Flashback shows
Sa mundong may kalalimang taglay may prinsepeng nag-ngangalang Devian. Maganda ang pamumuno nya sa matagumpay na pananalaytay ng mundo.
Nakabalanse sa mga kamay nya ng kasiglahanan ng mundo ng mga mortal at immortal.
Hindi magkandaugaga ang dalawang panig dahil kahit saan banda tignan hindi naman nagkakaroon ng problema ang bawat mundo. Kaya panatag ang prinsepe na kaya nyang ibalanse ang parehong mundo.
“Maari na kayong magpahinga kapag natapos na ang bawat salin ng mga inumin.” saad nito sa mga tagapagsilbi.
Maganda rin ang pakikitungo nya sa bawat bampirang tagapagsilbi na nakapalibot sa buong templo.
Dahil kahit papaano ay may respeto at paguunawa sya sa bawat pagod at sakripisyo ng mga ito para sa kasaganahan ng daigdig.
“Masusunod ho mahal na prinsepe.” usad ng isang katiwala o mayordome sa kanya.
Ngumiti sya ng maganda saka nilabas ang silid sa hanay ng nga inumin. Saka dumeretso sa kabilang silid kung saan nakahanay naman ang mga tinapay na may halong dugo ng tao.
Abala rin ang mga tagapagsilbi ron upang maging mas masarap ang lasa ng tinapay. Tulad ng inaasahan nya ay magiging mas maayos kung magsasama sama ang mga tagapagsilbi upang gawing mas masarap ang mga pagkain sa hapag.
Lumabas sya ng silid at saka tinungo ang hardin. Naabutan nya ron si Hilayan. Ang kababata nya simula pa noong una, isa ring prinsepe ng langit.
“Maganda ang langit ngayong gabi para sa mga tagapagsilbi na abala sa pag gawa ng masasarap na pagkain.” usad ni devian dito.
“Oo panginoon, maraming salamat sa papuri.” usad naman ng ginoo.
Masigla nilang tinitigan ang buong kalangitan ng gabi na yon. Maganda at puno ng bituin gayong nagsisipag labasan din ang maiilaw na kuliglig upang bigyang liwanag ang hardin.
Nagising na lamang si Alliyah mula sa pagkakayakap nya kay Hance. Grabe ang tagaktak ng pawis nya kahit na nakabukas ang aircon sa araw ng tag lamig.
Mahigpit na nakayakap ang isang bisig ni Hance sa kanya at ang isa naman ay ang nagsilbing unan upang makatulog sya.
Grabe ang panaginip na yon, dahil nagtataka sya kung sino ang dalawang lalaking nagbigay liwanag sa madilim nyang panaginip.
“Who are they?” she whispered. Tinitigan nya si Hance, hindi nya malaman kung tulog pa ito o sadyang nakapikit lang upang bantayan sya sa buong magdamag.
Bumaba sya ng kama saka tinungo ang banyo. Makalipas ang ilang minuto ay bumaba na sya ng silid.
Nadatnan nya ron sila Heduz at Cleofa sa hapag. Nagluluto si Heduz samantalang ang kaibigan naman nya ay nagsasalin ng kape sa mixer.
“Good morning.” sabay na bati ng dalawa. Umupo sya sa isa sa mga upuan at saka ipinilig ang ulo.
“How's your sleep bestie?” tanong ni Cleofa sa kanya.
“Diko alam.” sagot naman nito.
“Uh-oh hindi kaba nakatulog ng maayos?” tanong naman ni Hance habang sinasalin ang sopas sa babasaging mangkok.
“Hindi, pero may bumabagabag sakin.” saad naman ni Alliyah.
Nagtaka naman ang dalawa kaya naman tinugunan ni Heduz ng isang tapik ang girlfriend upang kausapin ang kaibigan habang sya ay abala sa pagluluto.
“Ano naman yon? ayos ka lang? ang init mo kasi, teka! nilalagnat kaba?” nag-aalalang tanong ng kaibigan nya.
“Hindi ayos lang, sa panaginip ko kasi may dalawang lalaki ang nagpakita. Hindi ko masyadong mamukhaan dahil madilim maganda ang pakikitungo nya sa lahat ng tagapagsilbi maging ang bawat estilo ng hanay ay maayos sa pamumuno nya.” usad ng dalaga.
“Kilala mo? i mean alam mo ang mga pangalan?” tanong ni Cleofa sa kaibigan.
“Prinsepe devian at prinsepe Hilayan.” usad ni Alliyah. Kasabay nito ang isang ingay mula sa kusina kung saan naroon si Heduz.
Nalaglag ang hawak nitong sandok sa lapag dahil sa kanyang narinig mula sa usapan ng girlfriend nya at ni Alliyah.
“Ayos lang ako rito!” sigaw ni Heduz mula sa kusina.
“Be careful.” sigaw naman pabalik ni cleofa. “So sino sila? at bakit sila nagpapakita sa mga panaginip mo?”
Sa pagkakataong iyon ay sakto namang kabababa lang ni Hance mula sa taas kaya naman sabay sabay silang tumingin upang tignan ito.
Ngunit pagbaba palang ni Hance ay sumalubong agad sa kanya ang malumay na tingin ni Alliyah. Noon lang muli nangislap sa isip nya ang mga titig nito bago ito paslangin ni Husefa.
Ngayon ay nag-aalala sya na baka mawala ulit ito sa piling nya. Ngunit kahit ganon ay handa syang ibuwis ang buhay huwag lamang mapahamak muli si Alliyah.
“Hance!” sigaw ni Heduz mula sa kusina. Sabay naman na napatingin sila Alliyah at Cleofa kay Hance.
“Coming!” sigaw nito pabalik.
Nang makarating sya ron ay agad sila tumungo sa sulok ng kusina. Aligaga si Heduz sa pagsarado ng pinto upang hindi sila nito marinig.
“Nabubulabog narin si Alliyah sa panaginip. Alam na nya at kilala kung sino si Hilayan at Devian.” tila nawalan ng tinik sa lalamunan si Hance sa kanyang narinig mula sa kaibigan.
“What?!” bulalas nito.
“Hindi nya pwedeng malaman na ikaw at ako ang mga taong yon. Dahil kung matutuklasan nya ang bagay na yon ay malalaman nya rin na mamamatay sya sa panaginip mo noong unang panahon.” wika nito.
“What should i do?” naguguluhang usad ni Hance.
“Kailangan kong makapasok sa panaginip nya mamayang gabi bilang isang maestro at iligaw ang panaginip nya sa ibang bagay kung tatangkain nanamang ipakita sa kanya ang hinaharap. Kasi kung hindi, magiging totoo ang pangitain ni Lola Cristina kahit pa sabihin ninyong binago na nya ang tadhana na yon.” saad nito.
“Pero paano natin gagawin ang bagay na yon?” tanong muli ni Hance.
“Kailangan mo syang kausapin na dito muna tumuloy sa bahay ni Lola Cristina dahil bukod sa safe sya rito ay magagawa ko rin na makapasok agad sa panaginip nya once na natulog sya.” Ani ni Heduz kay Hance.
Natahimik si Hance pagkaraan dahil hindi nya rin matukoy kung ano ba talagang nangyayare. Nais nyang baguhin ang takbo ng mundo sa pagitan nila ni Alliyah.
Pero sobrang dami namang kailangang danasin upang maisaayos lamang yon. Bago pa man sya umayaw ay nakapag desisyon na sya sa plano ni Heduz.
Mamayang gabi matapos pumayag ni Ali ay don lamang nila gagawin ang plano. Para wala naring mahirapan at wala naring mapaslang sa kanila lahat. Maging nais nyang gustong makita na masaya ang lola nya sa pagsasakripisyo nito sa kanila upang maging masaya lamang sya.
YOU ARE READING
Your Doctor
Vampiros[ COMPLETE ] A girl named Alliyah Sandoval is have a lot of ambition and dream for her family even herself. She wish to be a licensure PNP police officer someday. She was in a 4rth year college student who has enrolled in a famous college university...