Kabanata 29
Date
Ngayon alam ko na kung bakit palagi siyang nagkukulong. Hindi siya galit kay tita Karin. Kahit naman ako, kung malaman kong hindi ako anak ng inakala kong pamilya, sa ganoong edad ko pa nalaman... hindi ko rin alam kung ano ang gagawin.
Umalis ang mga ate niya simula nang malaman niyang anak siya sa ibang babae. Tinanggap siya ni tita Karin kahit pa na anak siya ng babaeng nagwasak sa mommy niya.
He's blaming himself. Lahat ng iniisip niya, sa rason niyang iyon bumabagsak. Ngayon... gustong makipagkita ng totoo niyang mama.
Pinisil ko ang kamay ko at bumuntong-hininga. Simula nang iwan ako ng pareho kong mga magulang, hindi ko na rin sila hinanap. May tumanggap sa akin at nag-alaga.
Pero kung sakaling gusto nila--kahit isa sa kanila na gusto akong makita... Papayag siguro ako agad. Ganon ako kahina e. And that thought will make my tita Apple hurt. Nang patuluyin nila ako sa bahay nila noon, palagi niya nang sinusumpa sila mama at papa.
Hindi niya na gustong bumalik pa sila. Binilin niya pa sa akin noon na huwag ko na silang kilalanin bilang mga magulang ko. They didn't deserve to have me.
I was a lock to their marriage they both didn't want. Kaya parehong nagpabaya sa responsibilidad nila.
Kung ganoon ang mararamdaman ni tita Apple kapag ginawa ko 'yon, ganon din si tita Karin. Siya ang kinalalang mommy ni Taki. To let him know his real mom is heartbreaking.
Nag-aabang kaming apat sa elevator. Maingay silang tatlo, pinag-uusapan ang huling exam namin. Gumawi ang tingin ko sa hagdan nang marinig na may papaakyat don.
Umawang ang labi ko nang makita si Taki. Nagkatinginan kaming dalawa. He tilted his head and smirked. Hindi siya kaagad nakita ng mga kaibigan ko.
Namilog ang mga mata ko nang maalala ang sinabi niya sa akin kagabi. Nawala na naman sa isip ko. Kaya ba siya nandito? Wala naman akong natanggap na message sa kaniya kaya hindi ko rin naisip na ngayon namin gagawin 'yon.
"Ay shet. Nandito si Taki." si Yzza.
Tumigil siya sa harapan namin, hindi tinatanggal ang tingin sa akin.
"Sinusundo mo na naman si Arlo?"
Tumango siya. "Oo."
"Sayang! Pupunta pa sana kami sa mall. Kakatapos lang ng exam namin e." si Danica na nakakapit sa braso ni Chelsie.
Binalingan ko ng tingin si Taki na sa iba nakatingin, sinundan ko kung ano 'yon. Umangat ang kilay ko nang minamata niya pala ang kamay ko.
"Bilin din ba ng mommy mo ang sunduin lagi si Arlo? Nababanas na ako sa inyo ni Kent ha." natatawang sabi ni Yzza.
Kinakabahan akong tumingin sa kaniya. Inantay ko na magbago ang nagtatakang mukha ni Yzza.
"Buti nga nakakatipid 'yong dalawa sa pamasahe e." si Chelsie. "Ganyan din ako no'ng may boyfriend pa ako. Libre ako sa pamasahe."
"Hindi naman sila magboyfriend!" I shifted my weight when Yzza said it. "Si Arlo, okay pa kasi iisang bahay naman sila ni Taki pero si Destin? May sweldo na nga, sinusundo pa ni Kent."
"Wala naman problema don. Alam mo Yzza, kung wala kang pamasahe pauwi bibigyan kita."
"Galing talaga sa'yo 'yan, Chelsie."
Madami nang nagtataka. Hindi lang silang dalawa ni Danica ang nagtatanong. Nababasa ko ang ilang mga comment sa socmed ni Taki. Tinatanong na nila kung ano na ang nangyari sa kanila ni Sofia.
![](https://img.wattpad.com/cover/365692107-288-k26667.jpg)
YOU ARE READING
If The Shoe Fits (Coquette Boys Series #1)
Fiksi UmumCoquette Boys Series #1 : If The Shoe Fits And if ever the shoe fits, would they both brave enough to wear it? Started: 03 | 29 | 2024 Ended: