Alliyah Sandoval's Point Of View
“Mr. Alvarez, Stand up!” sigaw ng professor namin ng umagang iyon. Kanina pa ito patingin tingin sa likod na kala mo ay may hinahanap. Lahat ng klase ay napalingon sa likuran ng bigla itong sumigaw.
“Looser” bulong ni Cleofa sakin. Inirapan ko ito pagkatapos ay humarap sa unahan. Nakita kong nakangisi na ang professor namin hudyat na may hindi kanais nais nanamang mangyayare sa araw na yon.
“As a 3rd year college in this course Criminology. Bakit...” huminto ito panandalian, lahat ng kaklase ko ay napasinghap at kanya kanyang bukas ng notebook.
“Recitation nanaman” Ani ko sa isip ko.
“Bilang isang estudyante sa kursong ito, bakit kinakailangan ng mga pulis, sundalo o mga opisyal ng batas sa isang komunidad o pilipinas.” umupo pa ito sa mesa ng matapos ang sasabihin.
Lumingon ulit ako sa likod upang tignan ito, nawala na ang ngiti nya kanina sa tanong ng professor.
“Ayan kasi hindi nakikinig.” bulong ulit ni Cleofa.
“Pst, manahimik ka nga baka mamaya ikaw pa ang taw—”
“Yes, Ms Sandoval? stand up, and you remain standing.” tawag nito sa pangalan ko.
Naku, bakit ako pa ang tinawag ninyo. Binatukan ko si Cleofa ng makita kong sumenyas ito na tatawa. Napapikit na lamang ako bago magsalita.
Ni hindi ko nga alam kung tama ba ang isasagot ko pero dahil sa mga nabasa at natandaaan ko last discussion ay yon na agad ang pinanghawakan ko, bahala na kung mapahiya atleast may sagot.
“w-we importantly need it to prevent and control crimes, maintain peace and order, ensure public safety, and internal security, sir.” kinakabahan sagot ko dito.
Tumayo ito sa lamesa at pumunta sa upuan ko. “Sigurado kaba sa sagot mo?” iginalaw galaw pa nito ang buhok ko sa likuran at pinagmasdan akong maigi.
Hindi ako komportable sa ganong pamamaraan ng titig nya dahil parang mamboboso ito na ewan pero mabilis kong itinikom ang kamao ko ng hindi kona mapigilan ang sariling suntukin sya.
“Alright, sit down the two of you. And Mr Alvarez, hindi ka papasa sa kursong ito kung wala ka man lang natutunan kundi ang puro kwentuhan at chikahan dyan sa likod. Kalalaki mong tao, napachismoso mo.” sigaw nito.
Natawa ng bahagya si Cleofa. “Kesa naman sayo, manyakis.” bulong nito.
Siniko ko sya at nginusuan papuntang unahan ng klase.
“Totoo naman kasi, tignan mo nga't kung makatingin sya sayo kanina para ka nyang hinuhubaran.” naiinis na wika nito.
“Hayaan mona, hindi kana nasanay sa kanya ano pa't ganyan naman talaga yan sya. Kaya nga walang matinong girlfriend.” tugon ko naman dito.
“Jusmiyo, ayusin mo lang ali ha! pag ikaw nalaman laman kong binastos ka nyang si Mr manyakol. Ako na talaga tatanggal ng shot gun don sa first floor at ipuputok ko yon sa ulo nya.” gigil na wika nya. Pinagmasdan ko itong maigi, halos mapunit na ang A4 bondpaper sa table nito sa sobrang diin nyang magsulat habang nakatingin sa professor na ngayon ay nakatalikod na samin.
YOU ARE READING
Your Doctor
Vampiros[ COMPLETE ] A girl named Alliyah Sandoval is have a lot of ambition and dream for her family even herself. She wish to be a licensure PNP police officer someday. She was in a 4rth year college student who has enrolled in a famous college university...