CHAPTER #14: Destiny?

3.6K 180 13
                                    

Wiem POV

City of the Plume (North)

Andito ako ngayon sa North Gate ng City of the Plume, para mag Quest ng 2nd Job ko bilang Assasin. excited na nga ako mag 2nd job at kung ano ang mga katangian ng pagiging assasin eh. Alam ko at nababasa ko at tingin ng ibang player sa pagiging assasin ay mga Killer player, mga bayaran para pumatay, magnanakaw at marami pang iba.

Pero ito parin ang na pili kung maging assasin at sa tingin ko bagay ito sakin. Kahit ang tingin ng iba sa job na ito ay masama criminal. Hindi ko rin naman kasi sila masisi dahil marami rin ako na basa sa mga forum na ang karamihan na ja-jail sa larong ito ay halos puro assasin at karamihan din sa pagiging player killer ay assasin din.

Sa ngayon malapit na ako makarating kung saan ko kukunin ang Quest ko para mag 2nd Job na. Habang nag lalakad ako sa aking pupuntahan ay buti na lang at walang nakakapansin sakin dahil wala akong suot na Cloak dahil sira na ito.

Nagulat na nga lang ako nun ng mapansin ko nung nag Ol ako kinabukasan ng matapos ko ang Quest kung Hidden Quest na Ancient Tomb. Ay na pansin ko na wala akong suot na Cloak ng tignan ko ang aking inventory na gulat ako sa aking nakita.

Nakita ko ang Icon ng Cloak ko na may naka lagay na Broken at hindi lang yun pati narin ang Lightning skeletal sword, Angel sniperX, Angel Knuckle, Flower broken dagger ay sira narin buti na nga lang yung gamit ni DaDa ay hindi na sira at tanging natitira na lang na sakin ay ang Light dragon ashura's set ko at ang Magic Sword ko na Shadow moonlight sword.

Kaso ang pinagtataka ko ang Curse of Death katana ay biglang na wala. Kahit anong hanap ko sa inventory ko ay hindi ko parin ito mahanap kahit ilang beses kuna tinignan ang inventory ko ay wala parin. Diko nga alam kung pano yun ng yari, pano na wala na lang yun basta basta kung hindi ko pa naman yun nilalabas sa aking inventory na makuha ko yun nung araw na yun at wala rin ako matandaan na drinop ko ito. Kaya nga ng hihinayang talaga ako ng mawala yun eh ng hindi kuna ito nakita sa inventory ko sayang.

Pero meron parin ma ilan-ilan na player na tumitingin sakin ang karamihan sa mga ito mga babae at pag napapansin ko na lalapit sila sakin ay binibilisan ko talaga mag lakad. At sa tingin ko alam kuna kung bakit lalapitan ako ng mga yun kundi ang mag pa Cute. Hahaha ang hangin ko talaga peace tayo mga pre.

Buti na nga lang kahit wala na akong suot na Cloak ay mataas parin ang Hiding stats ko dahil narin sa mga gamit ko na may additonal Hinding stats at na ilagay ko rin yung ibang skill point ko dito. Kaya hindi parin nila makikita ang info ko at stats ko na OP kahit malaki ang binaba nito dahil narin sa mga nasirang gamit ko.

Speaking of Ancient Tomb di niyo papala alam kung ano ang ng yari sa loob nun kaya naman mag Flashback tayo Hihi...

Flashback!

Ilanng minuto narin ako naglalakad dito sa Ancient tomb at hanggang ngayon ay hindi ko parin nakikita si Fairy maiden GuGu. Hindi talaga ako nagkakamali sa aking iniisip sa Ancient Tomb na ito ng makita ko pa lang ito sa labas. Sobrang laki kasi ng Ancient tomb na ito at sobrang kumplikado kung maglalakad lakad ka dito baka maligaw ka dahil sobrang daming pasikot sikot dito sa Ancient Tomb. At ang daming secret door kaya talagang maliligaw ka dito at baka hindi kana makalabas dahil hindi pwede gamitin ang Teleport stone sa loob.

Sa tingin ko naman hindi ako naliligaw dahil nung pumasok ako dito yung ilaw na nag bibigay liwanag sa Ancient Tomb ay yun ang aking sinusundan at mukang ito ang magdadala sakin kung saan ko makikita si Fairy maiden GuGu kaya patuloy parin ako sa pag sunod sa ilaw na ito.

MADRIGAL WORLD ONLINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon