Chapter 46

3.1K 82 14
                                    

STELLA POV.

N

asa harapan ako ngayon ng bahay niya, hinihintay siyang dumating. Wala pa kasing tao at mukhang wala naman siyang kasambahay para magbukas ng gate niya.

Ilang oras na akong naghihintay dito pero wala pa rin siya. Pero maghihintay pa rin ako kahit ilang araw o oras pa, hihintayin ko siya.

May biglang parating na sasakyan at mukhang siya na nga iyon. Pagkababa ng isang babae at may hawak na bata ay agad akong nanghina.

May anak ba siya? Akala ko ba wala pa rin siyang kasintahan, sino yung bata? May nakalimutan bang sabihin saakin si Tita Raizen?

Lalapit ba ako?

Nagaalanganin pa rin ako kung lalapit ba ako o hindi. Natatakot ako na baka ayaw na niya akong makita, pero ayos lang.

Ang mahalaga, makita at malapitan ko ulit siya. Itaboy man niya ako o saktan, tatanggapin ko.

Dahan dahan akong lumapit saw pwesto nila, may kasama rin siyang lalaki at siya na ang may hawak sa bata.

"Raven." tawag ko sakanya, agad siyang lumingon saakin.

Ang maliwanag na ngiti niya kanina ay napalitan ng gulat at galit.

"How are you?" tanong ko sakanya pero hindi siya nagsalita bagkus ay tinignan lang niya ako. "Patawarin mo ako—"

"Bakit ka nandito?" tanong niya saakin, ngumiti ako at astang yayakapin sana siya pero mabilis siyang lumayo.

"Gusto ko kitang makita—"

"Talaga, pagkatapos mong umalis at iniwan akong walang pakundangan?" tanong niya saakin.

Napayuko nalang ako at pinipigilan na umiyak. Ayokong umiyak sa harapan niya.

"May rason ako kung bakit ako umalis raven." she chuckled.

"May rason, bakit hindi mo saakin yang rason na yan para naman alam ko?" she asked while smirking.

"I'm sorry."

"It's fine, ayos naman na ako eh. Pero masaya akong makita ka, pero sana wag ka ng bumalik dito. Ayaw na kitang makita pa ulit. Kahit kailan, ayaw na ayaw ko nang makita ang mukha mo." she said.

Ramdam ko ang sugat na iniwan ko sakanya, kaya hindi na ako magtataka kung hindi niya ako mapatawad.

"Raven, patawarin mo ko." umiling siya.

"Ayaw na ayaw ko nang maramdaman ang presensya mo, ayaw na ayaw ko nang marinig ang pangalan mo kaya please lang. Umalis ka na at huwag na huwag ka ng magpapakita ulit saakin."

"Raven, please magpapaliwanag ako. Sasabihin ko lahat sayo kung bakit ako umalis. Please just give me a chance to explain."

Lumuhod ako sa harapan niya at humawak sa mga kamay niya na pinipilit niyang tanggalin sa kamay ko.

"Ayoko ng marinig lahat nang kasinungalingan mo, ayoko na sayo. Ayoko na lahat ng tungkol sayo kaya please lang stella. Tapos na tayo, tapos na ako." umiling ako.

Aalis na sana siya pero mabilis akong tumayo at niyakap ang kaniyang likuran.

I don't want to let her go again. Ayoko na mawala siya saakin.

"Raven, nakulong ako. Ayoko na sabihin sayo dahil ayokong malaman mo pa." she doesn't respond.

"Umalis ka na." dahil na rin sa panghihina ko ay hindi ko na nagawang pigilan siya.

My Everyday Life With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon