Chapter 23

10 1 0
                                    

Author's Point Of View

Hindi agad nakabalik ng mundo ng mga tao si Heduz at Hance dahil sa dami ng gawain bilang isang bagong hari ni Hance.

Gusto nyang paunahin ang kaibigan subalit kahit ito ay hindi rin makatawid dahil sa dami rin ng trabahong inatasan para sa pagiging prinsepe nya.

Kaya ngayon hindi nila alam kung papaano nila sasabihin kila Alliyah at Cleofa ang nangyayare sa mundo ng mga bampira kung hindi ng mga ito alam kung maayos ba ang lagay nila ron.

“Damian?” tawag ni Hance sa malayo.

“Panginoon?” sagot naman ng kanyang katiwala, may pinto sa pagitan nila dahil hindi pwedeng pumasok ang isang tagapagsilbi sa kwarto ng hari kung hindi naman ito ang naatasang pumasok ron.

“Maari ba akong magtanong?” usad ni hance.

“Maari po panginoon, huwag lang ho ang pera dahil wala po akong maibibigay.” biro nito, bahagyang natawa ang katiwala ng marinig nya ang mahinang tawa ng kanyang panginoon.

“Minsan kana bang nagmahal rin ng hindi mo kasing uri? O sa makatuwid ay hindi ata immortal tulad mo?” tanong ni Hance sa hanay ng pintong nakaharang sa pagitan nila ng tagapag silbi.

Matagal bago nakapag isip si damian sa labas ng pintuan dahil pinagiisipan nito ang pwedeng isagot sa kanyang hari.

“Hindi pa po panginoon, ngunit naranasan ko pong umibig sa tao. Tulad ng sinabi sa panglawang patakaran ay hindi rin natuloy dahil ayokong may mangyareng masama sa aking minamahal.” sagot nito.

“Subalit, dahil sa takot ko na baka hindi sya tanggapin sa templo ay iniwan ko sya upang hindi na muling masaktan at madamay sa mga hinanakit ko sa buhay.” dugtong pa nito.

“So naranasan mo nga? Bakit hindi mo man lang sinabi ang tungkol dyan?” sabi ni Hance.

“Paumanhin panginoon, subalit akoy natatakot na baka hatulan ako ng kamatayan. Kaya mas intindi kong itago nalang ang tungkol samin.” wika nito.

“Iniibig mo parin ba hanggang ngayon ang mortal na yon?” tanong ni Hance.

“Iniibig, ngunit paraan ng pagtitig sa malayo mahal na hari.” tugon ng tagapagsilbi.

Bumuntong hininga si Hance sa kanyang narinig. Hindi nya ineexpect na ganon ang sagot ng kanyang tagapagsilbi.

Dahil kung sya ang tatanungin ay hindi nya rin alam kung anong kasagutan sa tanong na yon, maaring oo at maaring hindi.

Mahal nya ang mortal na babaeng si Alliyah pero mayroong gustong pumigil sa bugso ng damdamin na nais nyang gustong sabihin.

“Mayroon paba kayong nais malaman sakin mahal na hari?” tanong ng tagapagsilbi, kumatok pa ito ng tatlong beses upang marinig ni Hance ang kanyang tinig.

“Wala na damian, maaari ka ng magpahinga, upang bukas ng umaga ay marami kang sigla sa mga pangkat” wika nito.

Matapos magpaalam ng tagapagsilbi ay muling nag-isip si Hance kung ano ba talagang mga pahiwatig ang patuloy na nananalaytay sa kanyang isip.

Pero kung ano man yon ay desedido parin syang umapela dahil tulad ng iba ay nagmamahal lamang din sya.

Tumayo na sya sa kanyang inuupuan at naglakad patungo sa kanyang silid. Binuksan nya ang kanyang black velvet coffine at saka pumasok ron.

Gusto nyang burahin ang pagod ng gabi na yon at magpahinga ng wala man lang iniisip kundi ang mahalin si Alliyah.

Sa kabilang banda naman, naging abala din ang mortal na sila Alliyah at Cleofa dahil sa mga training bilang isang criminology students.

Malapit narin ang kanilang defense kaya naman sa sobrang busy ay nakakaligtaan nya ng icheck ang kanyang message boxs kung nagtext ba si Hance.

Maging si cleofa ay ganun din. Pero kahit papaano ay alam naman nila ang kung bakit hindi agad makakapag bigay ng balita ang dalawa.

Pero natatakot sila na baka hindi na ito bumalik dahil lang sa masyadong nag-iisip ng kung ano ano.

“Sandoval!” Lumingon ang dalaga ng marinig ang kanyang ngalan na tinawag sa gitna ng napakaraming tao.

Luminga linga sya sa kanyang paligid saka lamang napagtantong nasa harapan na nya ang kababatang si Yuri.

Inabutan sya nito ng yellow tulips at saka hinalikan ang kanyang pisngi. Sakto namamg dumating din ang kaibigan pa nilang si Cleofa.

Inabutan rin ito ni Yuri ng Bulaklak at dinampian pa ng halik ang kanyang palad.

“Hello, good morning salamat sa pa flowers Yuri. Anyways, anong meron at bakit napadalaw ka?” tanong agad ni Alliyah.

“Nothing i just want to see you that's why i came here.” tugon ng binata.

“Ah okay.” sagot naman ni cleofa.

“Ahm, naglunch na kayo?” tanong ulit nito.

“Hindi sila pwede kasi kami na ang sasama sa kanila.” sabad ni Hance sa pagitan ng usapan ng tatlo.

Napapitlag sa gulat si Alliyah ng hapitin nito ang kanyang bewang. Nanlilisik ang mata nito habang nakatingin sa kababata nya ramdam at rinig din ng dalaga ang pagigitla ng mga ngipin at panga ni Hance.

“A-ang akala ko ay.....”

“We'll we're here again to ask our girlfriends kung san nila gustong maglunch.” tugon ni Heduz sa sasabihin ni Yuri.

“Teka nababasa moba ang nasa isipan ko? kung ganon ay hindi kari—”

“If you can't shut your mouth, i will make crash it like a chilli grilled cheese.” sagot naman ni Hance.

Napatanga na lamang si Yuri sa sinabi ni Hance at Heduz sa kanya. Ngumisi pa ang mga ito ng wala ng masabi si Yuri na pang ganti sa kanila.

“Well, let's go.” usad ni Hance habang yakag yakag si Alliyah.

Huminto pa ang mga ito sa tapat ng trash can bago hinawakan ang bulaklak at saka yon tinapon sa basurahan.

“I will bought you a lot of time petty flowers.” usad pa nito saka nagpatuloy sa paglalakad. Ganun din ang ginawa ni Heduz bago sumunod sa mga kaibigan.

Naiwang nakatanga lamang si Yuri sa mga ito habang pinagmamasdan ang papalayong bulto ng apat.

“Gosh, he throw the flowers that i brought? seriously? ah! gros.” usad nito sa kanyang sarili.

Your DoctorWhere stories live. Discover now