Stella pov.
Nasa fake prison kami ngayong dalawa. Parang tangang naka posas sa isat isa. Hindi ko nalang siya pinansin at naupo nalang sa bakanteng upuan loob.
"Miss.." tawag niya saakin tyaka umusog papalapit saakin.
Napahinga nalang ako nang malalim at tumingin sakanya ,but suddenly her face is so close to me kaya halos mahalikan ko na siya.
"Gusto mo kiss miss?" ilalapit na niya sana ang mukha niya saakin pero agad kong hinarang ang palad ko sa noo niya.
"Stop , you're so annoying." suway ko sakanya at tyaka tinulak ang balikat niya.
"Ayy.." she muttered.
"We're in public you should act normal , not because I told you na gusto kita ay gagawin mo na lahat ng gusto mo." i didn't watch my words , and her face turned into serious face.
"Opo." maikling sagot niya tyaka medyo lumayo saakin at tanging mga kamay nalang namin ang magkalapit.
Ilang minuto pa kaming naging tahimik hanggang sa binuksan na rin nila. Tinanggal na nila ang posas sa kamay naming dalawa at nang matanggal na ay nauna na ng maglakad si raven at hindi na halos nagpaalam saakin.
I tried to call her name pero baka makuha ko ang atensyon ng mga taong nasa paligid ko.
Sumunod nalang ako sa pinuntahan niya but she's too fast.
Huminto siya sa harap ng faculty na halos walang taong dumaraan. I called her name to ask her why is she acting like that.
"Raven."tawag ko saka at agad naman siyang humarap at ngumiti saakin.
"Tama ka miss , we should know our limits here in school. " nakikita ko ang pagkadismaya sa mukha niya.
Mukhang mali ako nang nasabi , i should watch ng words. She's too soft.
"Raven.."Tawag ko ulit sakanya pero mapait na ngiti ang sinagot niya saakin.
She tilt her head at tinapik pa ang balikat ko.
"Don't worry miss , we like each other lang naman eh. Siguro we admire each other lang. Don't worry miss , lalayo ako sayo kapag nasa school tayo. Hindi ako magiging feeling close kapag nasa school tayo. I promise." she said while smiling at me.
"Raven no-"
"Good bye miss , pupunta na ako sa booth namin. Salamat sa time po , salamat din sa panonood mo sa laro ko kanina." hindi na niya akong hinintay na magsalita at agad na niya akong tinalikuran.
Alam kong medyo nadismaya ko siya sa sinabi ko , siguro naging pakipot lang ako dahil na rin alam kong gusto niya ako at kapag sinabi ko yon. akala ko kukulitin pa rin niya ako pero mukhang mali ako nang akala.
Galit siya sakin , o nagtatampo na siya dahil sa sinabi ko.
Napahinga nalang ako nang malalim at pinanood siyang umalis. She's walking slowly at ayaw nang lumingon saakin , im guilty.
Raven pov.
Habang naglalakad papalayo sakanya ay natawa nalang ako dahil sa pagtulo nang luha ko.
"Ang iyakin raven ah." sambit ko nalang sa sarili ko at pinunasan ang luha ko.
Tama naman si miss eh , dapat maging pormal ako satwing nasa school kami.
"Wag ka kasing pasaway at maging makulit sakanya raven." bulong ko pa ulit sa sarili ko.
Pero tangina yung luha ko , tuloy tuloy pa rin sa pag-tulo. Someone hugged me and i hug this person back. Cause I need someone.
BINABASA MO ANG
My Everyday Life With You
SonstigesDate Started: September 21 , 2023 I didn't lose you,you lost me and you will search for me in everyone you're with and i won't be found baby. And now you're just a stranger with all my secrets. -Raven Rei