Kabanata 13
Red
Inilapag ko sa harapan niya ang isang papel. Dinampot niya iyon at isa-isang binasa. Bumaling ang tingin ko sa entrance ng restaurant kung saan kami kumakain ngayon.
Nahihiya ako dahil talagang ibinigay ko sa kaniya ang listahan na matagal niya nang hinihingi. Natagalan pa nga ako kanina. Sinigurado kong sampu lang iyon para hindi madami. Ang iba don ay dati ko nang gustong kainin.
"Pagkain lahat?" umangat ang tingin niya sa akin.
"Huh?"
Dinala niya ako dito sa eat all you can na samgyupsal. Nasa unahan ang mga meat at ang ibang side dishes, unli drinks din.
Binaliktad ko ang niluluto kong karne bago siya tiningnan.
"What about things that you like?" nakakunot noong tanong niya. "'Yong laptop na tinitingnan niyo kanina. May nagustuhan ka ba don?"
Tumawa ako. "Huwag na 'yon! Kaya ko 'yon pag-iponan."
Isa lang ang nasisigurado ko ngayon... I like him. Hindi bilang kaibigan kundi higit pa don. Nung nakauwi ako kanina sa bahay, halos guluhin ko na ang buhok ko kakaisip kung paano ko siya nagustuhan.
Imposibleng may ganon sa loob ng ilang araw na naging mag-close kami. I admire Taki so much. Siguro dahil sa estado ng buhay niya tsaka dahil na din siguro sa sikat siya.
"You sure?"
Tumango ako. Madami siyang kinuha na mga meat at iba pang putahe. Excited pa naman ako kanina papunta dito para kumain. Malakas naman ako kumain e. Dalawa lang kasi kami ni Nero kaya pinapabayaan kaming kumain nila tita Apple at tito Erman.
Kaso lang sa dami ng kinuha ni Taki at sunod-sunod niyang pabalik-balik sa pagkuha, hindi ko alam kung pano uubusin ang lahat ng iyon.
"Ahh, thank you pala sa pa-libre mo ngayon." nakangiti kong sabi sa kaniya.
Tumango siya sakin. "No probs. Tsaka matagal ko na talagang gusto na i-libre ka. Ito 'yong bayad ko sa pagpapapayag mo kay Sofia na i-chat ako."
Nabitin ang ngiti sa labi ko sa narinig. Bumaba ang tingin ko sa niluluto kong karne. Tahimik akong tumango. Ramdam ko ang pagbagsak ng balikat ko at ang kakaibang nararamdaman.
"Ikaw, Arlo?" he asked.
"Hmm?"
Sumingkit ang mga mata niya sa akin. "Hindi ba may mga pinakilala si Leigh sa'yo? Anyare?"
"Sila Odette? Ahh, kaibigan ko lang mga 'yon." walang gana kong sagot.
"E don sa tatlong babae na kasama mo?" muli akong umiling. Hindi ko alam kung bakit hindi ko gustong sumagot sa mga tanong niyang 'yon.
Tumaas ang kilay niya. "Really? Araw-araw mong kasama ang mga 'yon ah. Imposibleng wala."
"Wala naman talaga."
He scoffed. "Baka may magawa din ako."
Ngumiwi ako. Talagang hindi na nagugustuhan kung saan papunta ang usapan.
"I mean... You helped me with Sofia so maybe I can help you too. May nagugustuhan ka ba? Sino?"
Masama ko siyang tiningnan. "Hindi naman porket tinulungan kita sa kaniya, gagawin mo na din pabalik. Tsaka... wala akong gusto kay Odette o kila Yzza. They are just my friends."
He shrugged his shoulders. "Okay? Pero kapag may nagustuhan ka, just tell me."
Oh really, huh? Naiiling akong bumalik sa pagkain. Tahimik na ako nang matapos kaming dalawa. Ayaw kong isipin na nilibre niya lang ako para pambawi sa ginawa ko sa kanila ni Sofia kahit pa na iyon naman talaga ang dahilan.
YOU ARE READING
If The Shoe Fits (Coquette Boys Series #1)
General FictionCoquette Boys Series #1 : If The Shoe Fits And if ever the shoe fits, would they both brave enough to wear it? Started: 03 | 29 | 2024 Ended: