KABANATA 44

12.5K 422 153
                                    

Kabanata 44

Caught

"Arlo!!"

Nagulat ako nang makita ang mga kaibigan ko sa pub ni Miles. Yumapos si Yzza sa'kin. Muntik na kaming matumba sa ginawa niya. Sumunod si Danica at Chelsie na parehong may dalang drinks.

Inopen ni Miles ang pub ngayong gabi. Hindi lang kami ngayon ang nandito kaya madaming tao. May nakita akong mga pamilyar na mukha sa taga-school lang din namin.

Hindi ko pa nakikita si Miles at ang mga barkada ni Taki.

"Nasaan si Taki? Hindi mo kasama?" tanong ni Chelsie.

"Hindi e. Susunod nalang daw. May inaayos pa."

Tinanong ko sa kanila kung nasaan si Miles. Ganoon din ang sagot nila, hindi nila alam. Ngumisi ako nang makita si Destin sa table na para sa amin. Lumapit kami sa kaniya.

"Kumusta ka, Arlo?" He asked.

Kumunot ang noo ko. "Ayos ka lang? Bakit ang tamlay mo?"

He bit his lips and shook his head. "Pagod lang. Galing kasi akong trabaho bago pumunta dito."

Matagal ko pa siyang tinitigan para kompirmahin kung nagsasabi siya ng totoo. Ngumiti siya sa'kin at tinanguan ako.

Bumalik ang tingin ko sa alon ng mga tao. Ngayon ko lang nakita na madaming tao sa pub ni Miles. Kapag nagpapa-inom siya, sinisigurado niyang sirado ang pub para ma-enjoy namin ang mga inomin.

Lumaki ang ngiti sa labi ko nang makita si Reign at Zeno sa stage, kumakanta. I saw girls taking photos of them. Hinanap ko pa ang iba. Tumaas ang kilay ko nang makita si North sa tabi ni Leigh. Tahimik na nakaupo at nakikinig sa mga sinasabi ni Leigh sa mga kausap nilang babae.

"Moderate lang daw sa'yo sabi ni Taki. Potchang 'yan! Chinat pa ako na bantayan ka." sabi ni Chelsie sa'kin. "Pupunta ba 'yon dito?"

"Pupunta 'yon." sabi ko. Nilingon ko ulit si Destin na matamlay pa rin.

Inabot ko na ang braso niya. Nilingon niya ako at tinaasan ako ng kilay. Nilapat ko ang palad ko sa noo niya.

"Ayos lang 'yan!" natatawang sabi ni Chelsie sa tabi ko.

"Sabay na tayo mag-enroll ha. Ako gagawa ng sched ko. Ayaw ko ng may 8 am class ako." sabi ni Yzza.

"Ako rin! Potcha kinaya ko nalang talaga last sem." si Danica.

Sinilip ko silang dalawa. "Akala ko second year lang daw ang pwede? Pwede ba sa'tin?"

"Pwede naman! Sabi ng kakilala ko."

Tumango ako. Pwede kong i-adjust ang sched ko. Kukuha ako ng part time job ngayong sem para hindi mabigat sa bulsa nila tita ang allowance ko. Madaming gamit ang kailangan kaya kahit diskartehan ko nalang ang allowance ko.

Nag-inoman kaming lima don. Padami nang padami ang mga tao. Napatingin ako kay Destin nang maubos niya ang isang bote nang siya lang at kukuha pa siya ng bago. Anong nangyari dito?

"Nandito na si Gabe! Nakita namin kanina. Kaso parang wala sa mood." si Chelsie.

"Minsan ko nalang 'yan makita. Palaging umuuwi sa kanila."

"Tanga! May inaayos nga raw. Baka mahirap? Bakit kapag umuuwi dito, palaging badtrip?"

"Iba ngayon! Galit talaga, Chelsie."

Naka-ilang bote na kami nang maisipan namin na pumunta sa may stage at makipag-sabayan sa mga kumakanta don. Hinila ko si Destin pero natatawa niya lang akong tinanggihan. Hinayaan ko na siya nang ako na ang hinila ng mga girls.

If The Shoe Fits (Coquette Boys Series #1)Where stories live. Discover now