Someone's Point Of View
Gabi na ng marating ako sa pinagtataguan nila Hance. Narito sila sa mansion ng majesty kaya hindi ko alam kung saan ako pwedeng sumoot upang makapasok sa loob ng bahay.
Mawawalan na sana ako ng pag-asa ng may lumabas mula sa gate. Kilalang kilala ko agad ito, walang iba kundi si Alliyah.
Nginitian ako nito kaya naman gumanti rin ako ng ngiti. Pumunta sya sa gate kung san ako nakatayo kaya naman agad akong lumapit ron ng makita kong papalapit narin sya.
“May gusto akong sabihin sayo kaya pwede kabang sumama sakin? kahit na sandali.” usad ko dito.
Mukhang nagulat sya kaya naman medyo nagkaroon ako ng inis. Marahan pa itong lumingon sa likod nya kung nasan ang pintuan para sa loob ng bahay.
“Pwede ba nating antayin si Hance ? para makapag paalam ako sa ka—”
“Sandali lang tayo hinding hindi tayo magtatagal.” hinatak ko ito saka naglaho ng parang bula.
Dinala ko sya sa isang gubat at don ko sya inupo sa upuang na gawa sa kahoy.
“Huwag kang matakot sakin. Kilala na kita noon pa man. May gusto lang akong linawin.” saad ko.
Mukhang hindi parin ito naniniwala sakin kaya naman inalis ko ang contact lens sa mga mata ko at humarap sa kanya.
“Tulad ng boyfriend mo at mga kaibigan mo, isa rin ako sa kanila. Ako ng sugo ng mga patakaran kung saan ay pumapatay ako ng mga kauri ko o mortal kung nabali ng mga ito ang rules ng vampiredom, nandito ako upang liwanin kung anong nangyayare. Dahil sa sulat na galing sa lola ni Hance ay nawalang bisa ang sumpa na yon, ako si husefa.” saad ko at pagpapakilala sa kanya.
“Anong sumpa?” tanong nito sakin.
“Sumpa yon ng mga bampirang bumabali sa patakaran na ginawa ng sinaunang prinsepe ng mga bampira yun ay ang pangalawang batas kung saan ay pinapatupad ang hindi maaring pag-iibigan ng bampira at tao. Sa pangatlong patakaran ay pinapatay o pinaparusahan ang dalawang panig, depende sa tadhang meron sa kanila. Pero sa inyo ako lubos na nagtataka.” tugon ko.
Pumilig ang ulo nito dahil mukhang nagtataka sya sa mga sinasabi ko. Hindi narin ako nagtaka dahil tao sya kaya may mga hindi sya maintindihan.
“Panigurado akong nasabi na sayo ni Hance. Pero narito dapat ako upang patayin ka sa panaginip mula pa noon. Pero ng mamatay ang Majesty Cristina ay nagbago ang lahat. Maging ang kapangyarihan kong pumatay ay nawala, napalitan iyon ng tadhanang ayusin ang pag-ibig sa pagitan ng mortal at immortal.” wika ko sa kanya.
“Huwag mo akong sasaktan parang awa mona.” saad nito sakin kaya bahagya akong natawa, pero nakatingin lamang ito sakin.
“Hindi kita papatayin, bagkos narito ako upang ipaliwanag sayo ang pahiwatig ng nasa panaginip mo.” saad ko sa kanya.
“Nakatadhana na sayo ang panaginip nayon simula pa ng ipanganak ka dahil ang buhay mo at buhay ni Hance ay nakadugtong, dahil ipinanganak ka para sa kanya, ikaw ang babaeng babago sa buong buhay nya.” usad kopa rito.
“Pero hindi kita maintindihan.” naguguluhang wika nya sakin. “Ayokong maging bampira, ayokong mamatay dahil may pamilya pakong uuwian.”
“Ang panaginip mo, uunahan na kita. Si Devian ay ang revival ng katauhan ngayon ni Hance. Si Hilayan naman ang ngayon ay si Heduz. Sila ang prinsepeng bumubuo ng karakter dyan sa panaginip mo dahil una palang plinano na yan ni Lola Cristina para ipakita sayo ang totoong mundo ng mga bampira dahil gusto nyang malaman sayo mismo kung mamahalin mo paba si Hance kapag nalaman mong nakipag palitan na sya bilang isang hari.” Ani ko dito.
“Hari?” wala sa sariling tanong nito sakin.
“Oo, itinakda sya mula pa noon na maging hari. Pero napawalang bisa yon dahil sa babaeng minahal nya, si Valegne.” hindi ko sukat akalain ng inulit nito ang sinabi ko. Nababasa ko sa isip nya na naguguluhan sya at pawang may hindi naiintindihan pero nawala ang pagtataka ko dahil sa sinabi nito.
“Valegne? pamilyar sakin ang pangalan.” usad nito.
“Dahil ikaw ay sya—” nahinto ang usapin namin ng makarinig ako ng sigaw mula sa likuran ko. Matamis akong ngumiti ng makilala kung sino yon.
“Husefa!” tawag ni Hance.
“Hance...” tawag naman ni Alliyah, tumayo ito sa tabi ko saka hinawakan ang braso ko.
“Lumayo ka sa kanya, alam mo bang pwede kang mapahamak sa ginagawa mo at pagsama sa kung kani-kanino?” saad nito.
“Hindi sya ganon, dahil binago na ni Lola Cristina ang sumpa na nakapaloob sa kanya. Isa pa, narito sya para ipaliwanag sakin lahat lahat kaya pala noong pinakita mo sakin ang totoong ikaw sa gubat , sa tuwing lalakad ka ay nagiging lanta ang lahat pero nababago yon sa tuwing pupunta ako sa gawi mo.” saad naman nito kay Hance.
“Alam mo ang destiny na yon?” nagtataka kong tanong dito.
“Oo, nagtataka pako non dahil hindi ko alam ang ginagawa ko.” pakli nya.
“Ali....” tawag ng kung sino, nang humarap kami ay don lamang lumapit si Alliyah sa isang babaeng medyo matangkad at mistisa.
Muli nanaman akong ngumiti ng makilala agad ito.
“Prinsesa Axelia.” i said with a quietly town voice.
“Kung ano man ang binabalak mo samin, please lang huwag mo ng tinuloy. Dahil meron kaming bisa galing sa lola kaya kahit anong gawin mo hinding hindi sya mapupunta sayo.” saad ni Hance sakin.
“Dahil ako ang guardian nya ng mawala si Lola Cristina. Hanggat nabubuhay ako, ang kapangyarihang binigay sakin ni Lola Cristina ay mananatiling sariwa at buhay. Narito ako upang ipaliwanag sa kanya ang lahat ng gumugulo sa kanya tulad nalang ng sinabi at binilin sakin ni Lola Cristina. Wala akong intensyong saktan si Alliyah dahil naipaliwanag na sakin ang lahat. Ang nakatakdang reyna at ang prinsesa.” tinuro ko si Alliyah at sunod ang katabi nitong babae.
“Prinsesa?” ulit na tanong ng babae.
“Heduz, ikaw ang nakatoka ngayon pala ipaliwanag. Cleofa makinig ka sa sasabihin ni Heduz kung ano man ang malaman mo ay maging maingat na lamang tayo.” saad ni Alliyah sa kanya.
“Kay gandang ngalan, tyak akong nangangahulugang magiging prinsesa at reyna ng vampiredom.” mataimtim kong usad.
“Si lola cristina ang nagpadala sayo?” tanong ni Heduz.
Itinaas ko ang kamay kong walang laman saka gumamit ng mahika upang ipakita ang huling mensahe ni Lola Cristina.
“Nakasaad rito ang tadhana ninyong makita-kita, lalo na kayong dalawa Alliyah at Hance. Kung mamakarapatin sana ay huwag ninyo akong kakaligtaan kapag naikasal na kayo, mahal na reyna at panginoon. Maging sa inyo, prinsesa Cleofa at prinsepe Heduz.” tugon ko.
Ngumiti ako sa kanila saka umalis. Nakita kopa kung papaano yakapin ng mahigpit ni Hance si Alliyah na kahit kelan ay hindi ko nakita simula ng mawala noon sa piling nya si Alliyah.
“Sana matapos ang mission ko ng masaya at malaya, Lola Cristina.” bulong ko sa hangin.
YOU ARE READING
Your Doctor
Vampir[ COMPLETE ] A girl named Alliyah Sandoval is have a lot of ambition and dream for her family even herself. She wish to be a licensure PNP police officer someday. She was in a 4rth year college student who has enrolled in a famous college university...