Chapter 42

2.8K 93 47
                                    

Raven point of view*/

Nasa hospital ako ngayon, katatapos ng operasyon kanina. And it's success, always naman eh. 

"Doktora, yung patient 306 pakidalaw daw. Tignan mo raw kung kakayanin pa yon ng operasyon, nasa leave ngayon si Doctor Villa eh." bungad saakin ni Kalil, kaya tumango nalang ako at mabilis na dumiretso papunta roon.

"Nasa iyo ba yung paper nung bata?"tanong ko sakanya kaya mabilis lang naman niyang binigay saakin.

"Eto po." He handed me the paper.

Tinignan ko ng maigi at may tumor yung patient, he's also an 12 years old.

Nakarating na ako sa room ng bata, I saw her smiling when I enter her room. She's with her lola, i immediately familiarized the face of the girl.

She's so pretty.

"Hi Paulo, I'm Doctor Raven." pagpapakilala ko pa sakanya.

"Hi po doc ganda."ngumiti ako at hinaplos ang buhok niya. "Doc, mamamatay na ba ako?" tanong niya bigla saakin na kina-bigla ko.

"No, of course not." sagot ko sakanya.

"Mabuti naman doc, ayoko pa mamatay eh. Gusto ko pang bigyan ng magandang buhay si lola, lalabanan ko itong sakit ko para mamuhay pa ako ng matagal." He said while hugging his tiny bear.

"Tutulungan kita gumaling Paulo, do you trust me?" tumango siya at niyakap ako.

"Opo doktora, salamat sa pagbibigay saakin ng lakas nang loob. Dati, ayoko na mabuhay kasi nahihirapan na ako. Pero nakita ko si lola na nagkakandarapa na maipagamot ako, kaya nabigyan ako ng dahilan na lumaban ulit." tumango ako at niyakap siya.

"Alam mo Paulo, ikaw din eh. Binigyan mo ng rason para mabuhay ulit, kasi katulad mo rin ako na dumating sa puntong ayaw ko ng mabuhay. Pero marami palang rason para mabuhay pa."sagot ko sakanya.

Pagkalabas ko sa kwartong 'yon, bigla akong naawa sa bata. Gustong gusto niyang mabuhay para sa lola niya, pero ako gusto nang mamatay para di maramdaman ang sakit na dinulot saakin ng mundo.


Naaalala ko na naman siya.

"Doktora!!" sigaw ng kung sino galing sa likuran ko.

Si Kuya, kasama yung asawa niya at anak nila na mukhang bagong injection.

"Kuya." yumakap ako sakaniya at nagbeso naman ako kay ate Yna.

"Dumaan kami sa office mo kaso wala ka roon, pinabakunahan namin si Baby Angel eh." saad niya kaya tumango naman ako.

"Buti naisipan niyong umuwi sa bahay, miss na kayo ni papa e." sabi ko sakanila at agad naman silang natawa.

"Eh itong Ate Yna mo kala mo naman maghahanap pa ako ng iba, balak namin magpakasal sa susunod na linggo eh. May naayos kaming wedding pala, siyempre sa bahay gaganapin." Ani kuya kaya mas na excite ako.

"Talaga? O my gosh , congrats kuya!" yumakap ulit ako sakaniya at kay ate Yna.

"Eh siyempre, gusto ko ikaw ang bridesmaid ko e." sambit ni ate yna.

My Everyday Life With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon