for the damages." Mistulang nagmamadali na saad nito sa akin.
"Ulol! Mas mayaman pa yata ako sayo gago!" Pabalang na sabi ko rito habang tumatayo. Sakit ng tuhod at kamay ko huhuhu
"Hala! Young Lady yung etiquette niyo po! Bawal po magmura!" Bilin sa akin ni Elvi. Oo nga pala, may paganun effect dito.
"Wala akong pakealam! Sa gago tong kaharap natin eh. Tara na! Ang daming may deputang ugali dito!" Naiirita ko pang mura. Makarma ka sana.
"Wtf? Look Lady, I didn't mean to offend you. Pero sinong tanga ang maglalakad sa mga ganitong kalsada? It's normal that I will enjoy my motorcycle ride as the road here is for that kind of thing." Ramdam ko ang pagkainis sa boses nito pero sinisikap na kumalma. Sino ba toh?
"Hoy tanga! Nakita mo yon? Naglalakad kami kasi nasiraan kami gago!" Naiinis na sabi ko rito. Pabalang ko ring inalis ang helmet ko para marinig niya ko ng mabuti. Nakalimutan ko pala tanggalin kanina.
Tinitigan ko ito ng mabuti. Mula sa kulay abo nitong mata, pointed nose, at may piercing na labi. Teka, PIERCING?! isa lang ang alam kong may piercing sa labi sa novel.
Radjier Xeloda, the multi-talented male villain. He became obsessed with the female lead the moment he saw her. He's the cause of Zefi's suffering as Zefi became a bully. Isa lang ang masasabi ko, I need to avoid him.
"A beauty hmm? Cursing looks hot on you lady." Biglaan nitong sabi nang matitigan ng husto ang mukha ko. Eme mo!
"Mama mo hot" Pambara ko rito at hinila si Elvi paalis upang maglakad na ulit. Sakit ng tuhod at kamay ko! Paika-ika tuloy ang lakad ko.
"Young lady may sugat po kayo. Manghingi na po kaya tayo ng tulong doon sa lalaki?" Mahinanong saad ni Elvi sa akin.
"Hindi na Elvi. Baka mamaya kung ano pa gawin nun satin. Baka nga imbis tulungan tayo, eh sagasaan pa tayo lalo nun--AHHHH" Sabi ko dito. Ngunit ganon na lamang ang gulat ko nang umangat ako sa ere.
"You're injured lady. Let me take you to the hospital." Napakurap ako nang iupo ako nito sa motor niya.
"A-ano ahhh NO! We can handle this, E-elvi!" Tinignan ko si Elvi, nanghihingi ng tulong. Pero mistulang natulala rin ito sa nangyari.
Ngunit halos mahulog ako sa kinauupuan nang pagtingin ko pabalik sa nasa harapan ko ay kaunti nalang ang distansiya ng mukha namin.
"I think I know you. You're the one who kept on chasing Zyril right? The one with a seductive look. You changed, you are more simple and hot at the same time." Nakangising sabi nito sa akin habang mas pinapalapit ang mukha nito sa akin.
"G-get away from me!" Tinulak ko ito nang marahan. Ngunit tanging tawa lamang ang sinagot nito sa akin. Nahinto lang ang kalokohan nito nang may bumusina sa harapan namin. At ganun na lamang ang gulat ko nang makita ko kung sino ang nasa loob nito. Bumaba ito ng sasakyan at naglakad papunta sa gawi namin.
"What are you doing here?" Nakakunot ang noong saad ni Zyril. Hindi ko inaasahan na makakasalubong ko siya, at sa ganitong sitwasyon pa.
"I'm going to enroll myself in your school. Pero nabutas yung gulong ng motor ko." Paliwanag ko rito. Nakita kong tinignan ako nito mula ulo hanggang sa huminto ang tingin nito sa tuhod kong nagdurugo.
"What did you do?" Malamig na sabi nito. Ngunit hindi para sa akin, kundi sa lalaki sa harapan ko.
"It was an accident. Don't worry, I'll take responsibility for it." Saad naman ni Rajier. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa kaya naman tinawag ko si Elvi na tahimik simula kanina.
"Elvi! Tulungan mo ko bumaba rito." Sabi ko rito na nakapagpagising naman sa kaniya. Agad-agad ako nitong dinaluhan at aalalayan na sanang bumaba nang umangat na naman ako sa ere. Tangina kota na ko sa buhat ah. Ano ako bata?!
"W-wait! Zy baba mo ako, kaya ko sarili ko." Natataranta kong sabi kay Zyril. Natakpan ko pa ang bibig ko nang nabanggit ko ang tawag ko sa kaniya nung binabasa ko pa lamang ang novel. Nakinig naman ito sa akin at binaba ako, pero sa tapat na yon ng kotse niya.
"Zy?" Nagtatakang saad nito, ngunit agad na tumikhim. Binuksan nito ang pintuan ng kotse.
"A-ano, nagkamali ka yata ng dinig hehe" Sabi ko rito at nagpeace sign pa. Napatitig naman ito sa akin at biglang dumilim ang expression nito nang makita ang kamay ko na may gasgas din. Tumalikod ito sa akin at ganun na lamang ang gulat ko nang walang pasabi nitong hinagisan ng dagger si Radjier.
"Wtf dude." Saad ni Radjier nang maiwasan ang dagger na hinagis ni Zy sa kaniya. I forgot, the novel contains action. Kaya rin ako nag-aral ng iba't ibang uri ng fighting skills dahil na-inspired ako rito. Sayang lang at hindi nagawa ni Zefi na mag-aral nito dahil pinagtuunan niya si Zy ng pansin kaysa sa pangarap niya.
"A Xeloda." Saad pa ni Zy bago muling nagbato ng mga dagger kay Radjier. Hindi ko alam kung mamamangha ako o matatakot. Parehas na mabilis ang kilos nila. Ngunit bilang mula sa Land of Perfection, nadaplisan ni Zy si Radjier sa tuhod at kamay.
"Lavigne. You just started a war between us." Madiin na saad ni Radjier. Nagsukatan pa sila ng titig nang kunwaring napadaing ako. Baka magkapatayan na sila kung hindi ako gagawa ng paraan. Na-weirduhan lang din ako dahil nagkita na sila at nag-away nang wala sa harap nila ang female lead. Sa Novel kasi unang kita ay nagrambol na sila pero dahil yon sa female lead.
"Ouch! E-elvi, come here and help me." Kunwaring sobrang nasasaktan. Though dapat nga ganito ang reaction ko dahil kita ko naman na dumudugo talaga ang tuhod ko, pero ewan ko ba rito sa katawan ni Zefi at may sa demonyo ata kaya hindi makaramdam ng sobrang sakit. I even pouted para mas convincing ang pagpapanggap ko.
"No need. We're going." Humarap ulit sa akin si Zy at binuhat ako papasok sa kotse niya. Bago pumasok ay sinulyapan ko si Radjier. Nakangisi itong tumingin sa akin at palarong sumaludo sa akin. Iniwas ko ang tingin ko rito at narinig ko pang tumawa ito bago umalis ang sinasakyan namin.
Nang malapit na kami ay saka ko lamang napagtanto na may naiwan ako.
"HALA SI ELVI! ZY NAIWAN SI ELVI!" Naiiyak na saad ko. Ang favorite maid ni Zefi, naiwan namin sa villain na yun!
A/N: New character unlocked! Enjoy Reading Atis! Love You All!
BINABASA MO ANG
REBORN: Survive As A Villain
Fiksi UmumI know that I'm reincarnated. The only problem is that... I'M REBORN AS A VILLAIN IN MY FAVORITE NOVEL! I don't hate her. In fact, majority of the readers love her! However, hindi ko pa natatapos ang libro. Ang huling chapter na nabasa ko bago maba...