Chapter 37

3.1K 84 11
                                    

Raven pov.

As a 2nd year college at sa Nolwenn parin nag-aaral ay hindi na bago sa pakiramdam na makasalamuha ko ang ibang estudyante.

Pero may mga freshmen na bagong pasok kaya may mga bagong mukha akong nakikita sa paligid ko.

Hindi pa man ako nakakarating sa loob ng school ay bungad na saakin ang mukha nung tatlong unggoy kasama ang pinsan at kapatid nila.

Magkatabi si Aqua at Harith na mukhang nagbabangayan na naman dahil sa pagkain na dala ni Jay.

"Anghel!" sigaw ni jiro at kumaway pa saakin.

Lumingon din si bea kasabay ni Aquilo at ngumiti saakin.

Patakbo akong pumunta sakanila at unang unang niyakap si bea.

"Namiss kita Raven." she hugged me tightly.

Nakiyakap din si Aquilo at Jiro pero mabilis na tinulak sila ni Bea.

"Ano ba , bakit ka ba nanunulak?" tanong ni Jiro.

"Hindi kayo kasali sa moment naming dalawa. Tsyaka maraming mata si Miss Hilary, kayo rin baka matamaan kayo ng bala." tumingin lang sila ng masama kay bea at siya naman ay niyakap ulit ako.

"Oo na , tama ka na. Tama na yan , papasok na tayo." suway ni Aquilo.

"Ate Raven , alam mo ang ganda mo. Iniisip ko na agad yung pag-aaral ko nang mabuti para kapag napangasawa kita , sure yung buhay natin in the future." Ani Harith at napahawak sa kamay ko.

"Ang landi , can you remove your hand to her? Nadudumihan kasi si ate raven , baka hindi ko na siya hawakan kasi hinawakan mo." irap ni aqua sakanya.

"Are you jealous?" Harith asked.

"Nanay mo jealous, kahit ikaw nalang natitirang mukhang kangkong dito sa mundo hindi kita magugustuhan. And FYI , mas maganda pa tignan yung kangkong kesa sayo!" sigaw ni Aqua sakanya.

"Si Harith kangkong , si Aqua ay si Josh Mojica." walang emosyong sabi ni Jay.

Natapos din ang bangayan nila nang humiwalay na sila saamin. Ibang block din ang pinuntahan ni Aquilo kaya tatlo nalang kami.

"Kamusta naman ang buhay kasama si Miss?"tanong ni Jiro saakin.

"Ayos lang naman , medyo nakakahinga pa ng maluwag. Tanggap kami ni papa eh." tugon ko sakanya.

"Eh yung pamilya niya?" bigla akong natahimik sa tanong ulit ni Jiro dahil kapag naaalala ko ang pamilya ni miss ay nahihiya akong aminin na ako ang dahilan kung bakit nila tinakwil si miss.

"Tanong ka nang tanong Jiro." irap ni Bea sakanya.

"Actually, hindi. Sa sobrang pagka-ayaw nila.... tinakwil nila si miss." sagot ko na agad naman nilang kinabigla. mga oa.

"Grabe , mga homo. Buti nalang maraming napundar si miss no?" tumango nalang ako sa sinabi ni Bea.

Nang makarating kami sa block namin ay namili na agad ako ng uupuan , as my girlfriend says. Malayo sa mga di ko kilala , kaya sa tabi ako ni Bea as always.

My Everyday Life With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon