Chapter 25

15 1 0
                                    

Alliyah Sandoval's Point Of View



Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar, nakagapos ang mga kamay ko maging ang nasa paanan. Nakaputing dress din ako maging ang aking bibig ay nakatapal ng puting tela.

Nais kong humingi ng tulong subalit hindi ko magawa dahil sa nakatakip saking bibig. Takot na takot ako ng mga oras na yon dahil sa hindi ako pamilyar sa lugar na aking kinatatayuan.

Bukod don ay may pumasok din sa silid na dalawang lalaking nakakapa. Lumapit ang mga ito sakin at kinalagan ang nakatapal saking bibig.

“Nasan ako! Anong ginawa nyo sakin! Gusto ko ng umuwi!” sigaw ko sa mga ito, gumilid silang dalawa saka lamang pumasok ang isang lalaking nakaitim na damit.

Halos lahat ng taong nakikita ko ay mga nakaitim. May sumunod din dito ngunit hindi ko agad makita ang kanyang mukha. Sa pangatlong taong pumasok ay nabigla ako ng makita ang lola ni Hance.

“Huwag nyo syang gagalawin hanggat hindi nadating ang apo ko.” usad nito sa lahat.

Nagsilabasan din sila maliban sa dalawang babae, nang may sabihin dito ang lola ni Hance saka lamang ito lumabas.

“Ano pong meron? bakit po ako nandito? isa pa nasan po ba ako?” tanong ko dito.

“Nasa mundo ka ng mga bampira Alliyah, lahat ng nakikita mo ay hindi tao gaya ng nasa isip mo.” tugon nito sakin.

Nanginig ako sa kaba gaya ng inaasahan ko ay takot na takot ako. Kahit pa sabihin kong dalawa sa kaibigan ko ang bampira ay hindi parin ako mapakali na napapaligiran nila ako ngayon.

“Pero huwag kang mag-alala a-apo, wala ni isa ang gagalaw sayo rito. Basta't manatili ka sa tabi ko dun ko lang masasabing may silbi ako bilang lola ni Hance.” nagulat ako ng marinig ko ang salitang apo sa bibig ng lola mismo ni Hance.

Tila gumaan ang pakiramdam ko sa bagay na yon lalo na ng umupo ito sa tapat ko at bukal sa loob na niyakap ako.

Kinalagan nya rin ang mga nakagapos sa katawan ko kaya naman mabilis akong lumapit at gumanti rin ng yakap sa kanya.

“Huwag ka ng malungkot, magiging maayos din ang lahat. Pasensya na sa asal na natanggap mo sakin noong una tayong magkita.” wika nito, hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko dahil sa mga katagang binibitawan nya na animoy huling salita na.

“A-ayos lang po yon, please huwag kayong umalis sa tabi ko.” nagmamakaawa kong sabi.

Hinimas nito ang likod ko. “Maging matapang ka sa lahat ng dagok mo sa buhay, inaasahan kong aalagaan mo ng maayos si Hance.” usad nito.

“Ali...” nahinto sa paghimas ng likuran ko ang lola nito ng kapwa namin marinig ang tinig ni Hance.

Pawis na pawis ito ng makapasok sa silid nanlulumo akong tumingin sa kanya habang sya ay nakatingin rin sakin bago pa ibaling ang tingin sa lola nya.

“Dinudugo ka” usad nito pero ang tingin ay nasa lola nya.

Umayos ako ng upo kaya naman nakita ko ang espadang nakatarak sa likuran nito. Anino yon ng espada, nagtataka ako kung bakit ni hindi ko nakita yon kanina ng pumasok sya sa silid.

“Lola?” tawag ni Hance dito.

Humigpit ang pagkakayakap sakin nito na ginantihan ko rin ng mahigpit na yakap. Naramdaman ko na lamang na inilalapit nito ang bibig saking tenga.

“Please take a good care of my grandson and please.... be happy.” bulong nito sakin bago pa tuluyang bumagsak sa sahig.

Agad naman itong dinaluhan ni Hance lumapit narin ako dito. Gusto kong hawakan ngayon si Hance pero hindi ko magawa bagkos ay tignan lamang sya habang umiiyak dahil sa pagkawala ng kanyang Lola.

Nung una ang lolo nya pangalawa naman ngayon ang lola nya. Hindi ko matukoy kung anong dahilan kaya tila isang pala isipin sakin kung anong meron at kung bakit ako maririto ngayon.

Isang nakakabiglang pangyayari ng makarinig ako ng sunod sunod na mga yabag sa labas ng silid.

“Umalis na tayo rito.” usad ni Hance sakin.

“Pero....”

“Ang sabi ko umalis na tay—”

“Doc Hance.” tawag ng kung sino.

“Doc Hance....”

Lumingon kami sa paligid ngunit ni isang anino ng tumatawag ay wala kaming nakita.

“Doc Hance!” sa pangatlong tawag ay nakita namin ang salamin na umiilaw sa gilid, naroon ang tinig na tumatawag kay Hance.

Pumasok kami ron at dinala sa bahay ng lola nito. Lumabas din don si Heduz at Cleofa. Aligaga akong tumakbo upang yakapin ang kaibigan ko.

“Akala ko hindi kana makakabalik.” wika nito sakin.

“Anong meron?” usad naman ni Hance.

“Pinapunta kami dito ng lola mo. Sinabi nya na magiging ligtas kayo kung dito kayo pupunta. Hance binago nya ang takbo ng buhay mo ngayon, tulad ng sinabi mo bilang isang diyos ng tadhana kailangan nyang gumawa ng panibagong patakaran ngunit ikamamatay nya. Hance ginawa yon ng lola mo para sa ikakasaya mo, nyo ni Alliyah.” usad ni Heduz.

Luminga linga pa sa palagid si Cleofa na tila mayroong hinahanap ng mga oras na yon. Mistulang gripo na ang mga mata ko dahil sa sobrang pag iyak.

“Where's lola Cristina?” cleofa's ask with a full voice for curiosity.

Sandali kaming natahimik maging si Heduz ay nagtanong narin. Hindi ko alam kung sino ang may gustong magsabi pero ng tumingin ako kay Hance ay namumula na ang mga mata nito.

Lumapit ako sa kanya saka lang sya niyakap patalikod para kahit papaano ay mawala ang sama ng loob nya ng oras na yon.

“She's gone. Tulad ng hiling ko na baguhin nya ang fate na meron samin ni Ali, ginawa nya. It's my fault.” he whispered.

Humigpit lalo ang pagkakayakap ko sa kanya. Tumayo ako ng tuwid at pumaharap sa kanya upang mayakap sya ng maayos.

Hirap na hirap akong makita syang nagdudusa ng ganito ngayong alam kona kung anong dahilan.

Matapos mawala ng lolo nya ay ngayon ang lola naman nya. Hindi ko na alam kung ano pang pwedeng kapitan ni Hance sa tuwing magiging malungkot sya lalo na at wala na si Lola Cristina.

Your DoctorWhere stories live. Discover now