Heduz Woudler's Point Of View
“you what?” tanong ko sa kaibigan kong si hance ng makarating ito sa bahay ko.
“Oo tol, parang matagal kona syang kilala e. Hindi ko alam malaman kung saan pero sa tuwing makikita ko sya ay parang inaararo ung puso ko at sinasabing “Kalmado” ako pagnakikita ko sya.” tugon naman nito sakin.
“Hindi kaya baliw kana? ang isang bampira ay may kilalang tao? seryoso kaba boy? baka nga hindi pa sya pinapanganak e buhay kana.” sarkastikong wika ko sa kanya.
“ewan ko, e hindi na nga ako makapag focus kanina sa operation kasi sya ng nasa isip ko. Hindi lang ngayon kundi kahit noong mga araw na nakasalubong namin sya ni vugan.” nakatulalang sabi nito.
“Iinom mo nalang yan bro, para ka ng bampirang obsessed sa babaeng hindi mo naman lubos na kilala, e kahit pangalan nga hindi mo al—”
“Alliyah..... Alliyah sandoval.” sabi nito na nagpahinto sakin sa paglalagay ng wine sa baso nya, muntikan kopang masagi ang basong nasa gilid ko.
Masyado kasing pamilar para kasing narinig kona yan sa kung sino at parang may nagsabi rin sakin na dadating din yon sa oras na tawagan sya.
“Fvck.” bulalas ko, para akong mabuhusan ng malamig na tubig.
“What?” tanong nito sakin.
“Pamilyar yung pangalan na yan sakin. Pre naalala moba yung babaeng kinuwento ko sayong niligtas ko don sa mànyak na trycicle driver.” usad ko.
“Oh?” sagot naman nito sabay tungga ng wine.
“Binanggit nya yang pangalan na yan noong maihatid ko sya sa condo nya. Alliyah ang ngalan na binabangit nya sakin. Hindi ako nagkakamali, parang feeling ko related sila sa isat isa. Kanina? dba hinatid mo yon sya? wala ba syang nabanggit na kung ano sayo?” nagaalangan pako ng magisip ito ng matagal.
“Meron, sabi nya need raw sya ng kaibigan nya para ngayong gabi dahil need raw nito ng kasama dahil may sakit.” wika nito.
“Gotcha man! feeling ko magkaibagan sila or magkakla—”
“Malamang talaga na magkaibigan e kakasabi ko nga lang.” pilosopong sagot nya sakin.
“Raulo, pero i just want to meet them both kahit isang dinner lang sa labas.” wika kopa.
“Um, pwede rin. Pero gusto ko e sila yung kakainin, biro lang.” sagot nito sakin.
“Raulo, alam mo naman iyong rules dba? bawal na tayong pumatay ng tao pero ako kasi e hindi ko mapigilan lalo pat kapag hindi naman kailangan mabuhay.” saad kopa.
“Oo kaya nga inararo mo yung trycicle driver e.” dahil sa sinabi nito ay natawa ako lalo at nabilaukan sa iniinom na wine.
“Deserve naman kasi.” usad kopa.
TANGHALI na ng makapasok ako sa opisina para tignan kung may bago akong hatol ngayon. Pero ng icheck ko ang papers ay ganon nalang ang gulat ko ng makita ko ang papel ng isang case.
Nang buksan ko ay bumungad sakin ang làsog làsog na katawan ng isang lalaki na hindi na halos makilala sa sobrang pagkalasog lasog nito.
Tinignan ko ang picture nitong nasa gilid, laking gulat ko ng mapagtantong ang lalaking ito ay ang trycicle driver na muntik ng gûmahàsa sa babaeng nakilala ko noong isang araw.
Inabot ko ang telepono sa lamesa ko at umupo don, pagkatapos ay tumawag sa sekretarya ko.
“Kanino galing tong papel na nasa table ko?” tanong ko agad dito.
“Attorney, dinala po yan kanina ng mga taga pulis station. Gusto kasi nilang paimbistigahan yung kaso noong isang araw, kaya dito nila dinala. If ayaw nyo pong hawakan yung kaso is kay attorney Marcus ko nalang po dadal—”
“Mabuti pa nga.” malamig na usad ko na ipinagtaka din nito sa kabilang linya.
“O-okay copy po attorney.” saad nya,binaba kona ang tawag at umupo sa sofa.
“Sht, pano nato.” nalilitong usad ko ng may kumatok. “Come in.”
“Attorney, kukunin ko po yung pa—”
“Nagbago ang isip ko, ako nalang ang hahawak nyan.” wika ko sa kanya na nakinakilig ng ulo nya.
“Ang sabi nyo po kasi kanina ay si att—”
“Hindi moba narinig ang sinabi ko?” masungit kopang putol sa sasabihin nito.
“Copy po, sorry po.” pakli nya at saka lumabas ng opisina.
Nang makita kong nakalabas na ito ay agad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ng coat ko at tinawagang muli si hance.
Pero nakailang ring ito bago nya pa sagutin.
“Let's meet.” usad ko.
Dali dali akong lumabas ng opisina dala ang jacket ko at ang cellphone pati narin ang case.
“Ang weird ngayon ni attorney.” rinig kong usapan ng makadaan ako.
“ Pero kahit ganon, crush ko parin sya.” pahabol pa nito bago ako makasakay ng sasakyan.
Ang tagal ng oras bago ako makarating sa hospital kung saan nakaduty ngayon si hance. Ang mukha agad nito ang bumungad sakin ng makalabas sa OR.
“Ano?” nagtatakang usad nito, pinakita ko sa kanya ang case na dala dala ko. “Heduz mahirap yan, kasalanan mo yan bakit mopa ako dinadamay.”
“Hindi kita idadamay, kailangan ko lang ng tulong mo para mahanap yung dalawang babaeng yon.” Ani ko.
“Pre, alam mo naman kung saang condo mo sya ihinatid noong gabi alam mo rin ang pangalan nya kaya bakit kailangan pa kitang samahan.” naiinis na usad nito. Naglakad na ito papuntang opisina, lahat ng makakasalubong at nadaraanan namin ay binabati kami pero hindi ko yon mas pinag tutukan ng pansin.
“Promise, kapag nakausap kona si cleofa hindi na kita idadamay.” pumasok ito sa loob at akmang isasara ang pinto ng pigilan ko yon.
“This is the first time na manghingi ako ng favor sayo doc.” bumuntong hininga ito at mabagal ng isip bago isara ng tuluyan ang pintuan ng opisina nya.
Mawawalan na sana ako ng pag-asa dahil sa pagtalikod nito pero agad akong nakarecieve ng text message.
“Tommorow at 10am.” wika ni hance sa text, napatalon ako sa tuwa at sumigaw kahit na nakasara ang pintuan dahil alam kong maririnig nya parin ito dahil sa hearing vampire sense nya.
“I will, thanks doc.” tugon ko sa pag sigaw na pamamaraan.
YOU ARE READING
Your Doctor
Vampire[ COMPLETE ] A girl named Alliyah Sandoval is have a lot of ambition and dream for her family even herself. She wish to be a licensure PNP police officer someday. She was in a 4rth year college student who has enrolled in a famous college university...