CHAPTER #22: Angry Athena

3.8K 157 36
                                    

Lux Pov!

" WHAT! " totoo ba ang narinig ko.

Sinasali ako ni Wiem sa kanyang Guild. Ang kinatatakutan na guild sa Firts map, sa loob ng isang buwan na magawa ang guild na to. Sobrang bilis nito na kilala at sumikat, dahil sa Guild master nito ang umano na Valley master ng Passionless valley.

Marami ang gusto sumali mga players sa Guild na AIRYGLYPH. Dahil sa yaman at impluwensya nito. Kaya nga lahat hinahangad na mapasali sa AIRYGLYPH, dahil sa kong ano ang makukuha nila dito. Pag napasali sila sa ganitong Guild.

Kaya nga ako ngayon. Hindi talaga ako makapaniwala na inaalok ako ni Wiem na sumali sa Guild niya. Grabe ibang usapan na to,ako mapapasali sa malakas na Guild. Ang Cool nun mga dude. Sino pa ba ako para tumanggi sa isang magandang alok. Sigurado ako na sobrang daming ma iinggit sakin nito. Pag kwinento ko sa kanila ang ng yari sakin ngayon.

" K-kami? S-sasali mo sa Guild mo?... " tanong ko sa kanya. Kong tama ba ang narinig ko.

" Oo! Gusto ko sumali kayo sa aming Guild. " naka ngiting sabi nito samin nila Ian at Steven.

Woah! Tama nga ang narinig ko. Sinasali niya nga ako sumali sa Guild niya Hahaha....

" SIGE! " sabay-sabay namin tatlong sagot sa inaalok samin ni Wiem.

" Salamat na tinanggap niyo ang aking alok na sumali sa AIRYGLYPH. " sabi ni Wiem.

" Uy! Dapat nga kami ang mag pasalamat sayo, sa pag-sali mo samin sa Guild mo. " sabi ni Steven.

" Oo nga naman Wiem, salamat ahh... " sang-ayon ni Ian sa sinabi ni Steven.

" Salamat! Wiem! " pasasalamat ko rin kay Wiem sa pag sali niya samin tatlo.

" Sigurado kaba Wiem na isali mo sila, baka maging pabigat lang sila satin. " sabi ni Aimlessness o Athena.

Mukang ayaw niya kami na sumali sa Guild nila. Bakit naman kaya? Kita sa muka niya ang pag-kainis samin lalo na sakin?.

Ewan ko pero ang sama ng tingin niya sakin. Meron ba ako nagawang masama sa kanya? Kong iisipin ko mabuti wala naman. Bakit naman na galit siya sakin? Dahil ba sa pag-kausap ko sa kanya. Yun ba yun kaya siya na gagalit sakin. Kong yun ang dahilan Sorry naman.

" Sigurado ako Aim!, malaki ang matutulong nila sa Guild. Trust me ok. " sagot nito kay Aim. Tsaka lumingon samin sabay ngumiti ito kaya ngumiti rin kami sa kanya.

" Fine! " mukang na pilitan lang siya. Tapos tumingin samin tatlo tsaka tinitigan kami ng masama lalo na sakin.

Na pa gulp na lang tuloy ako, grabe nakakatakot siyang tumingin lalo na pag galit siya. Ibang iba nung kahapon ko siya nakita ng umiiyak siya. Dito sobrang tapang niya at hindi iyakin o mahinang babae.

Tapos may nag POP na notification saming harapan. Ng tignan ko ito isang Guild invitation. Na inaccept  naman namin tatlo. Ayos isa na kaming AIRYGLYPH ang Cool nito.

" Ngayon dahil andito na si Wiem, simulan na natin ang meeting na dapat kahapon... " sabi ni Absalon kong tama ako.

Tumango naman silang lahat. Kami naman nila Ian at Steven ay nakatingin lang sa kanila habang nakikinig dahil wala kami alam sa kong ano ang pag-uusapan nila.

" Blake at Drake, kamusta na.ang pinapagawa ko sa inyo? " tanong ni Wiem doon sa kambal. Anong pinapagawa? Parang curious akong malaman kong ano yun.

MADRIGAL WORLD ONLINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon