KABANATA 16

9.8K 454 157
                                    

Kabanata 16

Autograph

Bumaba ako ng hagdan pagkatapos kong magbihis. Wala nang ilaw sa sala nang bumaba ako. Nahanap ko si Taki sa gilid ng pool. Pinagmasdan ko ang kaniyang likod. Gumaan ang pakiramdam ko kahit papaano nang dumating ako kanina.

Nabawasan ang mga iniisip ko buong araw nang marinig kong inantay niya pala ako. Naalala ko nung una naming pagkakilala... iniwan niya ako don sa mall at ako ang nag-antay.

Lumapit ako sa kaniya at tahimik na umupo din sa gilid ng pool. Nakababad ang paa niya sa tubig samantalang nag-indian sit naman ako sa tabi niya.

Bumaba ang tingin ko sa dalawang banana milk na nasa gitna namin. Suot ko ang maluwang kong puting t-shirt at ang P.E. uniform ko no'ng grade 12 ako. Hindi naman na iyon magagamit kaya ipapambahay ko nalang.

Inantay kong siya ang maunang magsalita sa amin. Nasa likod niya ang dalawang kamay, nakasuporta sa katawan niya habang nakatingala sa langit. Ang presko niyang tingnan ngayon. Kahit papaano ay humuhupa ang kabang naramdaman ko buong araw.

"Wala kang sasabihin?" bigla niyang salita.

"Huh?"

Sumulyap siya sakin ng ilang sandali bago bumalik ulit sa tinitingnan niya. "Did I scared you? Hindi ka sumama sakin papunta sa celebration nila Miles and you also blocked me on messenger?"

"Inunblock na kita." agap ko kaagad sa huling tanong niya.

Kumunot ang kaniyang noo. Pinasadahan ng mata ko ang tangos ng ilong niya. My lips parted. Bumaba ang tingin ko sa leeg niya. Umiwas ako ng tingin nang makita ko siyang lumunok at gumalaw ang adam's apple niya.

"Uh-huh? And what about that you also unfollowed me on Instagram, Arlo?" He smiled with no trace of humor in his face.

Itinikom ko ang bibig. Ginawa ko nga iyon pero hindi ko alam na mapapansin niya din pala iyon. Madaming naka-follow sa kaniya. Isa pa, dalawa lang naman kami ni Sofia ang fina-follow niya... Tiningnan niya din pala 'yon.

"Sorry. Akala ko kasi..."

Pinagtaasan niya ako ng kilay. "Hmm? Akala mo ano?"

Umiwas ako ng tingin. Ibinalik ko ang tingin sa tubig. Wala ba siyang sasabihin? Hindi ba siya magtatanong sakin? I gritted my teeth. Naiinis ako dahil hindi ako mapakali buong araw sa dahilan na nakita niya 'yong libro, pero heto siya at tinatanong kung bakit ko siya inunfollow?

Gamer si Taki, siguro ay hindi na bago sa kaniya ang mga ganon? Bukas ang isip niya sa mga ganon lalo na sa panahon ngayon... Ganon ba? Wala akong maisip na sagot kung bakit ang kalmado niya ngayon.

O talagang nag-isip lang ako ng malala?

Siya pa 'tong nagtanong kung natakot ako. Sa tingin ko nga ay ako dapat ang magtatanong sa kaniya non.

"Tungkol don sa manga book na nakita ko. Sa'yo ba 'yon?" tanong niya.

Umiling ako. "Sa kaibigan ko 'yon... hiniram-- pinahiram lang sakin."

Matagal siyang tumitig sakin. May gusto siyang sabihin sakin, I could tell.

His lips parted. His eyes are really fascinating. Hindi ko matagalan ang tingin sa kaniya. Pakiramdam ko... sa likod ng mga matang 'yon, may mga salitang gustong makawala.

"Then, may I ask this, Arlo? Are you interested in boys?" he asked, warily.

Ang katahimikan sa paligid namin ay nakatulong sakin kahit papaano na intindihin ang mga iniisip ko nitong mga nakaraang araw. Ang tanong niyang iyon ang iniisip ko simula pa sa una.

If The Shoe Fits (Coquette Boys Series #1)Where stories live. Discover now