Yohan POV
' Tol kamusta naman ang dungeon niyo kahapon? '
' Ayos Tol, natalo namin yung BOSS dungeon kahit nahirapan kami talunin yung BOSS, tiba-tiba naman sa mga Drops item at Exp. '
' Talaga! swerte mo naman Tol, sa susunod na magdudungeon kayo sama niyo naman ako '
' Oo ba =D '
' Sis anong level muna? '
' 25 pangalang ih... ikaw sis anong level muna? '
' Level 41 na sis, meron kasing tumutulong sakin mag pa level '
' Buti ka pa Sis '
Waaahhh ano bayan OP ako sa mga classmate ko sa mga pinaguusapan nila. lahat na lang MWO (Madrigal World Online) ang pinaguusapan nila di ako makarelate T__T kainis.
Matagal kuna gusto maglaro ng MWO, isang taon narin ng mailabas ito at marami agad ang naglaro nito sa buong mundo at nagkaroon narin ng ibat-ibang server. kaso wala akong pera, masyado kasing mahal ito at wala akong kakayahan bumili nito kaya ito ako nakikinig nalang sa mga pinaguusapan nila tungkol sa MWO at minsan bumibisita ako sa Website ng MWO at nagbabasa ng mga Topic or event ng laro. kahit ganun ay ayos na sakin pero pangarap ko parin makapaglaro nun.
Mahirap lang kasi kami at kami na lang ni mama ang nagtutulungan. si mama ay isang Factory worker ako naman ay nagpapartime Job sa isang karinderya malapit sa bahay namin. wala na kasi akong papa sabi ni mama ay patay na daw siya sa hindi ko alam kung ano ang kinamatay niya, hindi naman kasi sinasabi ni mama kung ano, basta patay na daw ang tatay ko.
Malaking pagpapasalamat ko nga sa taong tumutulong sakin makapasok sa isang private school sa state university, pati allowance ko ay sagot niya. kaya kahit papaano ay nakakaluwag narin kami ni mama sa pangaraw-araw.
Oo nga pala ako si Yohan Alonzo 16 yrs old 4th year high school sa state university. loner at walang kaibigan masgusto ko kasi nagiisa at ayoko sa mga maiingay. isa akong dating NERD nung una ako makapasok sa SU isang taon narin ang nakakalipas. dati akong palakaibigan, nakikipag kwetuhan sa mga classmate ko pero ng dahil narin sa pagiging NERD ko ay napagpustahan ako at napaglaroan at niloko. sobrang kahihiyan at sakit ang naramdaman ko nun, kaya naman binago ko ang aking sarili sa pagkilos sa pananamit at lumayo sa mga tao. naputol na lang ang aking pagiisip ng dumating ang aming teacher.
* * * * * * * * * *
Alonzo House
6:30 PM
" Ma, nandito na po ako "
" Oh anak anjan kana pala, magbihis kana at kakain na tayo " utos sa akin ni mama.
" Opo ma... " sabi ko kay mama at pumasok na sa aking kwarto at nagbihis.
* * * * * * * * * *
" Anak kamusta ang school? " tanong sakin ni mama habang sumusubo ng pagkain.
" Ayos lang naman Ma, ganun parin " sabi ko sa kanya.
" Wala na bang ng bubully sayo sa school? " tanong niya ulit sakin.
" Wala. " tipid kong sagot kay mama.
" Buti naman, siya ngapala anak muntik kuna makalimutan meron ka nga palang sulat na dumating at may kasamapang maliit na box kanina lang pagdating ko kanina " sabi sakin ni mama.
" Kanino po galing ma? "
" Walang nakalagay kung kanino galing ih... oh siya siya taposin mo muna yang kinakain mo "
BINABASA MO ANG
MADRIGAL WORLD ONLINE
Science FictionHello po! Firts story ko po ito at na inspire lang ako sa mga writers at sa mga nabasa kong Enigma Online, Silver Tale Online, Traverse world Online, Eurpodioux Online, Heroes Quest Online, WindTrail Online, Another World Online, Sword Dance Online...