Prologue

189 3 0
                                    


Inaasahan mo bang makakita rin ng isang totoong mga bampira na kung tawagin ay myth sa kasalukuyang panahon? Pano kung bigyan ka ng pagkakataong makikita nito ngunit, sa isang iglap ay mababago ang takbo ng buhay mo?

Magiging maganda paba ang takbo ng buhay mo?

“Doc kailangan kana po sa OR , inaatake nanaman ang batang dinala kanina.” wika ng nurse kay professor hance.

Agad naman tumayo ang doctor at inihanda ang mga kakailanganin.

“Pakisabi sa kanila ay magsama ng dalawa pang surgeon at umpisahan na ang operation.” wika nito sa malamig na pamamaraan ng boses.

“Copy , doc.” wika naman ng nurse saka umalis at lumabas ng opisina ng professor.

Isa sa mga tinaguriang pinakamagaling na doctor si professor hance. Madami ang taong may gusto sa kanya dahil sa angking galing sa pagoopera.

Lolo nya rin ang may ari ng hospital na pinagt-trabahuhan nya kaya naman halos lahat ng kilos sa loob ng hospital ay sa kanya nakatoka.

Bukod sa aking kakisigan ng binata ay matalinos rin ito , mayaman subalit ubod ng suplado at sungit. Kaya mas lalong madaming babae ang nagkakandarapa na magkagusto sa isang tulad nya.

*******

SA KABILANG BANDA naman, merong isang dalagitang normal lang ang pamumuhay hindi tulad ni hance.

Nasa 3rd year college sya sa kursong pagpupulis. Hindi sila mayaman at hindi rin mahirap ang pamilya ni Alliyah Sandoval, Masaya at maganda parin naman ang pamumuhay nila, nakakaraos sa pang araw araw kahit na hindi ganoon kayaman ang pamilya nya.

“Ma, papasok napo ako.” sigaw ng dalaga mula sa kwarto. Lumabas ito at tumungo sa sala upang sootin ang sapatos.

“Oh heto ang baon mo, mag-ingat ka sa pagpasok.” wika naman ng ina nito.

“Maraming salamat ho, mag-ingat rin kayo dito. Hindi ko maipapangako na maaga akong makakauwi pero sana ganon na nga po. Madaming trainings ngayon kaya baka maging busy ako, and please mama huwag pong tatawag kapag nasa klase.” pakiusap ng dalaga na syang tinugunan naman ng matanda.

“Basta mag text ka kapag pauwi kana, oh sya dalian na at baka malate kapa.” humalik ito sa pisngi ng ina bago umalis.

Ganon, ganon kaganda ang buhay ni Alliyah sa puder ng mga magulang nya. Mababait at marerespeto ang nakuha nya sa mga ito kaya naman ipinangako nya sa sarili na dadalhin nya ito hanggang sa pagpapakasal hanggang sa pagtanda.

NGUNIT sa isang iglap paano kapag ang hindi inaasahang masayang buhay ay mapupunta sa hindi naman inaasahang pangyayare na babago sa lahat?

Paano kung mag kita sila sa hindi inaasahang araw. Na sya ring babago sa isang buhay marangya ni Alliyah?

Paano kapag nagsama ang isang bampira at tao sa kasalukuyang panahon?

Maibabalik paba ito kung nagkataon? o mananatili paring makabago hanggang sa magkita ang nakatadhana nilang mga landas?

Your DoctorWhere stories live. Discover now