KABANATA 2

12.2K 502 139
                                    

Kabanata 2

Mad

"Simple lang ang hiningi ko sa'yo, Taki."

Umalingawngaw ang sigaw ni tita Karin sa buong sala. Nasa harapan namin siya ni Taki, habang pareho kaming nakaupo sa sofa.

Nakatayo sa harapan namin si tita Karin at galit na galit. Sinubukan kong ipaliwanag ang nangyari sa kaniya na hindi mapapagalitan si Taki pero umuwi siya galing sa opisina para pagsabihan ang anak.

Wala akong contact number ni tita Karin kaya tinawagan ko si tita Apple kanina para sana humingi ng tulong. Kukunin ko lang sana ang address pero tinawagan niya si tita Karin.

Nalaman niya ang nangyari. Sinundo ako ng driver nila kanina. Nagulat ako nang makita ko ang ginang na galit habang nasa likod niya naman si Taki na nakakunot ang noo.

"Why would you leave Arlo alone?! Paano kung may nangyari masama sa kaniya? Huh?"

"May binili lang ako, Mom. Hindi ko intensiyon na iwanan siya doon. Bumalik ako..." malalim na sabi ni Taki, pinipigilan ang inis. Sumulyap siya sa akin.

"When I got back, siya itong hindi ko na makita."

"Nagpaalam ka ba sa kaniya? Sana man lang ay nagsabi ka kay Arlo bago ka umalis."

"Tita Karin, ayos lang po." singit ko. Napansin ko kasi na namumula siya. Talagang galit na galit siya sa nangyari.

Tumayo si Taki sa pagkakaupo. "Hindi naman na bata iyan, Mom. Kaya na niya ang sarili niya. Tingnan mo nga oh. Nakauwi pa dito."

Iyon ang sinabi niya bago tuloy-tuloy na naglakad palabas ng bahay. Sinundan ko ng tingin si Taki palabas ng bahay. Mabibigat ang bawat paghakbang niya kaya na-guilty ako.

Sabi niya, binalikan niya ako don. Kasalanan ko na umalis ako don at hindi na muna nag-antay ng kaunti. Pinagalitan na naman tuloy siya dahil sa akin.

Tinawag siya ni tita Karin at akmang susundan pa ito nang malakas itong napa-buntong hininga at tumigil. Umiling-iling itong tumingin sa akin.

Tumayo na din ako para lapitan siya. "Tita... Huwag po kayong magalit kay Taki. Kasalanan ko naman po talaga... Hindi ko po kasi siya inantay sa store."

She licked her lips. Punong puno ng disappointment ang kaniyang mga mata. Bagsak ang balikat.

"No, Arlo. Kailangan niyang pagsabihan dahil kapag pinabayaan ko ang ginawa niya sa'yo may chance na uulitin niya."

Nasa kwarto lamang ako buong araw. Nagpaalam ulit sa akin si tita Karin na babalik siya sa opisina. Mabuti nga daw at walang meeting kanina kaya nakauwi siya.

Nahihiya naman ako sa nangyaring katangahan ko kanina. Pangalawang beses na iyon nangyari.

Tumatakbo sa isip ko na baka mas lalong nagalit si Taki sa akin. Wala na talagang chance na maging magkaibigan kami.

Talaga bang binalikan niya ako kanina? Nag-antay ako ng thirty minutes sa kaniya. Sana pala ay ginawa ko nang isang oras. Napagalitan pa tuloy siya nang dahil sa akin.

Nakatanaw ako sa pool sa baba nang marinig ko ang ring ng cellphone ko. Pumasok ako sa loob ng kwarto at kinuha ang phone ko na nasa kama. Sinagot ko ang tawag ni tita Apple nang makita ko ang pangalan niya.

"Arlo? Kamusta ka? Nakauwi ka na ba?" puno ng pag-aalala ang tono niya.

"Ayos naman ako, tita. Nakauwi na po ako. Sinundo ako ng driver ni tita Karin." nakangiti kong sabi. Pinakita ko pa iyon sa screen para hindi na siya mag-alala.

If The Shoe Fits (Coquette Boys Series #1)Where stories live. Discover now