Yohan POV
" Ma! ito nga pala oh " abot ko ng pera kay mama sa sahod ko. saturday kasi ngayon at nag didinner na kami ngayon, kakauwi ko pa lang kasi galing sa karinderya.
" Hindi na anak meron pa naman ako natitira, kaya iyo na ito pang gastos mo " balik sakin ng pera ni mama kaso hindi ko tinanggap at inabot ko ulit sa kanya.
" Ma, iyo talaga yan tsaka meron pa akong natitirang allowance at kasya pa ito ng isang linggo " sabi ko kay mama at sumubo ulit ng kinakain ko.
Kaya wala nang nagawa si mama kundi tanggapin yung pera. ng matapos na kami kumain ay nag prisinta na ako na ang mag huhugas ng pinag kainan namin. kaso siya na daw at mag pahinga na daw ako dahil pagod daw ako galing sa trabaho kaya sinunod ko na lang siya tsaka umakyat na ng aking kwarto.
Nasa loob na ako ng aking kwarto naka higa sa kama ko nagbabasa sa site at forum ng MWO sa MPDE ko. halos lahat ng nababasa ko ay tungkol doon sa New map at sa mga new weapon etc. at usap-usapan din kung sino yung Valley Master. mukang kailangan kuna yata mag ingat ah hindi na maganda na makita ako ng ibang player tsk. hirap naman nito, dati hindi ako pwede makahalubilo sa ibang player dahil sa aking abillity na gumamit ng ibat ibang weapon. ngayon naman dahil sa Valley master ako hayss... ano ba naman ito gusto ko rin naman maka kilala ng ibang players kaso hindi rin kasi pwede baka ito pa ang ikagulo ng paglalaro ko ng MWO. kaya hindi ko hahayaan mangyari yun.
Kaya humiga na ako sa kama ko saka binigkas ang katagang iyon para maka pasok na ako sa loob ng laro.
" Link Start! "
* * * * * * * * * * *
Pag mulat ko ng aking mata ay nasa Passionless palace na ako kung saan ako dati huling nag log-out. ilang sandali ay may nag Pop-up sa VS ko kaya tinignan ko ito, ng laki ang mata ko sa aking nakita hindi ako maka paniwala na ito ang tumambad sakin.
~ Passionless Palace income
Blacksmith: 13,826 Gold
Tailor: 8,382 Gold
Alchemist: 7,827 Gold
Merchant: 6,435
Inn: 4,789 Gold
Players: 4,890 Gold
Gate: 24,780
---------------------------
Total gained: 66,030 GoldWhat the F! Totoo ba ito sa loob lang ng isang araw ay ito na ang kinita ng Passionless palace o ako bilang Valley master. wow kung ganito ganito palagi araw-araw ang makukuha ko ay sigurado na pwede na ako mag pa tayo ng isang city hnmmm... mukang maganda yun ahhh hihihi (^__^)
pinindot kuna ang 'X' saka nag lakad na hindi pa ako ganun nakakalayo ng lakad ay may sumigaw sa likod ko kaya naman napa tingin ako dito.
Pag harap ko sa aking likod ay tumambad sakin ang tumalon sa harapan kong si Da Da na yumakap saking leeg. hindi ko na pag handaan ang ginawa niya na yun kaya naman na out of balance ako kaya bumagsak ako ng pa upo at si Da Da ay naka yakap parin sakin. natawa na lang ako sa ng yari na yun.
" Papa! bumalik kana na miss kita " masayang sabi sakin ni Da Da habang naka yakap parin sakin.
" Hihihi, ako rin na miss din kita " sagot ko sa kanya sabay gulo sa buhok niya " Kamusta naman dito, habang wala ako " dagdag kupa.
" Ok naman ang lahat Papa, may nakuha na tayong mga blacksmith at tailor na gagawa ng sandata at armor, sa kwadra naman at sa pagtatakbuhan ng mga kabayo papa ay ok ang lahat, may mga trabahador na tayong nakuha " sabi sakin ni Da Da habang naka yakap parin. kaya tumayo na ako na karga karga siya na pangbata. para tuloy ako nitong tatay na may anak na cute na batang babae na ubod ng lambing hihihi... sana kung mag kakaroon ako ng anak sa hinaharap sana ay katulad ni Da Da.
BINABASA MO ANG
MADRIGAL WORLD ONLINE
Science FictionHello po! Firts story ko po ito at na inspire lang ako sa mga writers at sa mga nabasa kong Enigma Online, Silver Tale Online, Traverse world Online, Eurpodioux Online, Heroes Quest Online, WindTrail Online, Another World Online, Sword Dance Online...