S I M U L A

25K 520 173
                                    

Simula

"Ayos na ba ang mga gamit mo?"

Nakangiti kong tinanguan si tita Apple. Halos hindi ako makatulog kagabi. Last week pa akong excited at mas naging doble ang saya ko ngayon.

Nakangiti niya akong pinagmasdan. Tapos ko nang ilagay sa tricycle ang mga gamit ko. Papasikat palang ang araw at kailangan ko nang pumunta sa terminal para sumakay ng bus papuntang pier.

"Mag-iingat ka don." nakita ko ang pagkibot ng kaniyang labi at ang pagpipigil ng luha.

"Tita..." lumapit ako sa kaniya at mahigpit siyang niyakap.

Nag-usap na kami kagabi. Ibinilin niya sa akin ang mga dapat kong gawin at mga bawal. Hindi siya natigil sa pag-iyak kaya nag-expect ako na hindi na siya iiyak ngayon.

"Sira ka. Napuwing lang ako. Sige na. Isang oras pa ang byahe mo papuntang terminal kaya mas mabuting maaga kang umalis dito."

Ngumuso ako. "Paano ako aalis kung umiiyak ka dito?"

Inirapan niya ako. Pinunasan niya ang luha sa kaniyang pisngi at huminga ng malalim.

"Kainis ka naman kasi e. Bakit ba lumaki ka pa? Parang kailan lang... Karga-karga pa kita." at muli siyang umiyak.

Ngumiwi ako. Kahit si tito Erman na asawa niya ay hindi maipinta ang mukha. Siya ang maghahatid sa akin sa terminal. Hindi makakasama si tita Apple kahit pa gusto niya dahil walang magbabantay sa tindahan niya at sa nag-iisa nilang anak.

"Huwag kang maingay, Apple. Natutulog pa ang anak mo. Kapag 'yon nagising, mas lalong hindi makakaalis ang pamangkin mo." saway nito.

Suminghot-singhot si tita Apple at pinakalma ang sarili. Kinuha niya ang kamay ko at pinisil iyon. Malamig ang simoy ng hangin dito sa probinsiya, idagdag pa na hindi pa sumisikat ang araw.

Napangiti ako. Her warm hands calmed me.

"Mag-iingat ka doon, Arlo. Naiintindihan mo ba?"

Tumango ako sa kaniya. "Opo, tita."

"Kumain ka sa tamang oras. Kahit pa tambakan ka ng mga school works mo, huwag mong kakalimutan kumain."

"Opo, tita." natatawa kong sabi.

"Uminom din palagi ng tubig. Huwag kang magpapapagod, okay? Huwag magpuyat."

"Opo. Nasabi mo na 'yan sakin kagabi."

"Pinapaalala ko lang!" huminga siya ng malalim at tumango. "Sige na. Umalis na kayo. Nasa bag mo ang hinanda kong baon mo sa barko. May pocket money ka naman diyan, kung gusto mo bumili ng makakain mo sa barko--"

"Tita," pigil ko sa kaniya. "Alam ko na po ang gagawin. Huwag na po kayo mag-alala."

Umawang ang kaniyang labi. Kahit madilim pa ay nakikita ko ang kislap ng luha sa kaniyang mga mata.

"Hayaan mo na si Arlo, Apple." lumapit sa akin si tito Erman at tinapik ang balikat ko. "Malaki na ang panganay natin."

Natawa ako. Bumalik sa alaala ko ang pagkupkop nilang dalawa sa akin no'ng araw na iniwan ako pareho ng mga magulang ako.

Wala akong masyadong matandaan sa kanila pero alam kong hindi sila naging maayos na magulang sa akin.

Sigawan. Dilim. Malamig.

Iyon lang ang naalala ko. Maliit palang ako nang iwan nila akong mag-isa sa bahay namin. Parehong nagsawa. Sinong hindi?

Hirap na hirap kami sa buhay at... mag-aalaga sila ng batang masakitin? Mas lalo lang hihirap ang buhay nila pareho non.

If The Shoe Fits (Coquette Boys Series #1)Where stories live. Discover now