KABANATA 39

8K 408 90
                                    

Kabanata 39

Yes

"What do you mean you quit?" kinakabahan kong tanong.

His eyes were weak and tired. He tried reaching for my hand. "Three days without receiving any response from you, I already made up my mind. I talked to Ryu... Hindi ako makakalaro sa second game namin."

"You're insane! Hindi mo dapat ginawa 'yon, Taki! Iniwan mo sa ere ang mga kasama mo don! Nababaliw ka na ba?!" galit kong bulyaw sa kaniya.

Sa loob ng tatlong araw na 'yon, nakalipat na ako sa boarding house ko at nakauwi na dito sa amin. Tatlong araw lang 'yon. Sinapo ko ang bibig ko at hinilamos ang palad sa mukha ko sa sobrang frustration.

"You're not answering my calls! Tinawagan ko si Mom, sinabi niyang umalis ka na sa bahay... Ano gusto mong isipin ko non?" mahinahon niyang sabi.

Ramdam ko rin ang gigil niya pero pinipigilan niya ang sarili niya na tumaas ang boses. Ilang beses siyang lumunok para lang magpigil.

"Tinawagan ko si Miles kung saan ka lumipat, that spoiled brat won't spit a word. What do you want me to do, Arlo? Umalis ako dito na maayos tayong dalawa..."

"Tinapos mo na sana ang laro mo don! Bakit ba hindi ka nag-iisip, Taki?! Inaayos ko na nga ang problema mo dito habang wala ka!" Sa galit ko hindi ko na naisip ang sinabi ko.

Tumaas-baba ang dibdib ko sa galit. Nanggilid na rin ang luha ko. Unti-unting nagsalubong ang kilay niya.

"Problema? Anong problema, Arlo?" madiin niyang tanong.

He's lost. Hindi niya alam ang tinutukoy ko. Umiwas ako ng tingin. Humigpit ang hawak niya sa siko ko at pilit akong pinapaharap sa kaniya.

"What are you talking about? What problem? Is this the reason why you left our house?" hinawakan niya ako sa balikat ko at pinaharap sa kaniya.

"May hawak si Sofia na picture natin..." I licked my lips. "Ilalabas niya 'yon kapag hindi ako sumunod sa favor na hinihingi niya."

"What favor?" He scowled.

Nagkatinginan kaming dalawa. Hindi ko na kailangan sagutin dahil alam kong alam niya ang tinutukoy ko. Muli siyang napamura.

"You said you wanted to tell them the truth after your game. I want to help you. Sa'yo dapat manggaling 'yon, hindi sa kung sino. I'm sorry, I'm too weak. Iyon lang ang naisip kong paraan para hindi ilabas ni Sofia ang picture natin."

"Bukod don, may isa pang taong gusto kang siraan..." umangat ang tingin ko sa kaniya. "Siya ang nag-send ng picture natin kay Sofia. Hinahanap na siya ngayon ni Miles."

Palipat-lipat ang tingin ni Taki sa mga mata ko. He watched me with his pained eyes. The hint of guilt in his eyes tugged my heart. It was painful to watch.

"You could've told me, Arlo..." he bit his lips when his voice quivered. "I'm sorry, baby. Inisip mo pa ang lahat nang 'to." marahan niyang sabi.

I couldn't control my tears. Sa lambing ng tono niya, isa-isang tumulo ang luha ko. Mabilis niya ang niyakap. Ibinaon ko ang mukha ko sa balikat niya at umiyak. Marahan niyang hinaplos ang ulo ko.

"Thank you, Arlo. I'm sorry for the burden." he whispered.

"Hindi... Hindi mo naman kailangan mag-quit sa team niyo, Taki. Hindi naman kita iiwan e. Inaantay kita... Inaantay..."

He nodded his head.

"Palagi kong iniisip ang tungkol sa inyo ni Sofia. Kasalanan ko rin naman kasi pinilit ko siya na bigyan ka ng chance. She likes you. She wants you back..."

If The Shoe Fits (Coquette Boys Series #1)Where stories live. Discover now