Prologue

20K 292 29
                                    

Raven Rei point of view//

Mahilig ako sa mga DIY na design. Lahat ata ng pinapasa kong activity o portfolio sa school ay laging mga DIY na design. Gustong gusto ko kasi mag-glue at mag-gunting gunting ng mga colored paper kaya dumating sa punto na pinagawan na ako ni papa ng isang study room kung saan nandon na lahat ng kailangan ko.

"Rei rei anak! Baba na,nakahanda na ang hapunan!"mabilis kong inayos ang mga gamit ko sa table at ang mga sticky notes na spare ko ay dinikit sa bulletin board na nasa harapan ng mesa ko.

"Opo papa, nandiyan na."

I'm Raven Angel Rei,half chinese si papa kaya naman ganon ang apilyedo niya. Si mama naman ay matagal ng patay dahil sa dahilang hindi ko naman alam. Basta sabi ni papa , complicated eh. Siguro nasa 10 years old palang ako non.

18 na ako ngayon at first year college na ngayong pasukan. Nagtake ako ng nursing dahil yun talaga ang gusto ko sa buhay.

Nang nasa hospital si mama,marami akong nakikitang ibang nurse na parang ang cool tignan pag may inaasikaso at ginagamot e.

"Tawagin mo na rin ang kuya Gelo mo,maghapon na naman yang babad sa cellphone." Hindi na ako sumagot bagkus ay tumungo na ako sa kwarto ni kuya at kumatok.

"Bukas yan."agad ko namang binuksan ang pinto at bumungad saakin ang kakaibang amoy.

"Kadiri ka kuya,ang baho ng kwarto mo!"sigaw ko sakanya.

Nagkalat ang mga balat ng chichirya na pinagkainan niya at ang baho pa ata ng hinihigaan niyang kama na may mga puti pa. Feel ko laway niya yon.

"Linisin mo nga maganda kong kapatid."natatawang sabi nito at binaba ang telepono niya.

"Ayoko nga,kain na raw sabi ni papa."mabilis akong umalis sa kwarto niya dahil hindi ko talaga kaya ang air nature ni kuya roon.

Ewan ko kung sariling pabango yun ni kuya.

"Pa,bababa na raw si kuya."nauna na akong umupo sa hapag habang si papa ay tinatanggal ang gloves tyaka umupo na rin sa hapag.

"Anong ulam pa?"tanong ni kuya gelo bago umupo.

"Bakit di mo nalang tignan?"natawa nalang ako sa sinabi ni papa habang si kuya ay masama ang tingin.

"Samahan mo bukas tong kapatid mamili ng mga gamit niya sa pasukan at inaasahan ko rin na ikaw ang mag-aalaga sakanya sa University na papasukan niya."I bite my lower lips at nagulat sa ginawa ni kuya. Ginulo niya ang buhok ko kaya agad ko siyang pinalo.

"Aalagaan ko po ang baby na to papa."

"Dapat lang,mumultuhin ka ng nanay mo kapag  pinabayaan mo yan."tinaasan ko lang sila ng kilay dahil sa mga pinagsasabi niyang dalawa.

"Hindi na po ako bata para alagaan pa."nakapout na sabi ko.

"Anong hindi na bata? Naalala mo ba last month na umiyak ka dahil sa lalake na ginawan mo ng paper tulips flower tapos nireject ka?"masama kong tinignan si kuya habang si papa ay tawang tawa.

"Iniyakan mo pala yung mukhang paa na yon nak?"Isa pa si papa e.

"Oo na,iniiyakan ko na lahat."

"Kumain na nga kayo,at ayusin niyo na ang mga uniform niyo."sabay kaming tumango ni kuya at nagpatuloy sa pagkain.


Stella point of view//

"Fuck can you please leave me alone first? May trabaho pa ako oh!"sigaw ko dahil sa batang nasa harapan ko ngayon.

"My gosh Stella, pati ba naman bata pinapatulan mo ha? Huwag mong isali sa kairresponsable ng buhay mo ang anak ko."suway ni ate sophia at binuhat si Philo paalis ng Sala.

Napahawak nalang ako sa sintido dahil nasigawan ko na naman ang pamangkin ko.

"Pinaiyak mo na naman ang pamangkin mo Stella,what happen to you?"tanong naman ni mommy na ngayon ay masamang nakatingin saakin.

"Hayaan mo na yang anak mo Stephanie,saan pa ba yan  magmamana kundi sayo diba?"umiling nalang si mommy habang nakatingin saakin.

"Bakit mo naman kasi sinigawan si Philo? Kung sa kwarto ka sana nagta-trabaho ng mga papel na yan diba?"mabilis kong pinulot ang mga papel sa table at naiinis na umalis sa Sala.

"Where are you going Stella?"habol na tanong saakin ni papa pero di ako sumagot.

"Let her Diego,hayaan mo siya sa mga gusto niyang gawin sa buhay. Malaki na siya."rinig ko pang gatol ni Mommy kay papa.

Mabilis kong pinaandar ang kotse ko at pinatakbo ng mabilis.

Laging ganon ang trato saakin sa bahay. They're always see my mistakes but they can't see my worth. Even my favorite food,my favorite place. They don't know.

Nanginginig pa ang mga kamay kong nagmamaneho at ang mga luha ko'y nagsimula ng tumulo.

Kung nabubuhay pa si Lola,may kakampi ako eh. Pero iniwan na rin niya ako.

My phone rang at agad kong kinapa yon sa likuran ng sasakyan. Doon ko pala naibato kanina nung paalis ako sa bahay kasama ang mga papeles na dala ko.

"Shit,sino ba to?"lumingon muna ako sa daan at tyaka lumingon din agad sa backseat para kunin ang cellphone ko. "I got it."

Pagkalingon sa daan ay hindi ko na naapakan ang preno at tuluyan ko na ngang nabangga ang nasa harapan ko.

"Omg!"

Napapikit nalang ako sa nangyari at mas nanginig pa ako.

I opened my eyes and i saw the girl lying on the street with her blood.

"Oh god. This can't be." I murmured.

Mabilis ko siyang nilapitan at dinala sa sasakyan ko para dalhin sa hospital. I drove my car as far as i can.

"M-mama."rinig ko pang sambit ng babaeng nabangga ko.

"L-lord im not a religious person,but please...heal her and help her."naiiyak na sabi ko habang nagmamaneho.

Pagkadating sa Hospital ay agad kaming sinalubong ng mga nurse at doctor to revive her.

"What happened?"tanong ng isang doctor at agad na sinuri ang babae.

"Car accident." I answered.

"Raven.." sambit ng doctor at napaatras sa babae.

"Doc!"sigaw ng mga nurse na kasama niya.

"Ang anak ko."he screamed at agad na pinasok sa ER.

But did i heard it right? Anak? Oh my gosh.

A/N:

My Everyday Life With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon