KABANATA 12

11.2K 485 125
                                    

Kabanata 12

Glare

Tinapik ni Yzza ang balikat ko. Tumigil ako sa pagbabasa at tumingin sa kaniya. Bigla niyang pinaharap sa akin ang phone niya kaya napatingin din ako don.

"Ang sweet nila." kinikilig niyang sabi.

Hindi ko pa nakikita masyado nang abutin ni Danica ang kamay ni Yzza para tingnan din iyon.

"Grabe! Tagal din inantay ni Taki 'to. Diba kapag tinatanong siya kung sino ang type niya na babae sa live si Sofia ang dini-describe niya."

Bumaba ang tingin ko sa binabasa ko at mas lalong natahimik. Pumasok sa isip ko ang matamlay na mukha ni Taki at ang mahigpit niyang yakap sa akin. Ilang gabi din akong hindi pinatulog pagkatapos non.

Pumayag akong pagdating nalang ni tita Karin ako lilipat. Hindi dahil sa sinabi nila 'yon sa akin. It's because I saw his face that day.

"E ikaw, Arlo? Kailan mo ba liligawan si Odette? Sa kabilang school lang siya pero napapadalas ang bisita sa'yo dito ah." siniko ako ni Chelsie at ngumisi ng nakakaloko.

Tinulak ko siya palayo sa akin at umiling. "Magkaibigan lang kami."

"Asus! Nahiya ka pa samin." inakbayan niya ako. Bumagsak ang balikat ko at wala nang nagawa. "Kahit magkakaklase tayo, ikaw pa din ang bunso dito. Huwag ka na mahiya samin."

Umangat ang tingin namin kay Danica na napasinghap, sinapo pa ang bibig niya. "Don't tell me... Si Daphne ba ang gusto mo?!"

Namilog ang mga mata ni Yzza at napalingon sa akin. Sinamaan ko sila ng tingin. Tinanggal ko ang braso ni Chelsie sakin.

"Mga kaibigan ko nga lang sila. Tulad niyo." madiin kong sabi.

Umayos ng pagkakaupo si Chelsie at tiningnan ako ng seryoso. Tumikhim ako at umayos ng pagkakaupo. Muli kong sinulyapan ang picture na nasa screen ni Yzza.

Pagkatapos ng nangyari, naging mas napalapit silang dalawa. As he should... right? Pero bakit imbes na matuwa... Kinakain ako ng hinayang.

"Kung ganon, ano ang type mo?" tanong sakin ni Chelsie. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang naging seryoso ang mukha nang itanong niya iyon.

"Ay mali... Sino ang gusto mo?"

Mariin akong napalunok. Mabilis na pumasok sa isip ko ang mukha ni Taki. Kasabay ng pagka-interes nila Yzza at Danica sa sagot ko ay siya din na nagwala ang dibdib ko sa sagot na pumasok sa isip ko.

"Imposibleng wala! Palagi kang kasama sa mga gala nila Miles diba? Madaming babae ang pinapakilala sa'yo."

Tinaasan ako ni Chelsie bago pinakawalan ang mahina niyang tawa. "Iba ang gusto ni Arlo."

Kumunot ang noo nung dalawa. Mas lalo nilang tinanong sakin kung sino ang gusto ko. Nagpapalipas lang kami ng oras dito sa library ng oras dahil mamaya pa ang subject namin na NSTP. Binabasa ko 'yong pdf na isinend sa gc namin.

"Malapit na pala laro nila, diba? Manonood ka ba, Arlo?" tanong ni Yzza nang lumabas na kami sa library.

"Hindi ko alam. Kung hindi busy tsaka kung i-invite, bakit hindi?"

"Mas pino-problema ko 'yong gastos sa pambili ng t-square tsaka sci-cal." naiiyak na sabi ni Chelsie. "Sasali na naman ako nito kay Destin sa pagli-live selling."

Nilingon ko siya. "Destin?"

"Ahh, oo. Kasama ko sa boarding house. Siya 'yong tutor na sinuggest ko kay Kent." aniya.

"Lalaki? May kasama kang lalaki sa room mo?"

Hinampas ni Chelsie si Danica sa braso at tumawa. "Mas maganda pa 'yon sakin." aniya at sinulyapan ako.

If The Shoe Fits (Coquette Boys Series #1)Where stories live. Discover now