Kabanata 3
Flutter
He, definitely, does not want me around. It added him more fuel to hate me. He was so upset and it made me so bothered about it. I watched Taki walk his way out of the crowd.
I sighed. The image of me being his friend was totally crashed into pieces.
Hindi ko alam na gusto niya pala si Sofia. Tsaka kakakilala palang naman namin, I didn't know it was a big deal to him. If only I know...
"Don't mind him, Arlo. Ganon talaga yon kapag tinopak." nakangiting sabi ni Miles sa akin.
Hindi iyon nakatulong, sa totoo lang. Days passed by... mas lalong nagsungit sa akin si Taki. Kahit sa bahay ay sinasamaan niya ako ng tingin.
I understand though. I want to respect him so I tried to avoid him too, just like what he wanted. Malaki ang campus pero masyadong maliit iyon sa amin, lalo na't sikat pala sila.
Naririnig ko ang mga pangalan nila sa mga kaklase ko. Namangha pa ako nung una. Naiintindihan ko na kahit papaano kung bakit ayaw makipag-kaibigan sa akin ni Taki.
I am nothing compared to him.
Umangat ang tingin ko sa kaniya. Nakaupo si Taki sa harapan ko. Ngayon lang siya sumabay sa pagkain namin. Pinatawag siya kanina ni tita Karin at pinababa para sumabay.
"It will take a couple of month." si tita Karin.
She wants us to eat dinner together para sabihin na aalis siya ng bansa. Nakakunot ang noo niya habang pinagmamasdan kami ni Taki na tahimik na nakikinig sa kaniya.
Couple of month? Ganon katagal?
"What is it? Why are you, guys, so quiet?"
Taki sighed. "It's fine, mom."
"Sinasamahan mo naman ba si Arlo sa school, Taki?"
"Kailangan pa ba 'yon, mom?"
Mabilis na sumimangot si tita Karin. "Wala pang kaibigan si Arlo. Pwede mo siyang isama sa mga lakad niyo, son."
"Ayos lang, tita." sabi ko.
She watched us both. Pareho kaming nakatingin ni Taki sa pinggan namin at hindi nagsasalita. This never happened... well... Hindi naman sumasabay kumain sa amin si Taki palagi kaya kung ganito na hindi kami nagpapansinan, sa tingin ko ay ayos lang.
Maybe because tita Karin thinks that we're getting along with each other just like what she hopefully said to me. But it was totally the opposite. Ayaw ni Taki sa akin.
"I will be gone for months, boys." she sighed. May kung anong inaasahan na gawin namin sa loob ng buwan na mawawala siya dito sa bahay.
"Taki... Be good to Arlo, okay? Ikaw ang mas nakakatanda. Don't intimidate him." bilin ni tita Karin.
Pabagsak akong humiga sa kama ko. Diretso ang tingin ko sa kisame at malalim na nag-isip.
Gusto ni tita Karin na maging magkaibigan kami ni Taki pero ayaw naman sa akin ng anak niya. Kahit naman ako gusto ko maging kaibigan si Taki. Even though he looks overwhelming for no reason.
He just seem fun to be with. And he's surrounded by cool people so...
May mga kaibigan naman ako sa probinsiya. Madali lang naman ako pakisamahan e. Lahat ng mga kaklase ko, wala naman naging problema sa akin.
Pumikit ako ng mariin. Siguro ay nag-iwan lang talaga ako ng pangit na impresyon kay Taki nung una namin na pagkikita.
"Mag-iingat kayo dito, okay?"
YOU ARE READING
If The Shoe Fits (Coquette Boys Series #1)
General FictionCoquette Boys Series #1 : If The Shoe Fits And if ever the shoe fits, would they both brave enough to wear it? Started: 03 | 29 | 2024 Ended: