Kabanata 40
Morning
It's real. It's so real.
Kami na talaga. Ilang kurap na ang ginawa ko pero hindi pa rin ako makatulog. Sinulyapan ko si Nero sa kabilang kama na mahimbing na ang tulog.
Ngayon na kaming dalawa na... Anong sasabihin ko kila tita? Sa mommy niya? I pouted my lips. Sa mga kaibigan niya?
Umayos ako nang pagkakahiga. Taki said I shouldn't worry things like this. He's right. I easily got overwhelmed so it's better to give all my attention to him rather than drowning myself over things that I shouldn't worry about.
Ayaw niyang kausapin ko si Miles. Silang dalawa na ngayon ang nag-uusap tungkol sa ginawa nila Bernard.
Inabot ko ang unan ko at niyapos 'yon. Hindi na ata ako makakatulog. Taki made all his way here pagkatapos ng tatlong araw na walang contact sa'kin. Ngayon ko lang na-realize.
Walang kwenta ang paglayo ko sa kaniya, kung ganon. Alam na alam niya kung paano ako hanapin. He will make sure to find me.
It will be a big slap to Sofia, then? Hindi dapat ako ang sinabihan niya na lumayo. Kung ganitong sunod nang sunod si Taki kung nasaan ako. Ngumisi ako nang maisip 'yon. Bakit ako nagyayabang?
Ilang minuto na ang lumipas, hindi pa rin ako nakakatulog. Bumangon ako sa pagkakahiga at maingat na lumabas ng kwarto namin ni Nero. Wala nang ingay nang lumabas ako at patay na ang mga ilaw.
All I hear was the sound of crickets. Tulog na kaya si Taki? Gusto ko siyang puntahan sa kwarto niya pero baka natutulog na 'yon. Iistorbuhin ko pa ang tulog niya dahil hindi lang ako makatulog?
Tumambay ako sa labas ng bahay. Nang maramdaman ko ang malamig na hangin, ilang minuto palang akong nakaupo don tinamaan na agad ako ng antok. I stayed there for another five minutes before deciding to go back.
Tatayo na sana ako nang makita ko ang pagbukas ng pinto sa gilid ko. Lumabas don si Taki. Nagulat kaming dalawa. His eyes widened when he saw me, so do I.
His lips formed a smirk. "Why are you here?" mahina niyang sabi.
Tumabi siya sa'kin sa pagkakaupo. His arms immediately snaked around me. He pulled me towards him for a warm and tight hug.
"Nagpapahangin lang," alangan naman sabihin ko na hindi ako makatulog dahil kaming dalawa na?
"Ikaw? Bakit ka lumabas?"
He groaned against my neck. "I couldn't sleep."
"Bakit? Malamok ba sa kwarto mo?"
"No. I was thinking about you." malalim niyang sabi.
My heart skipped a beat. It was too cringe to say that but it really did skip a beat. Hindi na matanggal ang ngiti sa labi ko. I felt the tip of his nose on my neck and then he gave me a feathery kiss.
Pareho lang naman pala kaming dalawa.
"I couldn't even close my eyes. I was blaming you for being unfair."
Kumunot ang noo ko. Sinubukan ko siyang silipin pero hindi talaga nagpatinag sa pwesto niya.
"Unfair? Anong ginawa ko sa'yo?" Natatawa kong sabi.
Mas lalong humigpit ang yakap niya dahil sa tawa ko. "Akala ko mahimbing na ang tulog mo samantalang hindi ako makatulog." paninisi niya.
"Anong kinalaman ko don kung hindi ka makatulog?" hindi pa rin humuhupa ang tawa ko.
Niyugyog niya ang katawan ko habang nakayakap siya sa'kin. Naramdaman ko pa ang kagat niya sa balikat ko. Mabilis ko siyang tinulak palayo. Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi pa rin kayang itago ang nakangiti kong mukha.
YOU ARE READING
If The Shoe Fits (Coquette Boys Series #1)
Ficción GeneralCoquette Boys Series #1 : If The Shoe Fits And if ever the shoe fits, would they both brave enough to wear it? Started: 03 | 29 | 2024 Ended: