KABANATA 8

8K 309 35
                                    

Kabanata 8

Together

"Tanginang ngiti 'yan. Nanalo ka ba sa loto, pare?"

Sabay-sabay kaming napatingin kay Taki na malaki ang ngiti sa labi habang kanina pa nagtitipa sa screen ng phone niya. Kaharap ko si Odette, kanina pa kami nag-uusap pero 'ni isang sinasabi niya walang pumapasok sa isip ko.

Kanina pa siya inaasar ng grupo nang sabihin niya sa lahat na nag-reply si Sofia sa kaniya. Bumaba ang tingin ko sa hawak kong red cup. Pang-pito ko na na baso 'yon kaya ititigil ko na.

Nararamdaman ko na din kasing nahihilo na ang paningin ko. Hindi pa nakakatulong ang malakas na pa-music ni Cyrus.

"Don't disturb him, Enzo. Two years niya 'yan inantay." sabi ni Miles na nasa tabi ni Gabe. Nakangisi at may hawak din na alak. "All thanks to Arlo. 'Yong two years mo naging two weeks lang nung nilakad ka niya."

Ngumisi si Taki at muli akong inakbayan. His manly perfume lingered in my nose. I can still taste the alcohol and the effect of it but his scent somehow made me back to my senses.

Ngumisi ako at umiling.

"Ilakad mo nga din ako sa crush ko, Arlo." si Gabe. Pare-pareho na kaming namumungay ang mga mata.

"Madami nagkakagusto sa'yo sa school. May mga girls na nagtatanong sakin kung single ka." sabi naman ni Zeno na nasa sahig nakaupo.

"Sorry. But Arlo's mine." singit ni Odette sa tabi ko at ngumuso. Nagkatinginan kaming dalawa.

Tumawa si Reign. "Pretty boy din kasi e. Hindi nga ako nagtaka na napansin agad siya ni Sofia. Type non mga soft tsaka... matinong lalaki."

Kaagad na nag-react ang nakaakbay sa akin. "Hindi ako matino, ganon?"

"Baka kasi ayaw sa'yo ni Sofia kasi Hapon ka tas gamer ka pa. Akala non nanonood ka ng porn gabi-gabi."

Lumayo si Taki palayo sakin at mabilis na binato ang hawak niyang red cup na walang laman kay Leigh. Tumawa naman 'to ng malakas nang hindi siya natamaan.

Nagsimulang sumayaw sina Leigh, Zeno, Gabe at Kent sa gitna habang may kasayaw na mga babae. Nanatili ako sa upuan ko kasama si Odette, nagku-kwentuhan habang umiinom.

Ikaw ang laman ng passenger seat, empty road 4-seater
Para meron tayong space sa likod
Ating sulitin ang hamog
Magsisilbi na taklob

Kumunot ang noo ko kung paano gilingan ni Gabe at Zeno ang isa't isa habang tinatawanan naman sila ng iba naming kasama. Sumama sina Cyrus at Enzo.

"Gusto ko lang ng umalma," kanta ni Leigh na malaki ang ngisi sa labi.

"Ahh! Ahh!" sabay pa nila sa kanta. "More! More!"

Habang kulob, patayin mo na ang makina, yeah
Nang uminit pa, maakit ka, nah

"Fuck me harder!" sigaw nila sa gitna at lumakas ba ang tawanan nila.

Umiwas na ako ng tingin nang makita kong hinalikan ni Gabe ang babaeng hawak niya. Nakita ko si Miles sa may counter na mag-isang umiinom habang nasa amin ang tingin.

Tumagal pa kami lahat don. Isa-isang nagsialisan ang mga girls na hinatid naman ng mga boys. Tumayo ako sa pagkakaupo sa sofa at inihatid sila Odette sa parking lot.

Hawak ko ang braso at baywang niya para alalayan siya papunta don.

"Arlo... Message me, okay?" aniya nang ipasok ko siya sa backseat ng kotse ni Reign.

Tumango ako habang inaayos ang upo niya don. Napangiwi ako nang bigla niyang ipulupot ang mga braso sa leeg ko.

"You smell so sweet, Arlo." she murmured.

If The Shoe Fits (Coquette Boys Series #1)Where stories live. Discover now