CHAPTER 10 - MALE LEADS

442 25 0
                                    

ASH/ZEFORAH POV

"Uhuh so ayos lang sayo na mabuntis ng maaga pero hindi mo pwedeng ipalaglag dahil illegal?" Sabi naman nito sa akin.

"Well, kung magkasama kami sa sarap bakit hindi sa hirap? If both parties agreed f*cking without protection then they should take responsibility with it." Nakipagtitigan ako rito at nakita kong ngumisi ito.

"Intense ah"

"First time my kumalaban kay Vixsion sa recitation"

"Angas ng sagutan, di ko alam sino paniniwalaan"

"Class quiet, I'm satisfied with your answers. You may sitdown. I'm here to test this section that's why I open this subject with that question. It seems like, it will be fun teaching here." Saad nito sa amin. Saglit pa akong tumingin sa likod ko bago umupo at nakita kong nakangisi itong tumingin sa akin. Tila ba'y may nakitang nakakatuwa.

"It's fun" He mouthed and again smirked at me.

"It's fuck" I mouthed to him at inirapan ito. Nakakapanggigil ang prinsipyo nito. Then I heard a chuckle beside me.

"You're really adorable. Debating with the school's valedictorian eh?" Saad ni Pres. Ale sa akin. Siyempre ako na toh eh, pero ano raw? SCHOOL'S VALEDICTORIAN?! Ang panghuling male lead ng kwento. Vixsion Muller, the epitome of beauty and brains. Kaya pala ganon na lamang siya makipagdebate sa akin. Ang tamad pero matalinong estudyante ng MU.

"It's not a debate. A debate should not be like that." Saad ko rito habang ngumuso. Tangina ba naman, lakas mang-asar. Ako na tinatanong sumasabat pa. Narinig ko namang tumawa ang katabi ko at ginulo ang buhok ko.

Dalawa sa mga male lead ang kaklase ko. HUMSS strand kami sa pagkakaalam ko, dahil si Zyril, Dok Ark at Zero ay sa STEM. Sa pagkakaalam ko ay ABM si Kishanti at ang bestfriend nitong si Dagger. HUMSS din si Radjier ang alam ko pero ibang section nga lang siya. Kung nagtataka kayo bakit may strands din dito ay dahil yun ang gusto ng author. Since estudyante rin ang author ng novel, ni-relate niya na lamang ang kwento sa kung ano ang nasa paligid niya. Sadyang ang pangalan lamang ng mga lugar ang iniba niya pero nakabase parin daw sa Pilipinas ang mga tanawin dito.

---

Natapos ang klase namin na puro pagpapakilala at kaunting introduction sa mga pag-aaralan namin. Palabas na ako ng classroom ngayon nang may humawak sa balikat ko.

"Let's go together Ms." Nakangising sabi ni Vixsion sa akin. Tangina may sumpa ka ba Zefi at palaging lumalapit sayo mga bida ng storya?

"Sa akin siya sasabay bro, I'm in charge of touring her" Saad naman nang nasa likod nito na si Pres. Ale. Nagulat naman ako nang biglang may nagtilian sa labas ng classroom namin.

"OMG! MAY MGA POGI NA BUMISITA SA BUILDING NATIN!"

"HALA SI RADJIER BA YUN? I CAN'T TAKE THIS!"

"BEBE ARKIEL PATUROK AKO!"

Tuloy-tuloy na hiyawan ng mga tao pero bahagyang nag-alangan ito nang makita ang nasa likod ng mga lalaking mabagal na naglalakad na animo'y may hinahanap.

"S-si Zero! Ngayon ko nalang siya ulit nakita"

"Bali-balita kasi na meron siyang minamanmanan ngayon yan kaya pumapasok na"

"Ang pogi talaga kahit misteryoso!"

"Shhh baka di ka na masinagan ng araw bukas"

Bulungan lamang ng mga estudyante ang maririnig mo. Nakakapagtaka lang dahil building ng HUMSS toh pero bakit nandito yang mga yan? Dapat dun sila sa ABM. Kung kanina ay may bulungan pa nang dumating si Zero, ay nahinto ang pag-iingay ng lahat nang makitang dumating din si Zyril. Sinong hindi tatahimik kung ang sunod na tagapagmana ng kontinenteng ito na ang dadaan?

"Are you kidding me?" Hindi ko makapaniwalang saad. Seryoso? Lahat sila nandito? Oh kulang pa ng isa, yung bestfriend ni Kish.

"Hayop na yan, ayaw ko nga maki-involve sa kanila eh" Pabulong kong salita at tinakip ang bag ko sa mukha ko bago naglakad palabas ng room.

"Young Lady Elyseen wait!" Halos gusto ko na lamang lamunin ng lupa nang isigaw ni Pres. Ale ang pangalan ko. Literal na naistatwa ako sa kinatatayuan ko nang paglingon ko sa paligid ko ay napapalibutan ako ng mga male leads. PUTRAGIS BAT AKO INIIPIT NIYO RITO? Nasaan ka ba Kishanti?

"Hey, I said let's go together diba---Woah woah what brings the other strands here?" Sunod namang sabi ni Vixsion nang makalabas na rin ito ng room.

"Tangina niyo lubayan niyo ko" Saad ko at tatakbo na sana nang biglang magsalita si Zero.

"You're that woman last night. The one who likes to curse" Napatingin ako rito at nakita kong parang nag-eenjoy na nakita ako nito sa school.

"WTF?! I think your mistaken bro" Sagot ni Radjier.

"What's your business here people? I'm here to check if Young Lady Zeforah's wound is healed." Nakakunot naman ang noo ni Arkiel habang nagsasalita.

"Well, I'm here to confirm something. But seems like it's confirmed. Nice to see you again Ms. Vanilla" Nakangising saad ni Zero sa akin. Nanlaki naman ang mata ko dahil don.

"A-anu daw?"

"Ms. Vanilla daw"

"Parang ang unica hija ng Elyseen ang pinunta nilang lahat"

"Hirap pag maganda, napapalibutan din ng gwapo"

Nilapitan ako ni Zero ngunit bago pa ito mas lumapit sa akin ay pinihit ako palikod ni Pres. Ale at kasabay namang pagkwelyo ni Zyril dito.

"Tol umabsent ka nalang kaya ulit?" Pahayag ni Vixsion na siyang nakaharang din sa akin.

"WTF Lavigne" Saad naman ni Zero matapos siyang kwelyuhan ni Zy na ngayon wala nang emosyon na nakatitig sa kaniya.

"Fuck off you dick" Seryosong saad ni Zyril dito. Gago ano bang nangyayari rito? Ano ba toh, kung dahil lang din naman toh sa female lead ay bakit dito sila mag-aaway?!

"Fucking let go of me!" Saad naman ni Zero at malakas na tinulak si Zyril. Akmang susuntok na ito nang may biglang sumigaw.


A/N: Nagkita na mga dragonballs ni Zefi! Enjoy reading Atis! Love you all!





REBORN: Survive As A VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon